Sarquael POV
"Sir, ayaw mo magpasama sa'kin?" Mula sa dokumentong binabasa ay umangat ang tingin niya sa akin.
Inayos ko ang zipper ng jacket ko pagkatapos ay nagsout ako ng medyas, "Hindi na kailangan, maglalakad na lang ako papunta doon." Sabi ko.
"Paano kung mapagod ka? Ilang metro pa ang layo ng hospital dito sa kompanya." Nag-aalalang sabi niya.
Pinaikutan ko siya ng mata, "Puwede naman ako mag Taxi sa oras na mapagod ako Secruby, ayaw kong magkaroon na naman tayo ng issue kaya kailangan nating dumistansiya ng kaunti." Pagkatapos ko mag sintas ng sapatos ay kinuha ko mula sa ibabaw ng mesa ang cellphone at ang wallet ko. "Aalis na ako, Ikaw muna bahala dito ah." Paalam ko bago lumabas ng opisina.
Pumasok ako sa Starbucks hindi kalayuan sa kompanya, sarado pa kasi ang café sa harap ng kompanya kaya napipilitan tuloy akong bumili dito.
"Thank you and see you next time sir." Paalam ng kahera sa'kin. Tumango at ngiti lang ang sagot ko sa kanila.
Nakipagpalitan pa ako ng magandang umaga sa bawat nakakasalubong ko sa daan patungo sa entrada. Hanggang sa tuluyan nga akong lumabas, umupo ako sa may maliit na hammock katabi ng starbucks at doon ko inubos ang lahat ng inorder ko. Dahil ayaw kong magutom itong maliit na nilalang sa sinapupunan ko.
Biyente minutos ang lumipas bago ko maubos ang isang burger, pagkatapos ay nilakad ko ang direksiyon patungo sa hospital na pagmamayari ni Sawyer. Sa hindi kalayuan ay tanaw na tanaw ko ang mga pasyenteng nilibang ang sarili sa sinag ng araw at ang iba naman ay pinagkaka-abalahan ang mga bulaklak sa maliit na harden sa tapat ng hospital.
Na ingganiyo na pala ako sa panonood nila kaya hindi ko namalayan ang oras. Malalaki ang bawat hakbang na pumasok ako sa loob ng hospital at binati naman ako ng magandang umaga ng lahat na agad ko din sinuklian ng magandang umaga. Dumiretso ako sa opisina ni Sawyer pero agad ako natahimik ng marinig ko ang mahihinang halinghing kaya napahampas ako ng noo.
"Ito talagang pinsan ko kahit kailan..." Wala akong choice kundi ang maghintay kung kailan sila matapos. Umupo ako sa may upuan at nilabas ko ang cellphone para maglaru ng candy crash.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto, ng mag-angat ako ng tingin ay nagulat ako ng si Doc. Bida-bida ang nakita ko. Pawis na pawis siya at ganon din si Sawyer na ngayo'y nagulat ng makita ako. "Good morning, let's talk later Sawyer." Aniya at iniwan na kami.
Bumaling naman ang tingin ko sa pinsan ko na ngayon ay hindi maipinta ang mukha, "Pasensiya ka na Sarquael kung ito ang bumungad sayo ng ganito ka aga." Yumuko siya habang hinahabol ang sariling hininga.
These pheromones.
Agad akong tumayo at tinulak siya papasok sa loob ng kaniyang opisina, medyo nagulat naman siya sa ginawa ko. "Couz, what are you doing?" Gulat niyang usal ng mapa upo siya sa ibabaw ng desk niya.
Nilabas ko mula sa loob ng coat pocket ang isang tab ng inhibitors pagkatapos ay inabot iyun sa kaniya. Thank God, hindi ko nakalimutan magdala ng gamot for emergency.
"You're in heat?" Tanong ko sa kanya habang siya naman ay naglabas ng isang piraso ng gamot. Lumapit ako sa may water vendor para kuhanan siya ng tubig.
Pagkatapos niya lumagok ng tubig ay tumango siya bilang sagot, "Akala ko nga nilalagnat lang ako iyun pala..." Putol niya at tumingin sa akin. "You're just in time, I'm sorry." Hingi niyang tawad.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BL]
RomanceA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop the fl...
![KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BL]](https://img.wattpad.com/cover/294907240-64-k484338.jpg)