Chapter II: "The Past Will Forever Haunt"

37 1 0
                                    

Ika-8 ng Pebrero, 1972

Nag-aagaw na ang liwanag at kadiliman, malamig ang simoy ng hangin at malakas ang huni ng mga kuliglig na dumadagdag pa sa ingay ng mga kabataan na naglalaro sa grounds ng Camp River Way. Makikita ang tatlong camp counselors na nakabantay at nagsasaway sa mga ito kapag nag-aasaran na. Katatapos lang ng iba't ibang team building activities nang araw na iyon subalit tila wala sa bokabularyo ng mga bata ang salitang "pagod" dahil humiling pa ang mga ito sa mga bantay na maglaro. Lumapit ang isang camp counselor na si Melba kay Dario nakatingin sa grupo ng mga bata na naglalaro ng luksong baka.

"Gabi na, pagpahingahin na natin itong mga bata."

Tumingin ang lalaki sa kanya. "Bakit? Anong ikinababahala mo?" tanong nito.

"Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari malapit dito limang buwan na ang nakakaraan?"

"Alin? Yung pag-atake ng halimaw? Naniniwala ka roon?"

"Oo syempre kasi may mga saksi."

"Gawa-gawa lang 'yon ng mga nagtratrabaho sa tabloid para mapag-usapan at mabenta ang kanilang dyaryo."

Ilang sandali pa ay nilapitan sila ng isa pang kasamahan na si Pablo. "Anong pinagtatalunan n'yo?"

Pagtitig ang naging tugon ng dalawa rito. "Tungkol ba 'yan sa halimaw rito?" ito na mismo ang sumagot sa sariling tanong.

"Ito kasing si Melba eh."

Hinawakan ni Pablo si Melba sa dalawang balikat nito. "Pakalmahin mo ang sarili mo. Walang halimaw dahil kung meron, dapat hindi na tayo pinayagang magdaos ng ganito."

Tumango naman si Dario bilang pagsang-ayon. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Melba at nagpatuloy sa pagkwento tungkol sa deskripsyon ng sinasabing halimaw.

****

Sabay-sabay na nagkakantahan ang mga bata nasa edad sampu hanggang labindalawa habang nakapalibot sa isang malaking bonfire nang gabing iyon. Kitang kita sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan habang malakas na sinasabayan ang Stand By Me ni Ben E. King.

.... When the night has come, and the way is dark,

And that moon is the only light you see.

No I won't be afraid, no I-I-I won't be afraid

Just as long as the people come and stand by me....

Ilang minuto pa ay nagsenyas na ang mga camp counselors na tumayo na ang lahat at bumalik na sa mga kanya-kanyang cabin, hudyat para matulog na. May mga ilan na tila nadisappoint dahil para sa kanila ay bitin pa ang kasiyahan kahit na lumalalim na ang gabi. Pumila ang mga bata sa harap ng adult na nakatalaga sa kanila para bilangin isa-isa at ihatid sa mga tutulugan. Pagkatapos masigurado na kumpleto ay humanay na ang mga ito at sinundan na ang camp counselor na may hawak na flag. May labingwalong mga kabataan ang naroroon na nahahati sa tatlong grupo. Habang naglalakad ang grupo ng batang si Antonio na pawang magkakaibigan din ay nagbulungan ang mga ito.

"Narinig kong nag-uusap yung tatlong camp counselors kanina." Sabi nito.

"Talaga? Anong pinag-uusapan nila?" tanong naman ni Ismael na nasa likod lang ni Antonio.

"Tungkol dun sa halimaw raw na nakatira sa gubat dito sa Camp River Way."

"'Yun ba 'yung nasa balita at dyaryo ilang buwan na ang nakakalipas?" tanong naman ni Dante.

Narinig naman ito ng iba at lumapit kay Anton habang patuloy pa rin sa paglalakad. "Oo. Meron daw."

"Ano raw ang hitsura nung halimaw?" tanong naman ng isa pa nilang kaibigan na si Fernan.

The Case of Mikaela DuvalinWhere stories live. Discover now