Chapter 15

2 1 0
                                    

"Tara na, sakay na tayo roon. Doon tayo sa pinakadulo para hindi tayo masyadong malula! Mukhang masaya iyon!"



Mahigit dalawang oras na kaming naglilibot sa lugar na ito. Kanina ay panay lang ang pagsali namin sa mga game booths pero ako na rin mismo ang nang-aya sa kaniya na sumakay kami sa mga rides. Noong una ay game na game pa siya pero nang matapos kaming sumakay sa drop tower ay bigla siyang umatras.



Ang saya nga ng ganoon. Sumakay din kami sa loop coaster at nang dahil doon ay mas lalo siyang umayaw na mag-rides. Papaano kasi ay hilong-hilo siya pagkababa namin. Muntikan pa nga siyang matumba at namumutla siya kanina, gusto niya raw masuka. Binilhan ko na lang siya ng tubig para mahimasmasan siya.



Nagpahinga kami saglit. Hinila ko ulit siya nang makita kong okay na ang mukha niya. Siguro ay hindi lang talaga siya sanay na sumakay sa ganoon at magpaikot-ikot sa ere. Umaalis daw ang kaluluwa niya sa katawan niya, naiiwan daw sa ere.



Kanina ko pa siya pinagtatawanan dahil sa itsura niya, daig pa niya ang nakakita ng multo, para siyang naalisan ng dugo sa mukha. Kaya pala kanina ay ang tahimik niya habang nakasakay kami, iyon naman pala ay natatakot siya. He has fear of height I guess? He can't escape his fears, he has to face you to learn how to stop and fight it.



Ang sabi ko sa kaniya ay sumakay kami roon sa vikings, 'yung malaking barko na parang dinuduyan. Sigaw ng sigaw ang mga nakasakay kaya alam kong masayang sumakay doon. Sayang din kasi ang experience, nandito na rin kami, bakit hindi pa namin lubus-lubusin ang pagkakataon, hindi ba?



Hindi niya ako pinansin, nilagok niya lang ang bottled water na binigay ko, mabilis ang kaniyang paghinga, kabado pa rin ang itsura niya. Ganoon na lang ba talaga siya katakot? Hinila-hila ko ang laylayan ng damit niya, nagpaawa pa ako sa kaniya nang lingunin niya ako.



Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ako. Sinabi ko kasi sa kaniyang sasakay na lang ako mag-isa kung ayaw niya akong samahan at hindi rin ako sasabay sa kaniya mamaya sa pag-uwi. He surrendered, I won. Napa-yes na lang ako sa isipan ko noong tumayo siya. Tumayo na rin ako.



"That ride will be the last." Seryosong sabi niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng ticket. Hindi ako sumagot, hindi ako papayag na 'yon na talaga ang last. "Maawa ka naman sa akin. "I was still dizzy from the ride we had earlier. Let me calm myself first." Sabi niya sa akin.



"Sige na nga!" Pagpayag ko. "Basta huwag muna tayong umuwi ah! Dito muna tayo, magpahinga ka lang muna. Dapat lahat ng rides masakyan natin! Tapos manguha tayo ng mga litrato sa bawat sakay natin!" I winked at him, dala niya kasi ang sarili niyang camera, pinahiram niya iyon kanina sa akin, baka gusto ko raw kasing magpicture.



"Maxine..." Lumambot ang eksperesyon ng kaniyang mukha, bagsak ang balikat niya na para bang pagod niya. "Maglibot na lang tayo basta huwag na tayong sumakay sa mga rides na ganiyan. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo."



"E 'di kung ayaw mong sumakay, ako na lang mag-isa. Pwede naman akong mag-enjoy mag-isa kahit hindi ko kasama ang lalaking nang-aya sa akin dito para raw bumawi siya tapos iiwan naman pala ako." Pabulong na sabi ko pero sinigurado kong narinig niya ang sinabi ko, kinokonsensya ko lang naman siya. "Hayaan mo... hahanap na lang ako ng ibang kasama ko, ang dami namang pogi sa paligid-"



"Fine," pagsuko niya, napangisi naman ako ng palihim. "I'll go with you, I'll ride with you. Sasakay na 'ko basta huwag ka lang maghanap ng ibang kasama! This is our day... not for others." Mariing sabi niya pa.



Bumili siya ng dalawang ticket. Magkatabi na naman kami sa seat. Bago pa umandar ang ride ay binuksan ko ang camera niya at hinarap iyon sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti noong kinuhanan ko siya. Naiinis na siguro siya dahil sa pamimilit ko sa kaniya. Kung hindi ko siya pipilitin ay magiging boring ang pamamasyal naming dalawa.



Endless Dreams (MOL Series 2)Where stories live. Discover now