~ Chapter One ~

13 2 0
                                    

Mahigit limang taon na rin ang lumipas mula nong maikasal si Gab. Pagkatapos ng kasal ay lumipad sila papuntang Amerika, doon siguro sila magsisimula bumuo ng sarili nilang pamilya. Kahit masakit ay kailangan kong tiisin ang nararamdaman ko .  Mas swerte nga si Gab dahil hindi nya nakatuluyan ang isang mahirap na kagaya ko. Totoo naman ang sinabi ng tatay nya eh, isa akong hampas- lupa pero hindi ako Bobo , sadyang patanga-tanga lang minsan. Nakapagtapos naman ako ng High School pero  wala na akong balak mag collage dahil gusto ko nang mag trabaho para makatulong kay Nanay.

Ako ang panganay niyang anak kaya walang ibang maasahan kundi ako lang. Medyo may katandaan na rin si Nanay kaya nanghihina na sya. Ang tatay naman ay maagang kinuha ni Lord . Hindi na nya nakita na magdalaga si Natalie , ang bunso kong kapatid.

Pano kaya kong hindi namatay si Tatay? Siguro maganda ang buhay namin ngayon, sabi ni nanay masipag daw si Tay noong nabubuhay pa.

Kaso nga lang dahil din sa pagbabanat ng buto nito ay don din sya binawian ng buhay.

Sana , sana hindi nalang kami mahirap para kami ni Gab ang nagkatuluyan.

Wait! Gab nanaman ?! Diba sabi ko wag ko na syang iisipin. Gosh Beatrice five years na ang lumipas hindi ka parin nakaka move on?

Tumagilid ako sa pagkahiga ko at dahil sa hindi ako mapakali ay tumihaya ulit ako at tumingin sa bintana.

" Umaga na pala " wala sa sariling banggit ko.

Wait! Umaga na !!

Agad kong hinanap ang orasan at tiningnan kong anong oras na.

" wahh!! Late na ko!! 30 minutes na akong late!! Ang tanga ko!!"

Agad akong bumangon  sa kama na hinigaan ko at dali -daling tumakbo papuntang C.R  ng boarding hause namin.

Bakit kaya hindi ako ginising ni Mayang? Ay! Wala nga pala yong pasok ngayon at pag wala syang pasok ay tanghali na sya gumising.

Si Mayang nga pala ang kasama ko dito sa boarding hause na tinitirhan ko.

Nakilala ko sya nong ma hired ako bilang waitress  sa isang bar. Kaso natanggal ako at ngayon ay isa naman akong waitress sa restaurant. Walang trabaho ang tumatagal sakin dahil patanga-tanga daw ako.

Wala lang akong masabi dahil totoo naman.

Agad kong hinubad ang damit ko at nagbuhos kaagad , binilisan ko ang pagligo ko para kahit papaano ay makapasok pa rin ako.

-

" Manong dito na po " sabi ko at agad na bumaba da Tricyle na sinasakyan ko . Pagkatapos ay inabutan ko ng bayad ang driver at pumasok na agad sa loob ng restaurant.

"  Hoy Beatrice bat late ka na naman? " tanong sakin ng isa kong ka trabaho.

" Sorry napuyat lang " pagpasensya ko.

" Bilisan mo at ang daming costumer. Lagot ka nanaman kay Manager. " sabi nito at nagpatuloy na sya sa kanyang ginagawa.

Pumunta na ako sa Locker para kunin ang uniform ko. Kinuha ko na ang susi sa bag na dala ko at binuksan ang locker.

" Beatrice  "

Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ng manager namin. Agad ko naman syang nilingon.

Patay nanaman ako nito ...

" P-po? " magalang na saad ko.

" Bakit late ka nanamn?" Galit na tanong nito.

" Ah maam kasi po- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na sya.

" You're fired " sabi nito sabay bigay sa akin ng isang sobre.

His Mistress  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon