BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC
CHAPTER 38: GIVE UP
ERIS' POV
I felt it the moment I entered my room. I didn't react and instead I let Chance's leash go and closed the door. Inilagay ko sa tabi ng pintuan ang tungkod ko. I don't need it when I'm inside my own house. Wala rin namang tulong iyon kapag nasa labas ako. I don't depend on it that much. Kabisado ko ang buong BHO CAMP kahit noong nakakakita pa ako.
I grabbed a glass near the sink before I walked to the refrigerator. Binuksan ko iyon at kumuha ako ng tubig. I placed a finger on my glass, and dipped it inside a little. It will help me to know when to stop pouring the water.
"You're being silly," I said, laughing at Blaze that is tying a scarf around half of my face. Naramdaman kong iniharap niya ako sa kaniya at pagkatapos ay inangat niya ng kaunti ang scarf para hindi no'n matakpan ang ilong ko. "If I crack my head open, ikaw ang bahalang magpaliwanag sa ama ko."
"Stop scaring me."
Lalo akong napatawa. "Why?"
"I think I just visualized your father's face."
Kung may isang tao man na kinatatakutan si Blaze na higit pa sa mga magulang niya ay panigurado akong si Papa iyon.
"Come on." Inalalayan niya ako at ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Bubuksan mo lang ang pinto. Huwag kang pupunta sa kahit saan. If you get injured I'm going to get angry."
"Ako na ang nagkaroon ng injury tapos magagalit ka pa sa akin?"
"Sinabi ko bang sa'yo ako magagalit? Siyempre magagalit ako sa mababangga mo."
"Paano kung pader ang mabangga ko?"
"Eh di magagalit ako sa pader." Napahagalpak na naman ako ng tawa. "Chance, buddy, let's go."
I heard the sound of Chance's leash dragging on the floor. Bago pa lang kasi akong lagyan ng piring ni Blaze ay nakabitan na niya ng harness si Chance. Hindi pa nagtatagal ay naramdaman ko na nilagay ni Blaze sa kamay ko ang dulo ng leash ni Chance.
"Nagpakahirap ka pa. Pwede namang—" Ano nga bang tawag doon sa nilalagay sa mga mata. I know I have one before lalo na kapag sa ibang lugar ako natutulog at walang blackout curtains ang pinupuntahan ko. "Blindfold?"
"May blindfold ka?"
"Yep."
He didn't speak for a moment. I cling my head to the side. Kahit wala akong nakikita ay kilala ko na siya. Alam ko ang normal niyang pananahimik at alam ko kapag may kasamang inis 'yon. "What's wrong?"
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #10: The Wild Card
ActionI always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that has enough weight for me to stay. Still... I wanted to believe that there's something special out there waiting for me. Pero hindi pala g...