Bukang liwayway pa lamang ay dinig na dinig na nila ang boses ni Mrs. Bonnie Bernales. Tila hinahanap nito ang guard ng camp. Kaagad na bumangon mula sa pagkakahiga ang grupo habang nagpupunas ng mg mata. Nakasilip sila sa bintana habang nagbibihis at tinatanaw ito.
"Yusuf! Yusuf!" sigaw nito na pumapailanlang sa katahimikan ng umaga.
Ilang sandali pa ay lumitaw ito mula sa likod ng isang cabin. Lumapit ito sa matanda habang sapo ang ulo na tila may iniindang sakit.
"Sa'n ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah."
"Pasensya na ho mam, napalalim yata ang tulog ko. Talo ko pa uminom ng nakaraang gabi. Sobrang sakit ng ulo ko."
"Hay nako, ang daming sinasabi. Pakigising na ang mga camp counselors para makapaghanda na ng almusal ng mga bata."
Tumango ito at nagmamadaling tinahak ang cabin ng grupo ni Christian. Kaagad namang nag-aasikaso. Kakatukin na sana nito ang pinto subalit nauna na ang pagbukas nito. Tumambad sa kanya ang pilit na ngiti ng grupo. Sa una ay nagulat pa siya dahil magkakasama ang mga babae at lalake.
Si Christian na ang unang bumasag ng katahimikan. "Let's go group!" enthusiastic nitong sigaw. "If I were you, yung kabilang grupo na lang gigisingin ko." Sambit nito at tinapik sa balikat ang guard. Sumunod na ang iba pa sa mga naunang kasamahan patungo sa likod ng mess hall kung nasaan ang kusina.
*******
Sa maliit na kusina ay makikita ang grupo na abala sa paghahanda ng umagahan ng mga campers, mayroong mga hiniwa-hiwa na mga iba't ibang klaseng prutas tulad ng saging, mangga, mansanas at peras.
Maririnig ang malakas na halakhakan ng grupo habang natatanaw sa bintana ang galit na mukha ni Mrs. Bernales habang kinakausap ang mga kagigising lang na kabilang grupo nila Shiela May.
"Haha, deserve mapagalitan." Ngumingising sabi ni Sandra. Siniko naman siya ng katabing si Mika.
"Hey, bakit ba?"
"Tinanong mo pa."
Ilang sandali pa ay malakas na tunog ng pagbukas ng pinto ang narinig nila. Magkasalubong ang kilay ng nasa unahan. Sa kabila ng kagigising lang na hitsura ay kitang kita ang maasim na reaksyon nito. Samantalang nakabantay naman ang mga kasama nito sa mess hall kung saan maririnig ang ingay ng mga bata.
"I know what you did." Sabi ni Shiela May habang nakapako ang tingin kay Mika.
"Me?" napatanong pa ito habang nakaturo sa sarili. Tiningnan ang mga kasama. "What did I do?"
"Yeah, what did she do?" sabat naman ni Denver.
"Do you think we're stupid? Alam naming you put something in out drink. Kaya matagal kaming nagising."
"Hinay-hinay ka ng accusations mo Shiela, hindi maganda 'yan." Pagtataray ni Sandra.
"Oh really? Let's see what the cops would have to say after kong ibigay ang sample ng tubig sa kanila."
Napatahimik ang grupo. Walang ni isa man sa kanila ang nagsalita agad; saglit na nagkatinginan.
"We do not know what you're talking about. And besides, may ebidensya ka ba?" nakangiti si Christian nang sabihin ito.
Natigilan si Shiela May. Nakaiwang nakabukas ang panga, marahil hindi alam ang sunod na sasabihin. Nang-aasar naman na nginitian siya ng grupo. Wala itong nagawa kung hindi padabog na umalis. Kasunod noon ay ang masayang tawanan ng grupo.
*********
Samantala, nang makaalis na ang grupo ni Shiela May ay kaagad na kinausap ni Mrs. Bernales si Yusuf. "Ano, may nakuha ka na bang impormasyon?"
Umiling lang ang security.
"Napakabagal mo naman. Itong summer camp lang ang tanging paraan para malaman ko kung sino sa kanila. Kailangan kong malaman. Reputasyon ko ang nakataya rito." Naiinis nitong paliwanag.
