#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC
A/N: For all we know batch na ng taong 2040 ang pinag-uusapan na hockey teams sa chapter na ito. Umiiwas talaga ako as much as possible sa years dahil nang simulan ko ang BHO ay masyadong latag na latag na 2011 no'n. Kung susundin natin sa edad ng first gen at ng third gen ngayon baka lumagpas na tayo sa 2022 at mahirap iyern for me.
Any resemblance to actual persons, living or dead, is entirely coincidental, unless stated otherwise.
Ps: Sana okay pa ang Sana All Committee. Okay lang 'yan. Magkakasama naman tayo XD
CHAPTER 33: TITLE
ERIS' POV
"Would you relax?"
Ibinaba ko ang kamay ko na kanina ay ipinangtakip ko sa bibig ko para putulin ang makabasag tili na lumabas mula roon. Nilingon ko si Blaze na nakaupo sa tabi ko at alam kong kita niya ang pamamasa ng mga mata ko. I'm that excited.
Sa sobrang excitement ko wala pa atang ala-sais ay gising na ako kaninang umaga kahit sabihing ngayong gabi pa naman ang laban ng Toronto Maple Leafs at ng Detroit Red Wings. Toronto will win and I'm claiming it.
"They showed Gray Mercier on screen! Nakita mo ba?" tanong ko sa kaniya at hinawakan ko pa siya sa braso para alugin.
"Paano ko hindi makikita parang muntik ng magkaroon ng lindol sa lakas ng sigaw mo habang tinuturo mo ang kabit mo."
Hindi ko pinansin ang kabit comment niya at sa halip ay proud na ngumiti pa ako. Hindi ako magpapatalo sa mga babae na nandito at nanonood din na kanina ay parang nakikipagtagisan sa akin pagdating sa pinakamalakas na pagsigaw.
I huffed and smiled smugly. Kung alam lang nila na praktisado ako kahit sa TV lang ako nakakanood noon. Pairap na nag-iwas ako ng tingin sa grupo ng mga babae na halos wala ng itinago sa mga suot nila. Pulmunyahin sana kayo.
"Stop glaring at them."
"They're puck bunnies." Lalong uminit ang ulo ko nang makita kong itinaas pa ng isang babae ang suot niya na blouse dahilan para makita ang panloob niya. I pulled down the zipper of my jacket, revealing a blue Toronto Maple Leaf jersey. It has Gray Mercier's number and surname printed on it. "I'm the number one fan."
"And who decided that?"
Itinaas ko ang kulay purple ko na hockey stick. I even asked someone to engrave Mercier's name on it back at the ski resort since they are offering that service. Dapat pala blue ang binili ko. Kaso ang cute ng purple. Litaw na litaw. "Ako at ang umangal gagawin kong puck."
He shook his head and eyed my jersey. Nakita niya na iyon kaninang umaga at hindi naman siya umangal. He knows how stubborn I am and this is one of the things that I'm not going to back down from. Ngayon na nga lang ako makakanood ng hockey game ng live.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #10: The Wild Card
AcciónI always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that has enough weight for me to stay. Still... I wanted to believe that there's something special out there waiting for me. Pero hindi pala g...