Eleven na nang gabi pero hindi parin ako nakakatulog. Iniisip ko kasi yong trabahong papasukan ko. Baka kasi patanga-tanga nanaman ako.
Bukas na daw nang umaga ang punta namin sa mansion na pagtatrabahuhan ko kaya kailangan kong gumising nang maaga. Pero pano ako makakagising nang maaga nito eh mag mamadaling araw na hindi parin ako makatulog. Imbis na ipikit ko na ang mata ko ay tumayo ako upang lumabas muna.Umupo muna ako sa hagdan ng Boarding Hause namin. Sa Second floor kasi kami tapos sa First floor naman ay may ibang umuupa.
Tumingin lang ako sa kawalan.
" Kamusta na kaya sina Nanay? " tanong ko sa kawalan.
Mahigit apat na taon na yata kaming hindi nagkikita. Nasa Quezon kasi sila ngayon at ako naman ay nandito sa Manila.
Sa cellphone lang kami nagkakausap kaso hindi parin sapat sakin yon. Miss ko na sila nang sobra. Kamusta na din kaya si Celeste tapos si Natalie?.
Sana makauwi na rin ako sa kanila.
" Beatrice? " napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Mayang.
" uhmm?" Saad ko
" Bakit gising ka pa? " tanong nito sa akin at umupo sya sa tabi ko.
" Hindi kasi ako makatulog " sabi ko.
" Ikaw bakit gising ka pa? " balik na tanong ko dito." Uminom lang ako ng tubig tapos nakita kita na lumabas kaya sinundan kita " sabi nito.
" Don ka na nga pala titira sa Mansion kapag nagtrabaho ka na diba? " tanong nito sa akin." Oo "maikling sagot ko.
" Ma mi-miss mo ba ako? " nakangising tanong ko sa kanya.
" Hindi kaya! Hindi kita ma mi-miss noh! Alam ko naman na hindi ka nanaman magtatagal sa trabaho na yan kaya uuwi ka ulit dito " sabi nito sabay irap sakin.
" Bruha ka, Wag kang mag-alala pinapangako ko na aayusin ko na ang trabaho ko don " pangako ko dito.
" Wag kang mangako, gawin mo " sabi pa nito.
" Oo na! Ikaw talaga wala kang tiwala sa akin "natatawang sabi ko.
Maya-maya'y naramdaman ko na niyakap nya ako.
" Ma mi-miss kita Beatrice " malungkot na sabi niya. " Ma mi-miss ko ang Kagagahan mo " dagdag pa nito. Niyakap ko naman sya pabalik.
" Ma mi-miss rin kitang bruha ka. " sabi ko dito.
" Pero hindi ko ma mi miss ang kalokohan mo " sabi ko dahilan para matawa sya." Kasama mo don si Mama, loka-loka rin yon " tumatawang sabi niya.
" Hindi kaya , mabait kaya si Tiya Marie . Tinuturaan mo lang talaga syang gumawa nang kalokohan "sabi ko naman.
" Dalawin mo ko dito pag may time huh " sabi nito .
" Ayaw ko kaya " biro ko dito at nag pout sya. " Pangit mo " sabi ko at niyakap ko sya nang mahigpit.
Ma mi-miss ko talaga ang bruhang to...
----
" Para po " sabi ni Tiya Marie. Nakalimutan ko palang sabihin na sa Boarding Hause sya natulog kagabi.
Tumigil na ang Tricyle sa gilid nang kalsada at bumaba na kami ni Tiya Marie.
Manghang napatingin ako sa Mansion na nasa harapan ko . Ang ganda , mas malaki pa toh sa Mansion nina Gab sa Quezon. Nakita ko na kasi ang mansion nina Gab pero hindi pa ako nakakapasok doon.
Sana binata ang sir namin tapos ma iinlove kami sa isa't-isa hanggang sa maging mag jowa kami pero syempre magtatampo ako lagi para lagi nya rin akong suyuin hehe.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAlam kong mali ang maging isang kabit. MALI sa batas ng tao at batas ng Dyos. Ngunit anong magagawa ko kong mahal na mahal ko talaga ang taong may asawa na. Kahit anong pag-iwas ang gawin ko, bumibigay parin ako. Kaya wala na akong ibang maisip kund...