Chapter 5: Penguin

12.1K 501 99
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 5: PENGUIN
ERIS’ POV
 
Sinubo ko ang natitirang piraso ng pagkain ko bago ako lumapit sa kanina ko pa pinapanood na booth. Naikot ko na lahat ng pwedeng mapuntahan pero lahat ng ‘yon ay nagpainit lang sa ulo ko. Hinuli ko ang isang ito dahil para kasing unfair ang magiging advantage ko.
 
Pero ngayon wala na akong choice. Nakasimangot na tinapon ko ang pinagkainan ko sa nadaanan ko na thrash can. Thank you, friend. If not for the pancake-like balls that they call Takoyaki, I would have exploded. Paano ba naman kasi parang lahat ng carnival games dito sa theme park na pinuntahan ko rito sa Tagaytay ay may daya. Kahit anong laruin ko hindi ako nananalo.
 
I jump from building to building, I can make explosives, I can neutralize multiple assailants, and I passed the proficiency test of our organization. Kaya paanong carnival games lang pumapalpak ako?
 
Malalaki ang mga hakbang na tinawid ko ang distansiya papunta sa shooting game na nakita ko. Wala sana akong balak kanina dahil sa klase na rin ng trabaho na meron ako pero talagang sinubok ng lugar na ito ang pasensya ko.
 
Binaba ko ang maliit na penguin na ipit-ipit ko kanina sa counter ng booth bago naniningkit ang mga mata na naglabas ako ng pera mula sa bulsa ko. “Isang set.”
 
“Baka gusto niyo ng additional ma’am? Kung 300 ang ibabayad niyo bibigyan ko kayo ng extra bullet-”
 
“Isang set lang.”
 
Lumawak ang ngiti ng babaeng kausap ko. She looks condescending. Para bang inaasahan niya na bibili pa ako ulit. Hindi na ako magtataka kung nakita niya akong iniikot lahat ng mga booth kanina dahil hindi naman ganoong kadami ang tao ngayong hapon. Ang mga turista naman kasi ay abala sa kakahiyaw sa rides ng lugar. O baka wala lang silang planong magsayang ng pera kung pwede naman silang bumili na lang na di hamak na mas mura kesa laging ipatalo ang pera nila sa mga laro rito. Naka isang libo na ako pero sa lahat ng nilaro ko isang mas maliit pa sa kamay ko na stuff toy lang ang napanalunan ko.
 
“One set ma’am, three chance.”
 
Kinuha ko sa babae ang inaabot niya na rifle at ibinalanse ko iyon sa isa kong kamay. It’s not the first time I handled something like this. Well, iyong totoong rifle. This one is lighter obviously.
 
It’s the same concept. Pagkakaiba lang hindi tao ang babarilin mo ngayon. Get your head in the game. Itinaas ko iyon at nakita kong bahagyang umangat ang kilay ng babae. I know my posture is great and I’m holding the gun how it should be held. Shoot the target, Eris. You’ve done this a thousand times.
 
I didn’t hesitate and I pulled the trigger.
 
And I missed. Twice.
 
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. This is impossible. I aced my proficiency test. I’m a freaking Elite agent for goodness sake! “This game is rigged!”
 
Nanatiling nakangiti lang ang empleyado ng lugar na itinaas niya ang board na hawak niya. “Mahirap po talaga itong laro na ‘to lalo na kung wala kayong kasamang boyfriend. Gusto niyo pa po bang subukan? Bibigyan ko po kayo ng discount tutal wala naman kayong kasamang boyfriend.”
 
Hindi nakaligtas sa akin kung paano niya pinagdiinang sabihin ang ipinupunto niya. Dalawang beses niya pa ngang sinabi ang mga salitang “walang kasamang boyfriend.” na para bang requirement iyon sa lugar na ‘to.
 
Salubong ang mga kilay na humakbang ako palapit sa kaniya. Nakita kong bahagyang nalusaw ang ngiti niya lalo pa at parang mananakmal na ako. “Hindi ko kailangan ng boyfriend para-”
 
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may kung sino na lang na humila sa kwelyo ng suot ko na midi dress. My instinct immediately took action but before I can elbow the person behind me, kaagad niya iyong nasalag at inilayo ako sa kaniya.
 
“Behave, stay, and eat.”
 
Sunod-sunod na napakurap ako nang malingunan ko ang number one na asungot sa buhay ko na kahit saan ako magpunta ay parang nanadiya ang tadhana at kung saan ako naroon din siya inililigaw. “Anong akala mo sa akin? Chihuahua?”
 
