CHAPTER 13

1K 12 0
                                        

TUMIGIL ako sa pag-aayos ng dokumento dahil sumagi na naman sa isip ko ang panaginip na iyun.

Parang totoo talaga, pero parang gawa-gawa lamang ng imahinasyon ko. Siguro, pagod lang ang isip ko non kaya kong ano-ano na lang napapanaginipan ko. Bumuga ako ng hangin 'tsaka minamasahe ko ang gilid ng ulo ko.

AHHHH... But I can't be this way any longer.

"Mr. Araqael."

Lumipad ang mata ko sa taong tumawag ng pangalan ko.

"I know that this is your first day, so maybe you're feeling a bit lost, right?" Sabi niya habang nilapag sa ibabaw ng mesa ko ang isang tasa ng kape.

Oh, the team leader!

"No, but thank you for worrying about me."

"Please let me know if you need anything." Lumuhod siya para magpantay ang mukha namin. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

Huh?

"Ah, by the way... Do you have any plans after work?"

Umiling ako, "No."

"What about having a welcome party today?"

Ngumiwi ako, "Welcome party? Hindi naman ako bago para magpa welcome party. Apat na araw na akong nagta- trabaho dito."

Kumunot ang noo niya, "Ha? Pero ngayon ka lang namin nakita dito. Kaya impossibleng apat na araw ka ng nag trabaho dito bilang Assistant ni Sir. Sarquael."  Paliwanag niya. Halata sa mukha niya na naguguluhan siya.

Nga pala, ngayon ko lang na-alala. Sa pribadong daan pala kami dumadaan papasok dito sa loob ng kompanya kaya ngayon lang ako nakita ng empleyado. Tanging si Secruby lang at si Sir Kael ang nakaka-alam tungkol sa pagiging assistant ko.

Wait....

"Sinong tinutukoy mong Sarquael?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa binanggit nitong pangalan.

"Sir Sarquael Onkword, ang boss natin." Nakangiting sagot niya na ikinagulat ko.

So, the Kael I know is the Sarquael Onkword. Just like me, the Araqael he know is Twinary Herrerachy.

Wala pa akong panahon para mag-isip ng mga bagay-bagay lalona't kakagaling ko pa sa hospital. Ayaw kong dagdagan ang mga iisipin ko, kaya kailangan ko munang pahingahin ang utak ko.

"Yeah, sure!" Masiglang sagot ko.

"Pumayag ka nang mag pa welcome party?"

Tumango-tango ako.

"Whoa~ great!" Ngumiti siya sa'kin, "We will go to famous restaurant where we usually go to have lunch, I think you'll like it." Dagdag pa niya.

"Haha~ see you!"

"See you later!" Umalis na siya pagkatapos niyang magpa-alam.

Sumimsim ako ng kape para pawiin ang tension. He lied to me and I made the same way too.

Now we're even.

"CHEERS!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat habang itinaas ang kopita sa ere.

Hindi ko napansing kanina pa pala sila nakatingin sa'kin at hinintay akong sumali sa kanila. Nahihiyang pinulot ko ang kopita sa ibabaw ng mesa 'tsaka itinaas iyun.

"Cheers!" Pinagsangga namin ang aming mga kopita pagkatapos ay sabay na nilagok ang laman niyon.

"Welcome to our Family, Araqael!" Masayang bati sa akin ni Chae.

KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BL]Stories to obsess over. Discover now