Chapter 10

1 1 0
                                    

"Hoy, babae. Linisin mo 'yung kwarto ko, aalis kami ng mga kaibigan ko, kapag hindi ko nakitang malinis 'yon mamayang pagkauwi ko, malilintikan ka talaga sa 'kin."



I just nodded, I didn't give her a single glance. I continued doing my projects while waiting for the chicken I was cooking. Aalis na naman siya. Hindi na siya halos umuwi rito... hindi na nga siya halos makita rito sa bahay, kakarating niya lang, aalis na naman siya. Sinamantala niya ang pagkawala ni Mamang.



Dalawang linggo. Dalawang linggo na akong nagtitiis para sa mga kapatid ko. I couldn't count on how many times I got sleepless nights asking myself why I am still here. Bakit nga ba? Kung ako lang, pwede naman akong umalis pansamantala para matakasan ang problema.



Whenever I think of it, the images of my siblings comes through my mind. And by that, all the thoughts, all the plans and the decisions I would like to do were vanished. Gumuguho ang mga iyon sa isang iglap. Hindi ko rin pala kayang iwan ang mga kapatid ko para sa pansariling kapakanan ko.



Ako na itong mahirapan, huwag lang ang kambal. I could breath properly if I can assure that my siblings are in the safe state... safe place. Safe with me. Hindi ko naman sila papabayaan. Kaunting oras... araw at linggo na lang naman. Babalik na rin sina Mamang dito at... kapag dumating iyong araw na iyon ay gusto ko ng sabihin sa kanila ang lahat.



I don't care what can happen to me after that, the important thing is that I have told the truth, I have told everything to them, my conscience will no longer bother me with the antics of Ate and Kuya. Mapamahak man ako dahil sa galit nila, I am okay with that as long as I can end everything they are doing... awful.



Tumayo na ako at nilinis ang mga kalat ko sa sahig. Kontento na ako sa gawa ko. Palaging, "okay na ito, ang mahalaga natapos ko na." Hindi ako nawawalan ng gana sa pag-aaral ko. Iyong oras ang hinahabol ko. Ang dami kong dapat gawin sa isang araw, hindi ko na alam kung paano ko pa isisingit ang mga pansarili kong ginagawa.



Pumasok ako sa kusina at tinignan kung ayos na ba ang manok na niluluto ko. Gladly, my mother taught me how to cook some dishes kaya hindi ako nangangapa ngayon sa dilim kung paano ko ipagluluto ng makakakain ang mga kapatid ko. Nang malambot na iyon ay saka ko pinatay ang kalan.



Wala rito sa loob ng bahay ang kambal, naroon sila sa labas at nakikipaghabulan na. Naghiwa ako ng mga panggisa bago ko isinalang ulit ang kasirola sa init. Binalatan ko na rin ang mga nilagang itlog para maisama ko sa niluluto kong adobo. Nang maigisa ko na ito ay saka ko tinikman.



Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong ngumingiti. Naalala ko na naman siya. Noong magkasama pa kami sa highschool... mga panahong malapit pa kami sa isa't isa, ito ang ulam ko na paborito niya. Sa tuwing magbabaon ako ng ganito ay dinadamihan ko para sa kaniya.



Kailan kaya iyon mauulit? Kailan ko kaya siya ulit makakasama gaya ng dati? Kailan ko kaya siya ulit makikita... kailan ko kaya siya ulit makakasabay kumain sa may open field kagaya ng dati? Kailan... Damn, Maxine. Bakit ba iniisip mo pa ang mga 'yan?! Hindi ka na pwedeng umasa pa! Masyado na kayong malayo sa isa't isa!



I mentally shook my head. Itong adobong itlog kasi na ito, palaging pinapaalala sa akin ang lalaking iyon! Sabing kalimutan na nga e! E, ano naman kung tinetext ka niya, malay mo naman way niya lang iyon para kamustahin ka para hindi na niya kailangan pang umuwi. I respect his time... his life. Ano ba kami para maghangad ng kung ano-ano pa? Ano ba kami? Hindi nga kami magkaibigan!



After cooking, I cleaned Ate Mylthelle's room before taking a bath. Tinawag ko ang kambal at sinabing aalis na ako, alam naman nila ang dapat nilang gawin kapag iyon na ang sinabi ko. Hinabilin ko na rin sila kay Aling Leona. Alas otso na ng umaga, kung dati ay wala pang alas sais ay nasa palengke, ngayon nahuhuli na ako, alam naman iyon ni Tiyang Norma, naiintindihan niya naman daw ako.



Endless Dreams (MOL Series 2)Where stories live. Discover now