Umangat ang isa niyang kilay. “Aminado ka talaga no? Maliit na aso pa ang pinili mo.”
 
“Because I’m small and I know it. Pero kapag hindi ka umalis sa pangingin ko, papakitaan kita ng kagat ng rottweiler.”
 
“Pagkatapos kitang mapakitaan kung paano ang tamang paggamit ng baril.”
 
I won’t be surprise if anyone within the ten-mile radius can feel the tension that arise from me. For them it’s a simple carnival game. For me, he just challenged my ability as a secret agent.
 
“How dare you challenge my skill set Reynolds-”
 
He interrupted me again by picking up the toothpick with a Takoyaki and unceremoniously feed it to me, before he turned to the employee to pay for the game. Imbes na kumilos agad ay nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng babae. There’s no mistaking the envy in her eyes.
 
Much that I like her eating her words, wala akong balak mapagkamalan na boyfriend ang asungot na nasa tabi ko. Over my dead body.
 
Mabilis na ngumuya ako bago nagsalita, “Stalker ka ba? Bakit ka nandito at bakit alam mo kung anong kinain ko kanina?”
 
Blaze looked at me with an expression close to a person looking at an irritating insect. “Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta rito at kumain ng… kung ano man ‘yan.”
 
“You didn’t even know what this is!”
 
“Iyan ang una kong nakita. They offered me a free taste so I bought some.”
 
Saglit na nilingon ko ang tindahan ng Takoyaki na malapit lang sa kinaroroonan namin. Ang daya no’n ah. Walong piraso ang binili ko pero wala akong free taste. “That doesn’t answer my question. Bakit ka nandito? Ano coincidence lang na nandito ka rin?”
 
“Oo. Isang masamang biro ng tadhana.”
 
The nerve. “So?”
 
He sighed heavily as if he’s starting to lose his patience at me. “I was with someone. I’m about to leave when I heard an annoying disturbance.”
 
“Nasaan ang date mo?”
 
Something crossed his eyes but after awhile he just shrugged and turned to the rifle that the employee handed to him. “Pinauwi ko na.”
 
“Bakit?”
 
“Because if there’s a rabid animal causing disruption, I rather that she don’t get bitten and be infected of rabies.”
 
Kumibot-kibot ang labi ko. Sigurado ako na wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya. Dahil sa ilang beses ko siyang nakausap, pakiramdam ko lahat ng braincells ko bigla na lang namamatay.
 
Nanggigigil na pinagtutusok ko na lang ang Takoyaki na hawak ko at nagdadabog na kinain ko iyon. Dahil apat na piraso lang iyon ay wala pa atang dalawang minuto ay naubos ko na iyon. Natigilan si Blaze na maglalaro na sana nang mapatingin sa akin nang ibaba ko ang hawak ko na lalagyan.
 
“Ang liit mo pero ang takaw mo,” sabi niya.
 
“I can shoot you and I’m pretty sure that I won’t be using the gun you’re holding now, Reynolds.”
 
The corner of his lips turned up into a smug smile but he didn’t say anything more. Sa halip ay itinutok na lang niya ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang baril. Like I did awhile ago, he held the rifle with ease.
 
Dahil nakapokus siya sa ibang bagay ay nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. As much as possible I try not to be around him. Hindi sa hindi ko siya gusto. I don’t particularly like him. Pero ayoko lang talaga na nasa paligid niya.
 
Before it was because I’m trying to avoid meddling into his issues lalo na nang mga panahon na iyon ay involve ang kapatid ko.  After they broke up, it was because of my guilt of what happened that night. Those years, I keep away from his path because it’s the right thing to do. I wanted to stop caring, to stop feeling before it gets messy.
 
At ngayon iniiwasan ko siya dahil kada makikita ko siya ay pakiramdam ko nababawasan ang buhay ko dahil wala siyang iba ginawa kundi pagtripan ako.
 
Sometimes it feels like it he’s trying to lessen the awkwardness between us by annoying me. Na kaya niya ako inaasar ay dahil sa paraan na iyon, at least nakakapag-usap kami ng normal at hindi iyong nag-iiwasan lang kami.
 
Pero hindi rin. Why would he even care if I’m ignoring him? It’s not like we’re friends to begin with to care enough.
 
Nahugot ako mula sa iniisip ko nang kalabitin ni Blaze ang gatilyo ng baril nang sunod-sunod. Before I can look at the targets, he pushed the rifle at me, and pulled me again by the collar. Pero sa pagkakataon na ito ay para iharap sa babaeng empleyado.
 
