Malalim na ang gabi subalit gising na gising pa rin ang diwa ng grupo nila Christian maliban kay Perry na mahimbing na natutulog dahil ito ang pinaka napagod sa pagtuturo ng sports sa mga bata. Masaya ang kwentuhan kahit na tanging ang ilaw na lamang ng mga cellphones nila ang nagsisilbing liwanag. Mahina ang kanilang pag-uusap sa pangambang marinig sila ni Mrs. Bernales o ng security guard na si Yusuf at sawayin sila. Hindi nila muna iniisip ang away sa pagitan ng kabilang grupo. Sa gabing iyon ay ang mga karanasan sa pagtuturo sa camp ang kanilang paksa hanggang nadako ang usapan nila sa ikinuwento ng tatay ni Mika sa mga kababaihan. Tahimik ang mga lalaki na nakikinig sa kung ano ang naganap sa mismong camp na iyon ilang dekada na ang nakakaraan.
"How come I didn't know that. My parents never told me that. Sigurado ako na sikat ang balitang iyan noon." Sabi ni Christian.
"Oo nga, when I asked my parents to sign my consent, wala naman silang sinabi o kung anuman. Eh dito na sila lumaki sa San Ildefonso." Wika naman ni Denver.
"Hmmm baka naman limot na nila ang issue besides modern day na ngayon. Wala nang mga ganyan ganyang halimaw. Hahaha." Suhestyon ni Sandra.
"Yeah, like that was so many decades ago. At saka hindi naman siguro papayag ang local government unit or ang school mismo na magpa summer camp dito kung may 'halimaw' or mapanganib na hayop ang gumagala." Mahabang salaysay ni Jacob.
"Naniniwala ako sa kwentong iyon ni Papa, patunay na nga ang newspaper clipping na pinakita n'ya sa amin." Saad ni Mika.
Lingid sa kaalaman ng grupo ay may matang nagmamatyag mula sa isa sa mga bintana ng cabin. Tahimik at taimtim na nakikinig iyon sa mga pinag-uusapan nila. Isa-isa niyang inobserbahan ang bawat isa hanggang mapadako ang tingin niya sa babaeng nagsasalita. Biglang nanlisik ang mga mata nito. Matagal niya itong tinitigan.
Sa gitna ng pagkukwento ay walang anu-ano'y bigla namang napatingin si Mika sa bintana subalit wala namang nakita.
"Is there anything wrong?" nag-aalalang tanong ni Christian.
"Ah pakiramdam ko lang kasi may nakatitig sa atin mula sa labas."
Napatawa naman ang iba. "Naku, dala lang 'yang ng kwentuhan nating katatakutan." Pananaw ni Rachel.
Sa katotohanan, bago pa man lumingon si Mika ay nakaalis na ang nilalang na iyon at mabilis na tumakbo patungo sa kakahuyan.
************
"You know what, why don't we test the legend of the forest monster?" nakangiting wika ni Denver.
"What? What do you mean?" nabibiglang tanong ni Sandra.
"You know what I mean. Let's go out!"
"Seryoso ka ba dyan? Hindi mo ba narinig ang kwento naming kanina?" naiiritang tanong ni Rachel.
"Yeah, pero it happened decades ago. Digital age na. I'm sure wala nang mga gano'n." segunda naman ni Jacob.
Napatingin ang dalawang lalake kay Christian na tila naghihintay ng pagsang-ayon rin nito. "Yeah, yeah. Let's have some adventure." Nasabi na lang nito.
"Besides sayang naman ang pagdala ni Denver ng night vision camera nito kung hindi natin gagamitin." Sambit ni Jacob bago kunin ang maliit na kulay itim na camera sa isang bag. Itinapat niya ang lente sa kanang mata bago tumayo at ioff ang ilaw. Nang gawin niya iyon ay maririnig ang sabay-sabay na daing ng mga naroroon. Mula sa camera ay kitang kita niya ang mga kasama, kulay berde ang buong kapaligiran, na karaniwang makikita kapag sumilip ka sa isang night vision camera.
YOU ARE READING
The Case of Mikaela Duvalin
Misterio / SuspensoAnother person was said to be the new victim of the forest 'monster'. Mikaela Marie Duvalin, a college student was found dead deep within the forest of Camp River Way near Timber Grove. Nobody knows what really happened that fateful night. Until the...