Dapit hapon na nang makauwi si Jacob sa bahay nila. Ipinarada niya ang sasakyan bago pumasok sa loob.
"Saan ka galing?" tanong ng mommy nitong si Carmina.
"Sa mall po. Naghanap kami nila Christian ng mga gagamitin sa camp. Di ba nga po isa ako sa mga camp counselors?"
Magsasalita na sana ang mommy niya nang lumitaw mula sa kusina ang pinsang si Jake Roy Lopez. "Hay nako Tita, hindi naman pagbabantay sa mga bata ang gagawin n'yan dun. Siguradong may mga kasamang babae do'n, iba ang habol nitong si Jacob Dean." Natatawang sabi nito.
"Grabe ka! Hindi naman!" pagtanggi nito.
"Sus, kunwari ka pa. Haha."
"Naku ayusin mo Jacob huh. Tapusin mom una ang pag-aaral mo bago ka manligaw ng babae." Saad ng ina nito.
"See Tita? Kung sa Arlington University mo pinag-aral itong si Jacob, eh di sana may kasa-kasama ito. Para may maibalita rin ako sa'yo. Haha."
Nilapitan ni Jacob ang pinsan at akmang pepektusan subalit nakalayo si Jake. "Tita oh, sasaktan ako!" ngumingirit pa rin si Jake.
"Masyado kang sipsip sa mommy ko." Wika ni Jacob.
"Hay naku Jacob, tama naman yang pinsan mo. Si Jacob lang talaga kasi itong ayaw at mas pinili mong mag-aral sa Perryton."
"Ay basta. Saka anong ginagawa mo rito sa bahay?" tanong ni Jacob sa pinsan.
"Mapaalam sana ako kung pwede kong hiramin ang kotse ni Tita sa darating na weekend. May pupuntahan kasi akong party. Nasa repair shop pa kasi 'yung akin, hindi pa tapos ayusin."
"Haha, sorry pinsan wrong timing ka. Ako ang gagamit sa weekend. May camping kami kaya need ko papunta do'n."
"Oo nga, nasabi na sa akin ni Tita."
Maya-maya pa ay nagring ang cellphone ni Jacob. Tumatawag si Christian. Lumayo siya sa mga kausap.
"Hello, bro. Wazzup?"
"Bro, okay na kay Dad. Pumayag na siya na 'yung van na lang 'yung gagamitin nating lahat."
"Ah ganun ba sige, sige. Para dun na lang din iloload lahat ng gamit natin."
Pagkatapos ng pag-uusap ay nilingon ni Jacob ang pinsan. "It's your lucky day. May iba na pala kaming gagamiting sasakyan." Wika nito sabay hagis ng susi kay Jake.
"Wow, ayos!"
**********
Araw ng Camping.
Tirik na ang araw habang nakatayo si Rachel sa tabi ng sasakyan nito. Nakasuot ng sunglasses, hapit na kulay maroon na sando, maikling shorts at puting sneakers. Tagaktak na ang pawis niya at patuloy sa pagtingin sa wristwatch.
"Sandra, matagal pa ba si Mika?" sigaw nito sa kasama. Sumilip mula sa pinto ng bahay ang tinawag. "Malapit na, nagbibihis na. Pumasok ka kaya muna rito."
"Hindi na. Mabilis lang naman diba?"
Samantala, sa loob ng bahay ay nagkukumahog si Mikaela sa pag-ayos ng buhok. "Sorry, sorry talaga. Hindi ako nakapag-alarm kaya late ako nagising." Pagpapaumanhin nito kay Sandra na nakatayo sa labas ng bukas na pintuan ng kwarto ng hinihintay.
"Girl, nag-usap na tayo kagabi na mag-alarm ka. Kanina pa raw tayo hinihintay ng boys sa may gas station. And for sure, marami ng bata sa Camp River Way."
"Oo na, oo na." sabi nito at nagmamadaling inilagay ang mga damit sa bag.
"Akin na, let me help you. Ikaw na lang magdala ng gitara mo." Wika ni Sandra at umupo sa kama para ilagay ang mga gamit ng kaibigan.
YOU ARE READING
The Case of Mikaela Duvalin
Mystery / ThrillerAnother person was said to be the new victim of the forest 'monster'. Mikaela Marie Duvalin, a college student was found dead deep within the forest of Camp River Way near Timber Grove. Nobody knows what really happened that fateful night. Until the...