"Maxine, nasaan ka? Susunduin kita ah! May kaunting salo-salo kina Charles ngayon."
Habang nasa trabaho ako ay tinawagan ako ni Avril, this day is her 18th birthday. My baby is not a baby anymore. Kahapon pa ako bumili ng regalo sa kaniya. Nagpaalam na rin ako sa boss namin sa pinapasukan kong convenience store na maaga akong mag-oout ngayon dahil birthday ni Avril.
Kasama ko naman sa trabaho si Avril kaya pinayagan akong magcelebrate kasama siya. Bago magtanghalian ay nag-out na ako. Wala naman masyadong customers na nagpupunta ngayon sa store. Naghintay ako sa labas nito bitbit ang regalo ko sa kaniya. Ilang minuto lang akong naghintay ay nakita ko na silang dalawa.
Nakasakay sila sa tricycle, itong dalawa talaga na ito, hindi mapaghiwalay. Nakikita kong palaging dumadalaw sa dorm si Charles, minsan nga ay dinadalhan niya pa ng pagkain si Avril. I don’t know what the real score is between the two of them. Avril told me that they were just friends but I saw differently.
Hobby nilang dalawa ang sumakay sa tricycle, hatid-sundo pa nga madalas ni Charles si Avril. I'm happy for the both of them. Charles is a good man. I know that he'll take care of my friend. Nakikita ko naman na mahalaga si Avril sa kaniya. Sa mga pinapakita pa lang niya ay alam kong may gusto siya sa kaibigan ko, ayaw ko lang siyang ibuking.
Binigay ko sa kaniya ang regalo ko saka ko siya binati ng 'happy birthday,' before I hugged her tightly. Maliit na salo-salo lang naman ang nangyari. Kasama namin ang buong pamilya ni Charles. His little baby sister is so adorable. Makulit siya at panay ang sampa kay Avril.
Hindi naman din nakapag-stay ng matagal dahil tumawag sa akin si Papang na kailangan ko raw lumuwas ngayon. Kinabahan ako sa tawag niyang iyon. Ang boses niya ay hindi normal... garalgal at parang nahihirapan pa. Hindi ko sinabi kay Avril ang tunay na dahilan pero nagpaalam ako sa kaniya.
Nanginginig ang aking mga kamay habang nasa jeep ako. Hindi ko alam pero sumisikip ang dibdib ko ngayon. Kinakabahan ako na natatakot na parang hindi ako mapakali. Bullets of cold sweats are forming on my forehead. Tinatawagan ko sila ng ilang beses ulit habang nasa byahe ako ngunit hindi nila sinagot ang tawag ko.
Maging si Faith ay hindi ko rin matawagan, nagriring lang ang cellphone niya. I don't have Kuya Raidan's number, as well as Ate Mylthelle. Napapikit pa ako ng mariin, kung kailan ako nagmamadali ay saka pa nagkaroon ng traffic. Parang gusto ko na lang bumaba at takbuhin ang barangay namin.
Nang makarating ako sa bayan ay sumakay ako ng tricycle para mapabalis ang pag-uwi ko. Bigla akong nanlambot nang marinig ko ang mga mahihinang hagulgol mula sa loob ng bahay, anong nangyari? Agad kong tinakbo ang distansya. Naroon sa sala si Ate Mylthelle at si Faith, nakatakip ang mukha at umiiyak.
"Faith!" Lumapit ako sa kaniya. "Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak? May nangyari ba? Sagutin m-mo 'ko..." Inalog-alog ko ang kaniyang balikat. Namumula ang kaniyang mga mata, maging ang ilong at tainga niya.
"Mamang was rushed to the hospital... again." Mababa ang boses niya nang sabihin niya iyon. Napahawak ako sa aking dibdib... nag-init ang gilid ng aking mga mata. "Hindi ako nakasama s-sa hospital d-dahil walang magbabantay sa a-anak ko..."
"Ayos l-lang ba si Mamang? S-sabihin mo sa aking ayos lang siya... 'di ba?" Nanlalamig ang aking mga kamay. Hindi ko na rin maayos ang boses ko. Basag na basag ang tinig ko. Mamang... anong nangyayari sa inyo?
I did not leave you to be like this.Umiling siya at pinunasan ang kaniyang mga luha. Bigla akong nabalisa nang hindi ko malaman ang dahilan. Lalaban si Mamang. Alam kong makakasama pa niya ako kapag gumraduate ako ng college. Sasamhan ako ni Mamang... hindi niya pa kami iiwan. Hindi ko dapat ito iniisip!
YOU ARE READING
Endless Dreams (MOL Series 2)
Dla nastolatkówUnexpectedly destiny brought them together. They leaned on each other during the downest time of their lives. They promised to be together until they achieve what they want. But one day they found themselves taking a different paths at the same time...