"Alam ko po madam. Makakakuha rin ako ng ebidensya."
"Dapat lang. At kapag positibo ka na sa kung sino sa kanila, alam mo na ang gagawin."
Tumango si Yusuf bago titigan ang lugar kung nasaan ang mga camp counselors.
*********
Tulad ng nakaraang araw ay ganoon ang nangyari, nag-aassist ang mga camp counselors sa mga rotation ng activities para lahat ng bata ay maexperience ang iba't ibang skills. Makikita ang kahit pagod nang mga katawan ay masaya pa rin ang mga bata at ineenjoy ang buong summer bago bumalik sa mga paaralan. Ang dalawang grupo naman sa kabilang dako ay nakakapagtakang nagagawa ang mga tasks bilang camp counselors sa kabila ng pag-aaway ng mga ito.
Dapit hapon na rin nang matapos lahat. Kinabukasan ay uuwi na ang mga bata dahil tapos na ang summer camp baon ang mga masasayang alaala mula sa mga natutunan.
*********
"Are you okay?" nag-aalalang tanong muli ni Mika kay Perry nang lapitan ito habang nakaupo sa isang makeshift swing sa ilalim ng isang puno. May mga pagkakataon na nakikita nila itong masayang nakikipagkulitan sa mga bata at minsan ay bigla na lamang natutulala at tila malalim ang iniisip.
"I could feel it Mika."
"Could feel what?"
"Just be careful."
"Careful saan?"
"I'm not sure. I have this weird feeling."
"Naku, tinatakot mo naman ako eh." Pilit na tawa ang pinakawalan nito.
Tinitigan siya ng kausap dahilan upang magulat ito. "I have to go Perry. Please seek help pagkauwi natin." sabi nito at mabilis na umalis.
Hindi pa rin naaalis ang titig ni Perry kay Mika habang naglalakad ito palayo papunta kay Rachel at Christina na nakikipaglaro ng habulan sa ilang mga kabataan. Ramdam niyang may hindi magandang mangyayari. Hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya iyon. Malalim ang ginawang paghinga, umaasa na sana mali siya.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang may mapansin na taong palinga-linga malapit sa kanilang cabin. Ilang sandali pa ay dahan-dahan itong pumasok sa loob. Nagtaka siya kung anong posibleng gagawin at ginagawa nito roon. Makalipas ang wala pang tatlong minuto ay nagmamadali itong lumabas hawak ang isang bagay. Hindi niya nakita kung ano iyon dahil mabilis itong inilagay sa fanny pack na nakasabit sa bewang nito. Sigurado siyang walang ibang nakapansin sa taong iyon maliban sa kanya.
*********
"I like you Mika." Biglang nasabi ni Christian na ikinagulat naman ng kinausap habang inaayos ang gamit sa bag. Nasa loob sila ng cabin na sila na lamang ang tao. Katatapos lang ng pagsama nila sa laro at nagdesisyong bumalik muna sa cabin para magpahinga.
"Ano'ng sabi mo?!" kahit nag-aalala siya at patuloy sa pagtakbo sa kanyang isip ang naging pag-uusap nilang dalawa ni Perry ay ang mga sinabing iyon ni Christian ang tila nagpaalis ng kanyang pangamba.
"I said I like you. Ever since sa loob pa ng university. Palagi kitang napapansin lalo na kapag kasama mo sila Rachel."
Bigla namula ang pisngi ni Mika. Hindi alam kung ano ang isasagot.
"Did I catch you offguard? Sorry. No need to say anything. I just had the urge to say it. Sorry again."
"I like you too." Ibinulalas nito.
Pareho silang natigilan ng ilang segundo, nagngitian at nagyakapan.
Hindi nila alam na may pares ng matang nakatingin mula sa bintana. Nanlilisik ang mga ito na animo'y puno ng poot.
YOU ARE READING
The Case of Mikaela Duvalin
Mystery / ThrillerAnother person was said to be the new victim of the forest 'monster'. Mikaela Marie Duvalin, a college student was found dead deep within the forest of Camp River Way near Timber Grove. Nobody knows what really happened that fateful night. Until the...