CHAPTER 17

816 7 0
                                        

Still Twinary POV


MAGDAMAG na hindi ko kinausap si Sarquael. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan ang mga pinagsasabi niya nong binangungot siya.


Itinuon ko na lamang ang aking sarili sa pagwawalis hanggang sa narinig ko ang tawag ni Aling Bebang.


"Twinary hijo, di kaba sasama sa'min sa paglalabada?" Tanong ni Aling Uring pagka daan sa puwesto namin.


"Susunod ho ako Aling Suli." Sagot ko sabay buhat ng batya na naglalaman ng mga damit namin ni Mama.


Kasalukuyang binabagtas namin ang daan patungo sa gubat kong saan ang ilog. Iyung iba ay nagku-kuwentuhan.


"Maria! Sabi ni Mama bumaba ka na daw riyan para maglaba, iyung mga pasador mong na sa loob ng batya ay baka itapon na daw niya iyun pag hindi mo pa nilabhan!" Rinig naming sigaw ni Anatasia mula sa labas ng bahay.


Tumawa naman ang mga kapitbahay namin. "Naku! Naku! Alam mo Aling Bebang noong mga kapanahonan ko pa? Iyung mga ganyang pangyayari, aba aba! Di mo talaga mapipigilan si Inay pag naabutan niyang hindi pa nagalaw ang damit mong nakababad, dahil paniguradong pupulutin mo ang mga iyun sa labas ng bahay." Natawa naman si Aling Bebang dahil sa kuwento ni Aling Suli.




Buhat nito ang isang plangganeta ng damit, "HAHAHAHA gaya din ng sa'kin, pag di ko pa nagawa iyung inutos ni Inay? Hayun! Tinatadtad ako ng sermon."




Napuno ng halakhakan ang paligid dahil sa sunod-sunod na nagkuwento ng nakakatawa sila Aling Bebang at Aling Uli tungkol sa nakaraan nila.


Nang makarating kami sa mismong ilog ay agad ng tumalon ang mga bata, tuwang-tuwa pa ang mga ito. Ipinuwesto ko ang batya sa may bandang kahoy malapit sa tubig.


"Nga pala Hijo, ngayon ko lang napansin na hindi mo pala kasama ang boss mo. Nag-away ba kayo?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Aling Suli.


Tumigil ako sa paglaba at nag punas ng pawis gamit ang likod ng pulsunan ko. "Hindi naman po kami nag-away, sadyang may ina-asekaso lang siguro." Sagot ko.


"Siguro? Hindi mo ba siya nakasama kagabi?"


"Nakasama po, pero pag gising ko sa umaga ay hindi ko na siya nakita." Sagot ko naman at ipinagpatuloy ang pag kuskos ng damit.


Tumango-tango si Aling Suli at nagpatuloy na sa kanyang paglalaba. Gayon din sa Aling Bebang na seryosong naglalaba.


Sarquael POV


"PAANO po 'to gamitin?" Tanong ko sa mga batang nagbabalat ng kawayan.


Tumigil ang isang bata sa pagbabalat at tumingin sa'kin, "Dito sa'min ang tawag po d'yan ay Alkansiya." Sagot nito.


Tumango-tango ako, "Alkansiya? Ano iyun?"


"D'yan po namin nilalagay ang pera namin kapag gusto namin mag-ipon po, kumbaga po ay bangko po." Sagot naman ni Tim.


Sinilip ko ang laman niyon mula sa butas, "Pero wala namang pera sa loob?" I frown.


Nagsalubong naman ang kilay ng bata, "Lakas talaga ng tama ng mga yayaman eh ano? Ang laki talaga ng pinagkaiba natin, iyung mga mayayaman ay nabibili ang kanilang gusto. Samantalang kaming mga mahihirap kailangan pa naming mag trabaho ng ilang araw o buwan para lang makapag-ipon ng malaki at mabili namin ang aming gusto. May tanong po ako."


"Yes? Ask away." Sabi ko at nagkibit balikat.


"Jest, Ikaw na muna bahala nito." Sabi ni Tim at ibinigay kay Jest ang kutsilyo 'tsaka kawayan.


Umupo sa maliit na upuan ang Bata, "Madali lang po ba magkaroon ng pera kapag mayaman ka?"