“Attack,” he commanded.
 
Nakasimangot na pumiksi ako para mabitawan niya ako. Tinignan ko ang nasa harapan namin at naniningkit ang mga matang nilingon ko siya. “Ang yabang mo pa hindi mo rin pala kaya.”
 
“I’m out of practice.”
 
I huffed at his reason. “As if-”
 
“Hindi na ako sanay na hindi buhay ang target ko.”
 
I heard the employee made a small sound. Nang lingunin ko ang babae ay kita kong nawala na ang kanina ay paglalaway niya kay Blaze at sa halip ngayon ay napalitan iyon ng takot. I can’t blame her. Blaze has that effect to people.
 
Parehas silang seryosong tao ng kapatid niya na si Stone. Parehas silang mukhang suplado. Ang pagkakaiba nga lang, Stone could be gentle despite his stoic nature. He’s like a quiet mountain. Unmoving yet peaceful. Blaze on the other hand is like a sleeping dragon inside a mountain. The mountain is peaceful unless you poke the dragon.
 
Naglabas ulit ako ng pera at bumubulong-bulong na kinuha ko ang mga bala na inabot ng babae. “Ang sabi magsama raw ng boyfriend para manalo. Hindi naman kita boyfriend, like ew, kaya siguro minamalas ako. Makapaghanap nga ng lalaki-”
 
“Akin na ‘yan.” Sa pagkagulat ko ay inagaw sa akin ni Blaze ang baril. Nangangalit ang mga panga na tinignan niya ang babaeng empleyado. “Kapag ako hindi pa nanalo sisilaban ko ang lugar na ‘to.”
 
“Hoy, baliw ka ba?” asik ko kay Blaze bago ko tinignan ang babae. “Pasensya na minsan inaatake ‘to. Hindi pa siguro nakakainom ng gamot.”
 
Mukhang lalong kinabahan ang kaharap namin lalo pa at lalong nagdilim ang mukha ni Blaze na parang nag-iisip kung ako na lang ang babarilin niya o ano.
 
He threw me a sharp look before he turned to the targets. Sa pagkakataon na ito ay hindi niya minadali iyon at iniba niya rin ang posisyon ng rifle. He raised his arms a little bit higher, making my eyes wander to his bulging biceps.
 
Wow.
 
Hindi ko naman ugaling titigan ang mga tao sa paligid ko lalong-lalo na ang asungot na kasama ko ngayon. I enjoy my own company and I hate staring at other people unless it’s for work. Ayoko rin kasi na ginagawa iyon sa akin. My introvert nature made being ogled and ogling hard for me.
 
But wow. I felt those arms around me once. Parang kayang-kaya niyang mangulong ng tao sa pamamagitan lang ng bisig niya. I have no doubt I could dangle from them and he wouldn’t even have problems with it.
 
“K-Kulang pa po ng points. Hindi po bumaba iyong huling target.”
 
I blinked rapidly. Pilit na inalis ko ang mga mata ko mula sa braso ni Blaze at nag-angat ako ng tingin sa mukha niya. I can see his eyes glinting as if he’s one breath away from using the woman as his last target.
 
“Pero… pero  pwede po nating i-add na lang iyong tinamaan kanina ni Ma’am tutal suki naman po siya.”
 
“Get me that blue penguin,” Blaze said to the employee.
 
Napataas ang kilay ko. “Ayoko no’n. Gusto ko iyong pink.”
 
“Walang penguin na pink.”
 
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “They have a pink one.”
 
 “The blue one is more realistic. There’s a blue penguin but there’s no such thing as a pink penguin existing on the planet.”
 
“Kahit humihinga pa ‘yan at nag tutweet-tweet ang gusto ko pink!”
 
He gave me another annoyed glance. “Why?”
 
“Dahil iyon ang gusto ko!”
 
Napatigil kami sa pagtatalo nang may binaba na kung ano sa harapan namin ang empleyado. Nag-aalangan na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.
 
“Ibibigay ko na lang ho sa inyo parehas. Bihira naman may manalo rito kaya okay lang po.” Kulang na lang ay ihagis niya ang kulay blue at pink na penguin sa amin. “Enjoy ho. Balik po kayo ulit.”
 
Nagkatinganan kami ni Blaze dahil alam naming parehas na kung babalik man kami ay siguradong magreresign na lang bigla ang babae na mukhang nabawasan ng sampung taon ang buhay pagkatapos kaming makaharap.
 
