"ITO na ba lahat 'yun?" mula sa cubicle ko ay rinig na rinig ko ang pag-uusap nila ni Sir Kael at secretary Secruby.
"May kailangan pa po ba?"
"Wala na, pero kailangan mo kausapin si Mr. Holmes tungkol sa investment money." Iyun lang ang mga narinig ko sa usapan nila.
Huminto sa tapat ng cubicle ko si Sec, "Kailangan ko ang perma mo, at pagkatapos mong pumerma paki hatid na lang iyan sa cubicle ko. Salamat," pasasalamat niya.
Nilabas ko ang laman ng folder at binasa ang nakasulat. Pero agad din akong napahinto ng may nahagip ng mata ko.
It was him again, the lavender hair guy.
Pero sandali lang... Bakit naman siya nandito? At isa pa, ano'ng gagawin niya dito?
Niligpit ko ang folder 'tsaka sinundan siya, "Done following me?" Napatalon ako sa gulat ng bigla itong bumulong sa tainga ko mula sa likuran ko.
Nilingon ko siya, nakasandal ito sa pader habang nakakibit balikat. "Ano'ng ginagawa mo dito? Pinaglihi ka ba sa kabote? Kong saan saan ka na lang sumusulpot." Panenermon ko sa kanya.
He grabbed my chin and kiss me.
Hindi ako nag protesta sa halik niya, I miss him, I miss the man who made me happy that night. I wrapped my arms around his neck and we spat with our tongues.
"I have to go."
"Ngayon na?" Gulat kong usal.
Hinalikan niya ako sa noo 'tsaka iniwan akong malungkot. Kailan ba kita makakasama ng matagal?
Malungkot na bumalik ako sa aking cubicle.
"TWINARY!" Mula sa paglilinis ng sahig ay tumigil ako ng marinig kong may tumawag sa akin.
"Cris? Ano 'yun?"
"Ano'ng ano? Siyempre mag se-celebrate tayo noh. Nakalimutan mo na ba?" Mataray nitong sabi sa'kin.
Oo nga pala, ngayon pala kami mag celebrate ng approval ko sa pagiging assistant. Pero hindi naman siguro masama ang magsaya no? Sabagay ginagawa din naman iyan ng ibang tao eh.
"Hihintayin ka namin doon sa hospital."
"Oo, kayo na muna ang bahala kay Mama. Tatapusin ko lang ang paglilinis." Sabi ko sabay turo sa sahig.
Tumango siya Cris, "Sige, mag ingat ka ah!"
"Oo." Iyun lang at pinagpatuloy ko na ang pagkuskos ng sahig.
Nakalabas na kaninang umaga si Mama sa hospital, pero bumalik siya kaninang tanghali para sa daily check up niya at bukas na naman siya pauuwiin. Buti na nga lang dahil hindi masyadong busy ang kompanya kanina kaya hindi ako napagod.
Pero iyung boss ko ay buong araw wala sa kompanya. Kasalanan ko kong bakit siya galit, pero deal is a deal. Hindi ko puwedeng gawin iyun sa kanya lalona't boss ko at nirerepisto ko siya.
Nakita ko si Sir Damien papasok sa loob ng opisina niya. Hindi ko siya pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko ang paglilinis.
Bitbit ang cellophane ay hindi na ako nag-abalang kumatok sa pinto ng kuwarto ni mama. Pagkapasok ko sa loob ay napatalon ako sa gulat ng sa mismong pagmumukha ko pa pumutok ang popper.
Tawang-tawa naman silang lahat, medyo nainis ako. Pero nong makita ko ang malapad na ngiti ni mama ay agad nawala ang Inis ko.
"Anak, upo ka dito sa tabi ko." sabi nito at pinagpagan ang kama.
Nilapag ko sa bed-side-table ang dalawang cellophane 'tsaka tumabi ng upo kay mama.
"Tara! Uminom tayo, wohhhh!" Itinaas ni Jeassy ang shot glass sa ere.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BL]
RomanceA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop the fl...
![KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BL]](https://img.wattpad.com/cover/294907240-64-k484338.jpg)