Nagulat ako sa tanong nito. Oo, para sa'kin ay hindi talaga madali ang magkapera. Kailangan mo itong paghirapan ng ilang taon para mahanap. Pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naka ingkuwentro ng bata na interesadong magkapera.


What is his real motive?


"Hindi madali, gaya ng sabi mo. Ang mayaman at ang mahirap ay walang pinagkaiba, Oo naniniwala ako sa kasabihan na kapag ang isang tao ay namumuhay sa isang marangyang pagmumuhay ay di hamak na siya'y mayaman, dahil pareho lang tayo. Nagtatrabaho tayo para magkaroon ng pera at hindi iyun basehan na mas angat kami sa inyo kasi nga nakatira kami sa karangyaan. Lahat ng natatanggap namin o ina-ani namin ngayon ay mula sa dugo't pawis namin. Dahil kayong mga mahihirap ay ganon din, umaga't-gabi kayong nagtatrabaho para umangat sa kahirapan. Kaya huwag mo sabihin na mahirap ka, kasi lahat tayo ay pantay." Mahabang paliwanag ko kahit alam kong walang kabolohan.


"Ganon po ba?"


"Oo, hindi ko alam kung may kabolohan ba ang sinasabi ko sayo. Basta ang importante ay malalaman mong pantay ang tingin namin sa inyo. Mayaman man o Mahirap, as long as pareho tayong nag sakripisyo. Keep that in mind kiddo." Sabi ko at ginulo ang buhok niya.


"It's Maetel Metternich, not kiddo. Just call me Tim." Sagot nito habang inayos ang buhok na ginulo ko.


"Tim, my name is Sarquael Onkword. Nice to meet you." Nilahad ko ang kamay.


Tinanggap nito iyun at nakikipag kamay sa'kin, "Maetel Metternich po, nice to meet you din po. I'll keep that in mind." Sagot nito.


Nilibang ko ang aking sarili sa pagmamasid, sumasayaw ang mga palay dahil sa hangin. Ipinikit ko ang mga mata at pinapakiramdam ang tahimik ng kapaligiran.


'Sana ganito na lang katahimik ang buhay ko.' usal ng isip ko.


"Wala ka bang balak umuwi? Sabihin mo lang, bukas ang pinto namin at kahit anumang oras puwede kitang patalsikin."


"Ouch! Ang sama mo naman, porket nakikikain at nakikitulog lang ako sa inyo, para na akong walang ambag. Hoy! Kaya kong bayaran iyung mga kinain ko at kaya ko din bilhan ng kama ang kuwarto mo para may komportable kang matutulugan, sinasabi ko sayo!" Sabi ko at kunyaring nasasaktan.


"Dami mong dada, sinundo kita kasi inutusan tayo ni Mama na bumili daw ng kakailanganin natin bukas." Halatang na-iinis na sabi niya.


"Ano'ng meron bukas?" Nakakunot noong tanong ko.


"Na ubusan kami ng stock nang pagkain at Ikaw iyung inutusan para bumili."


Napantig ang tainga ko sa narinig, "Ako? Bibili? Inutusan?" Naguguluhang tanong ko.


"Oo, kisyo daw nandito ka at wala ka naman daw ginagawa. Kaya ikaw na lang daw iyung uutusan niya para may pakinabang ka naman." Tagos hanggang kalamnan ko ang mga salitang binibitawan niya.

---

"Ito iyung listahan ng bibilhin niyo Sarquael." Ana'ng ginang matapos ilista ang mga bilihin.  Mas maliit ang listahan na ito kumpara sa listahan na ibinibigay ko kay Yaya sa tuwing uutusan ko siyang mamalengke.


"Twinary anak, pagkatapos mong maligo d'yan huwag mo kalimutan ang pinapabali ko sayo ah." Sabi ni Ginang Trystal ng mapadaan ito sa banyo.


"Oo ma." Sagot nito mula sa loob.


Umupo ako sa kawayang upuan at nilibang ang sarili.


*CREAK!*


Bumaling ang mata ko sa ingay, and I saw Twinary. He's busy scrabbing his hair with a towel, and his half naked.

KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BL]Stories to obsess over. Discover now