~ Chapter Two~

12 2 0
                                    


Umupo muna ako sa  sofa habang hinihintay ang pagbalik ni  Mayang.
Bwisit na bruhang yon! Gusto ko syang sabunutan sa sobrang inis. 

Pero syempre joke lang..

Oo nag-aaway kami ni Mayang pero hindi naman kami humahantong sa pisikalan.

Maya maya pa'y pumasok na ito sa pinto ng Boarding Hause namin. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

" Buti bumalik ka!, alam mo bang binastos mo ako bruha ka-" napatigil ako sa sasabihin ko nang makita ko ang isang matandang babae sa likuran nya .

Luh, baka yon ang mama nya!

" Ahm sorry po " paghingi ko agad ng pasensya.

Tumaas ang isang kilay nito kaya nagmukahang mataray ang Ginang.
At ako naman ay sinisimulan nang kabahan.

" Yan ba si Beatrice? " seryosong  tanong ng mama ni Mayang sa kanya pero sa akin parin ito nakatingin.

" Opo " maikling saad ni Mayang at inakay ang mama nya paupo sa sofa.

" Beatrice iha, galit ka ba sa anak ko? " mahinahong tanong nito pero kinakabahan ako. Parang nagtitimpi lang kasi sya eh.

Umupo ako sa may upuan na kaharap nila mukhang bibigay kasi ang tuhod ko sa sobrang kaba.

" H-hindi po ako galit sa anak nyo tita, naiinis lang ako kasi bigla nalang nya akong iniwan kanina habang nagsasalita ako " kinakabahang sabi ko.

" Pero hindi parin yon sapat na dahilan para pagalitan mo ang anak ko! " galit na bulyaw nito sa akin. " Inalagaan ko yan!! Hindi ko yan pinapagalitan ! Tapos ikaw? Gaganyanin mo lang ang anak ko? " dagdag pa nito.

Si Mayang naman ay mukhang kinakabahan rin.

Agad ako kumuha ng tubig sa lamesang nasa pagitan namin at dali daling nilagok iyon. Pagkatapos ay binaba ko na ang baso at tumingin ulit ako kay Tita. Galit syang nakatingin sa akin.

Maiiyak na yata ako eh...

Pakiramdam ko ay namumuo na ang luha sa mata ko.

Wag kang tutulo please!

Lalagpak na sana ang luha ko kaso biglang humagalpak ng tawa si Mayang at yong mama niya.

Bakit sila tumatawa?

" Hahahahahah nakakatawa naman itong kaibigan mo Maria , mabilis maniwala " natatawang saad nang mama ni Mayang sa kanya.

" Ganyan talaga yan mama, kaya ang sarap nyan lokohin eh masyadong iyakin." sabi din ni Mayang habang tumatawa rin.

So , prank lang toh?

" Iha sorry , wag kang magagalit sakin ha. Inutusan lang ako nitong si Maria, sabi nya kanina ay  i prank daw kita . Kunwari daw ay matapang ako." paumanhin ng mama ni Mayang.

Tumingin naman ako kay Mayang.

" Bully ka Mayang " sabi ko sabay hagulgol ng iyak. " Alam mo bang kinabahan ako " dagdag ko pa.

" Hala! Umiyak sya ! " nag aalalang Sabi ng Mama ni Mayang at lumapit ito sa akin. "Iha sorry ha, dapat pala hindi ko na sinunod ang anak ko , nasaktan yata kita " sabi nito habang hinahagod ang likod ko.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko.

" O-ok lang  po, kinabahan lang talaga ako kasi akala ko galit talaga kayo sa akin kanina " sabi ko habang sumisinghot.

"Ganyan talaga si Mama, magaling um-acting , alam mo ba naging extra yan sa isang sikat na Movie . " proud na sabi ni Mayang.

" Tumahimik ka nga" saway ng mama ni mayang sa kanya.