Whatever. At least I got what I wanted. I can cross out one number from my bucket list.
 
Kahit may tulong ng fallen angel na ‘to.
 
 
HIGH places really gives a different feeling. Para sa iba nakakatakot. Kasi logically, it’s something to be feared. If you fall, then you’ll get hurt. But sometimes, it can also give you a sense of power. To tower over great things as if you own the world.
 
Pero sa mga oras na ito, hindi ako natatakot pero wala rin akong maramdaman na “sense of power” dahil “sense of irritation” lang ang nararamdaman ko.
 
“Kailangan talaga hanggang dito sumama ka?”
 
Blaze gave me a bored look. “Alangan namang kargahin ko lahat itong mga kalat mo nang mag-isa?”
 
“FYI, sa’yo ‘yung isa.”
 
“I’m not keeping this thing,” he said and pointed at the blue penguin beside him with his thumb.
 
“Ayoko rin niyan. Isa lang ang gusto ko.” Tinignan ko ang maliit na penguin na una kong napanalunan na ngayon ay nakasabit sa bag ko. Kulay pink din iyon. “I have the mother and the baby penguin.”
 
“Isama mo na iyong tatay.”
 
“Hindi namin kailangan ng lalaki sa buhay namin.”
 
Umangat ang isa niyang kilay. “Kanina lang gusto mong maghanap ng lalaki na isasama rito para may magpapanalo ng shooting game na iyon para sa iyo.”
 
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Wala akong sinabing ganiyan.”
 
“Kasasabi mo lang kanina.”
 
Naguguluhang binalikan ko lahat nang nangyari kanina bago kami makarating dito sa ferris wheel na kinaroroonan namin kung saan nagsisiksikan kami sa pod kasama nang dalawang higanteng penguin.
 
“Wala akong sinabi.”
 
“Ang sabi mo kailangan magsama ng boyfriend. Kaya maghahanap ka kamo ng lalaki.”
 
Oh. That. “Ang hilig mo kasing makisabat sa usapan ng iba.”
 
“Wala ka namang kausap kanina.”
 
“Kausap ko ang sarili ko at sumabat ka.” Pinaikot ko ang mga mata ko. “I was talking about your brother.”
 
“May asawang tao na ‘yon.”
 
Minsan kapag kausap ko si Blaze parang gusto ko na lang umiyak bigla. Hindi dahil sa kung ano pa man kundi dahil baka sakaling madala ng luha ko ang inis ko bago ko pa siya maisipang i-karate chop. “Alam ko. Hello? Asawa niya nga iyong kapatid ko? Iyong kapatid ko na patay na patay ka?”
 
“Selos ka naman.”
 
Pagak na tumawa ako. “Wow. Ang kapal.”
 
“Stop evading the question.”
 
“Wala namang question mark iyong sinabi mo.”
 
Binigyan niya ako ng malamig na tingin. Kung sa iba sigurong tao manggaling iyon maapektuhan pa ako ng kaunti. Pero dahil siya lang naman ang nasa harapan ko, wala akong balak hanapin ang pake ko. 
 
Sa pagkagulat ko ay bigla na lang niyang dinutdot ang noo ko. I don’t need to see it to feel that he drew the question mark on my forehead.
 
“Ano ba?!” asik ko.
 
“Ayan na ang question mark mo.” Humalukipkip siya. “Now answer the question. Bakit gusto mong isama ang kapatid ko?”
 
“Dahil kung may swerte ang mag-boyfriend malamang mas swerte ang mag-asawa. Kaya sasabihin ko sana maghahanap ako ng lalaki na may asawa para sila ang isasama ko rito at paglalaruin kaso hindi mo ako pinatapos magsalita kanina.” Napapalatak na tinignan ko siya. “Tigil-tigilan mo ang paghihinala sa akin. Kahit noong kayo pa ni Enyo hindi ako nagkagusto kay Stone. Hindi ako pumapatol sa mga taong kamukha mo.”
 
He stared at me for awhile. He’s looking at me like I’m some kind of a pest again. “I should go kill a chicken as an offering.”
 
Nagsalubong ang kilay ko. Weirdo talaga. “Ano?”
 
“Mukhang naapakan ko ang punso kung saan ka nakatira kaya nanununo ako at binibigyan ng sakit ng ulo ngayon.”
 
Napasinghap ako. “Ang kapal mo! Kasalanan ko ba na sulpot ka nang sulpot kung saan ako nandoon?”
 
“Ewan ko pero ang alam ko wala rin akong kasalanan para bigyan ng ganitong kamalasan.”
 
“Baka siguro kailangan mo ng lumaklak ng holy water. Para bumait ka at matanggap ka na ulit sa langit.”
 
“Mabait ako,” kampanteng sabi niya.
 
“Sinong may sabi?”
 
“Mama ko. Bakit, aangal ka?”
 
Nakita kong nagbaba siya ng tingin sa mga labi ko nang kagatin ko iyon para mapigilan ko ang sarili ko na bulyawan siya.
 
Siguro kahit paano may mga kumakampi pa rin sa kaniya na dati niyang kasamahan na anghel sa langit dahil huminto na ang kinaroroonan namin na Ferris wheel bago ko pa maisipan na itulak siya. Padabog na hinila ko ang pink ko na penguin at nauna na akong bumaba.
 
Naglakad ako palayo at napatigil ako saglit nang may maramdaman akong dumampi sa balat ko. Great. Binilisan ko ang paglalakad ko at saktong nakarating ako sa entrance ng lugar nang bumuhos ang ulan. Thankfully ay may bubong doon at nakasilong ako. Bahagya akong umatras para hindi mabasa ang karga ko sa harapan ko na stuff toy.
 
The problem with Tagaytay is that it can get foggy instantly. Lalo na kapag ganitong umuulan. Mataas kasi talaga ang kinaroroonan ng lugar. Ayoko pa naman sa lahat nagmamaneho sa ganitong panahon. Mabuti na lang nag taxi lang ako kanina.
 
Iyon nga lang pahirapan naman ngayong umuwi. Hindi kasi ako makakalabas para tumawag ng taxi lalo na at may dala ako. Magpapatawag na lang ako sa guard.
 
“Wala kang sasakyan?”
 
Nilingon ko si Blaze. “Meron.”
 
“Eh bakit nandito ka pa? Walang valet dito.”
 
“Nasa HQ iyong sasakyan.”
 
“Ang sabi mo-”
 
“Ang tanong mo kung wala ba kong sasakyan. Meron akong sasakyan wala lang dito.”
 
Mariing pininid ng lalaki ang mga labi niya na parang sa pagkakataon na ito ay siya naman ang nagpipigil na sigawan ako. Tama lang ‘yan. An eye for an eye. Kung sakit siya nang ulo mas sakit ako ng ulo.
 
Hinawakan niya ang stuff toy na karga ko. “Akin na ‘yan. Itatakbo ko muna sa sasakyan. Hintayin mo ko rito.”
 
Iniwas ko ang penguin ko. “Huwag na.”
 
“Mahirap maghanap ng taxi ngayon.”
 
“Alam ko.” He opened his mouth to speak but I beat him to it. “Sabay na tayong pumunta sa sasakyan mo. Huwag kang magpakabayani. Hindi mo kayang bitbitin lahat ng ‘to.”
 
“Hinahamon mo ba ako?”
 
“Hindi-”
 
He grabbed my stuff toy and forcefully pulled it from me. Pero dahil mahigpit ang pagkakayakap ko roon ay napaikot lang ako habang nananatiling nakakapit doon.
 
Three things happened after that.
 
One, a car rushed passed us.
 
Two, it ran over a huge puddle.
 
And three, the water splashed all over me.
 
Marahas na napasinghap ako at nabitawan ko ang yakap ko na stuff toy. Blaze looked over the two giant penguins he’s holding and he blinked twice when he saw me drenched to my bone.
 
“Oh.”
 
“You…” I whispered.
 
Umangat ang sulok ng labi niya pero hindi katulad nang kalimitan niyang ngiti, ang nasa mga labi niya ngayon ay lumawak. He’s full blown smiling.
 
I would have appreciate it. Specially how it light up his face. Except that I know that he’s doing it at my expense. Dahil mas malala pa ako sa basang sisiw. Mukha akong basang penguin!
 
“At least you can cross out another number from your bucket whatnot.”
 
Lord, paki-extend po ng pasensya ko. “Walang ganito sa bucket list ko,” nagtitimpi na sabi ko.
 
“Of course you do. Number six if I’m right. You said you want to dance in the rain. You can just dance now and you can take it off from your list.”
 
From: Lord
Subject: Patience extension for
Eris Lawrence Wright
 
Denied.
 
“ANG SABI KO ULAN! HINDI BAHA!”
 
 
_______________________End of Chapter 5.
 

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon