Chapter 22: Waves

10.6K 612 162
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 22: WAVES

ERIS' POV

Hindi nakakapagtaka kung bakit hindi nababakante ang lugar na ito sa kliyente. It didn't even took Ash an hour to understand and sketch the idea that I told him. Samantalang kung ako nga na nagpapaliwanag sa kaniya no'n ay hindi magawang i-visualize iyon.

I have an idea of what I want. To be exact I have three that I don't how to incorporate into one. Fortunately, Ash is used to this. Instead of asking for a lot of details, he focused on the meaning behind the things I wanted to see in the tattoo.

Mabuti na lang talaga at during consultation ay wala si Blaze. It might be foolish to ink my skin with something that means so much to me at the same time that it reminds me of him but for some reason it felt right. Kung pagsisihan ko man iyon one day then so be it. Dahil sa oras na ito ay totoong iyon ang gusto ko. If the day to regret it will come, it won't make now any less real. It is real at this moment and that's what matters.

Napakurap ako nang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n sina Ash at Blaze. Pagkatapos ko kasi ay siya naman ang may consultation kay Ash. Ibang tao ang magtatato kay Blaze pero si Ash ang gagawa ng design.

"I'm just going to prepare the stencil. It won't take long," nakangiting sabi sa amin ng lalaki. "Ley?"

Cataleya threw us a smile too before she followed her boyfriend inside. Nang mawala sila sa paningin ko ay lumapit si Blaze sa akin para umupo sa tabi ko.

"Dadaan si Sky mamaya rito."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"I asked her to buy you a skirt. Hindi mo maisusuot ang pantalon mo pabalik."

I made an "ahh" noise and nodded. Inabot ko ang isa sa tatlong binder na nasa lamesa sa harapan ko at binuklat ko iyon. Sa loob ay mayroong mga larawan ng tattoo designs ng "Chain I Saw". I flipped through the pages while Blaze were absentmindedly playing with my hair. Nang matapos ako sa ginagawa ay inabot ko ang isa pang binder at basta ko na lang iyong binuklat sa gitnang pahina.

Napapitlag ako nang bumungad sa akin ang mga larawan na nandoon dahilan para mabitawan ko iyon. Blaze with his amazing reflex caught it while laughing.

"What was that?" I whispered, feeling horrified.

He laughed again. "What do you think?"

I reached for the binder he's now holding and I opened it slightly. Iyong tama lang para masilip ko ang nasa loob no'n. Pero bago ko pa ma-satisfy ang curiosity ko ay inipit ni Blaze gamit ng kamay niya iyon.

"Nope."

"Titignan lang saglit eh," reklamo ko.

His lips tipped up and he leaned towards me to whisper right at my ear. "It's still a no. Unless it's mine you're going to look at."

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon