Pagod na pagod ang mga camp counselors nang matapos ang mga activities nang araw na iyon. Ang mga babae ay makikita sa loob ng kanilang cabin habang inaayos ang mga gamit at damit na nakakalat sa kama.
"Sa sobrang busy natin kanina, di na natin naisalansan ang mga gamit natin, tingnan n'yo nagkahalo-halo na." sabi ni Rachel.
"Kaya nga, parang binagyo itong loob ng cabin natin." Segunda naman ni Sandra na pinupulot ang ibang gamit na nagkalat sa sahig. "
Tahimik lang si Mika na tila malalim ang iniisip. Napansin naman ito ng mga kaibigan.
"Are you okay?" nababahalang tanong ni Rachel sa kanya.
Hindi sumagot ang tinatanong at patuloy lang sa pagtiklop ng damit. "Hoy!" malakas na niyang sigaw. Tila bumalik naman sa katauhan ang kausap.
"Huh, ano 'yon?!"
"Oh kita mo, wala ka rin sa sarili."
"Ah hindi, I'm just bothered from what Perry said to me earlier."
"Yung sinabi mong he can see monsters? Yeah. Their friend is really messed up. I'm worried about him though."
"Natakot nga ako. I think he's sick."
"Kung patuloy ang ganoong kalagayan n'ya.... I don't want to judge him pero I don't think the kids are safe with him. Like you know, I've watched a lot of movies and documentaries that a person suddenly snapped and.... You know."
"Grabe ka naman. Baka marami lang iniisip." Sabat naman ni Sandra.
"No. If he is really sick, kumuha na lang siya ng mga magagaling na duktor. Rumor has it na sobrang yaman daw ng pamilya nila." Kwento ni Rachel.
"Are we still talking about Perry? 'coz he doesn't' look very wealthy."
"Yeah. Narinig ko lang naman na tsismis. Pero I guess hindi totoo."
"Anyways, dapat ba ipaalam natin ito sa mag-asawa? Ayaw kong makipag-usap sa masungit na wife ni Sir Dave ahh."
"We should talk to the other boys siguro."
*********
Kinabukasan ay nagsimula na muli ang masasayang activities ng mga bata sa camp. Ang bawat grupo ay handle ng isang camp counselor through rotation para lahat ng skills ay mapuntahan at matutunan nila. Masayang masaya ang mga bata sa field na naglalaro ng soccer habang tinuturuan ni Perry. Hindi bakas sa mukha nito ang nangyari ng nagdaang araw. Sa may hindi kalayuan ay nakatanaw ang ibang mga kaibigan nito. Nilapitan sila ni Mika.
"What happened last night?" bungad na tanong nito.
"With him?" sabay turo ni Denver kay Perry. "Everything went normal. There's no sign that he's sick." Dagdag pa nito.
Maya-maya pa ay napansin nila sa may entrance ng camp ang pagparada ng isang puting Sedan. Bumaba mula rito ang apat na katao na nakasuot ng mga kulay dilaw na chaleko na may tatak ng Camp River Way. Napatingin sila sa papalapit na grupo.
"Teka.... Sila Monica ba 'yun?" gulat na gulat na tanong ni Rachel.
"Oo! Grupo nga nila Monica!" bulalas ni Denver.
"Oh heck no!" reaksyon naman ni Jacob.
Kasunod ng bagong dating na grupo ay si Mrs. Bernales. "Before I wonder kung bakit nagtitipon-tipon kayo rito at hindi binabantayan ang mga bata sa bawat grupo ay gusto ko lang ipakilala ang dagdag na mga camp counselors dito." Bungad ng babae.
YOU ARE READING
The Case of Mikaela Duvalin
Mistério / SuspenseAnother person was said to be the new victim of the forest 'monster'. Mikaela Marie Duvalin, a college student was found dead deep within the forest of Camp River Way near Timber Grove. Nobody knows what really happened that fateful night. Until the...