" At ikaw naman Mayang magaling kang manloko , lagi mo nalang akong pina-prank " sabi ko at uminom ulit ng tubig.

" Eh gusto ko lang naman bumawi sayo , pano kasi natagtag ka nanaman sa trabaho mo. " sabi nito at inirapan nya ako.

" Isip bata ka talaga " mahinang saad ko.

" Ikaw naman mukhang bata, iyakin ka pa rin hahahaha" natatawang sabi nito pero napatigil sya ng hampasin ni tita ang braso nya.

" Tumigil ka nga Maria, mag sorry ka na kay Beatrice " utos ng mama nya sa kanya.
Tumayo si Mayang  at pumunta muna sa  kusina . May kukunin siguro.

" Okay okay okay ! Sorry na Gaga alam mo naman na madami akong kalokohan na ginagawa sayo  but always remember na love parin kita kahit na ganon. Naiinis lang talaga ako sayo kanina kasi wala ka nanaman trabaho , kawawa ka nanaman, kawawa nanaman ang pamilya mo. Para sayo rin naman ang mga sinasabi ko sayo eh. Bukod sa kaibigan, mo ako ay kapatid na rin ang turing ko sayo........."

Patuloy parin sa pagdadaldal si Mayang pero hindi ko na sya pinakinggan dahil paulit-ulit lang naman ang sasabihin nya. Lagi ko naman yon naririnig tuwing natatagtag ako sa trabaho. 

Pinikit ko nalang ang mata ko.
Pero minulat ko yon nang may biglang bumulong sa tainga ko.

Yong mama pala ni Mayang.

" Natagtag ka nga sa trabaho iha? " bulong na  tanong nito.

" Opo eh " malungkot sa sabi ko.

" Wag kang mag-alala may ibibigay ako sayong trabaho " nakangiting sabi niya.

" Pero may tatanungin muna ako sayo "  dagdag nito.

" Sige po " sabi ko at umayos nang upo.

" Anong buong pangalan mo? " tanong nito.

"Beatrice Fererr  Avila po " sabi ko.

" Ilan taon ka na? " tanong pa nito.

"23 po " sagot ko agad.

" May jowa ka na ba? " tanong ulit nito.

Jowa? Boyfriend? Tss Sana all meron

" Wala po, bakit bibigyan nyo din po ba ako ? " pabirong tanong ko .

" Gaga hindi noh." Natatawang sabi niya

Aba... tinatawag na nya din akong Gaga?

" Joke lang po, sige po tuloy nyo na tanong nyo. "

" Mahilig ka ba sa bata? " pagpapatuloy nito.

" Oo naman po. Malapit po ako sa mga bata " nakangiting sagot ko.

" Ok Good . Yaya , ok lang ba sayo ang yaya? Pero wag kang mag-alala . Malaki ang sweldo sayo . Malaki magpa sahod  ang amo namin. " sabi nito.

Chossy pa ba ko?

" Ok lang po sakin yon " sagot ko.

" Sure ka? Pasaway na bata yong aalagaan mo" sabi nito.

" Sigurado po ba kayong Bata yan?  Baka mamaya Binata yan, may  napanood kasi ako noon. Yong yaya,  kasing edad nya lang pala yong aalagaan nya tapos na-inlove sila sa isat- isa pero humahadlang ang mga magulang nong binata kasi mahirap lang yong babaeng yaya kaya hindi sila pwedeng magkatuluyan pero pinaglalaban parin nila ang isat-isa. "sabi ko dito

Ganon kaya yong nangyayari sa pelikula.

" Gaga hindi noh, bata talaga aalagaan mo . Seven years old " sabi nito.

" Seven years old? Hindi Swenty-seven? " pabiro ulit na sabi ko.

" Chee! Bahala ka sa buhay mo "natatawang sabi nito.

~~~

Tbc...

Enjoy reading ;)

- Lady Spade♠

His Mistress  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon