"Did you enjoy being with me... this night?"
Pauwi na kami, kasalukuyan naming nakasakay sa kotse niya. I sighed. Ilang oras lang kaming naglilibot sa mall ngunit tinamaan ako ng pagod, siguro ay dahil na rin sa hindi pa ako nakakapagpahinga mula kanina pa. Pagkatapos ng trabaho ay dumeretso ako sa El Florera, hindi rin ako nakapagpahinga roon dahil ginulo ako ng lalaking kasama ko ngayon.
Sumulyap ako sa kaniya, nasa daan ang tingin niya, medyo traffic ngayon, nang mapansin niya ang pagtingin ko sa kaniya ay roon niya ako nilingon, he licked his lower lip. I averted my gaze, hindi ako nananalo kapag titigan na ang laban. Parang tinutunaw niya ako sa mga titig niya sa akin.
Isinandal ko ang aking ulo sa headrest ng upuan. Pumikit ako, ang mga talukap ng mga mata ko ay kanina pa bumabagsak. Hinilot ko ang aking sentido at bumuga, ramdam ko ang pagod ko ngayong araw na ito. But, I can't deny the fact... that I enjoyed the things we need for this day.
Tumango ako sa kaniya. "Oo, salamat sa panlilibre mo sa 'kin, kahit hindi ko naman sinabing i-treat mo ako, may pera naman ako rito. Huwag kang mag-alala, ikaw naman ang ililibre ko kapag naka-LL na 'ko." Sabi ko sa kaniya, pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita ko siya.
Nakahinto ang sasakyan niya dahil naipit kami sa matinding traffic. Ano bang araw ngayon at ganito karami ang mga sasakyan? Hindi naman rush hour ngayon. Tumingin siya sa akin, nakakunot ang noo niya, he tilted his head as if he didn't get what I'm saying.
"Nakaka-LL?" He asked. Mahina naman akong natawa sa tanong niya.
"Nakakaluwag-luwag." Pagtatama ko. "Pinaikli ko lang 'yung salita," tumatawang dagdag ko pa.
"You don't have to treat me." Sabi naman niya sa akin. "Gusto lang kitang pasalamatan dahil sinamahan mo akong libutin 'yong pasyalan kanina. It gave me a peace of mind, ang bango ng mga bulaklak na nakita natin kanina... I didn't know that you were there."
"Well, we were having the same thought. Hindi ko rin inaasahan na naroon ka pala kanina." Tumuwid ako ng upo nang umusad na ang trapiko. "Kung alam kong naroon ka pala kanina sana ay umuwi na lang ako." I said jokingly. Gusto ko lang naman magbiro.
"You're so mean to me." He pouted. I bit my inside cheek to stifle my smile. Whenever he's pouting... I can't help but to stare at his face, para kasi siyang batang inagawan ng candy kung makapagtampo. "Ayaw mo noon? Kasama mo ang isang Josiah Kento Pontarivo, 'yung mga pinsan ko nga ay inaaya akong lumabas-labas pero hindi ako sumasama sa kanila... tapos ikaw parang labag pa sa loob mong makasama ako."
"Ayaw ko naman talaga," I replied. Nanlaki ang mga mata niya. Roon na ako humagalpak ng tawa. "Joke lang, ikaw naman..." Nag-peace sign ako sa kaniya, nagpa-cute pa ako para mawala ang pagkasimangot ng kaniyang mukha.
Muli kaming tumigil. Narinig ko ang isang sirena ng ambulansya, mayroon ding nagkukumpulang tao sa may pinakaunahan, ngayon ay alam ko na kung bakit mahaba ang traffic ngayon. Accident. Bakit ba kasi hindi marunong mag-ingat ang mga tao ngayon? Mabuti na lang at gabi na kaya hindi nakakahilo kahit na hanggang mamaya pa kami sa gitna ng daan.
Binuksan niya ang bintana sa gilid niya. Ipinatong niya ang kaniyang siko roon, nasa manibela naman ang isang kamay niya. May binubulong-bulong pa siya, hindi ko naman iyon marinig dahil panay ang pagbusina ng ibang kotse sa may likuran. Hindi ba sila makapaghintay? Akala mo naman ay aandar ang mga sasakyan kung bubusina sila ng bubusina.
"Do you go there often?" He asked, patukoy niya sa El Florera. "I've seen earlier that you seem to know the crews... you were smiling at them and talking to them just like how you talk to your friends, if you've only been there now you won't be able to take me around because you also don't know where to go." Sabi niya, hinaplos niya ang pang-ibabang labi niya gamit ang kaniyang hintuturo.
YOU ARE READING
Endless Dreams (MOL Series 2)
Teen FictionUnexpectedly destiny brought them together. They leaned on each other during the downest time of their lives. They promised to be together until they achieve what they want. But one day they found themselves taking a different paths at the same time...