Chapter 02

483 17 1
                                    

Chapter 02

Call

Huminga ako nang maluwag pagkatapos ng huli kong exam. Kagaya ko ay gano'n din ang mga kasamahan ko. Pagod akong naglakad palabas. Sinabayan din naman ako nina Shyra at Beth. Pareho kaming lupaypay at nanghihina.

"Iiyak yata ako. Hindi ko alam kung ba't hindi ako mapalagay. I think my scores will be very low," sabi ni Shyra.

"Ako rin. Ginawa ko naman ang lahat, pero kahit na," ani Beth.

"Gusto ko na ring umiyak kasi ang hirap," tugon ko naman.

Hinarap kami ni Shyra. "Inom tayo mamayang gabi, ha? Kailangan ng utak ko ang alak."

Natawa ako. "Bakit? Nakakatalino ba ang alak?"

"Hindi pero basta! Tatawagan ko si Ed. Beth, sabihan mo na rin si Polo."

"Dapat yata na magpahinga tayo ngayong gabi. Ang sakit ng ulo ko."

Tumango ako kay Beth. "I agree!"

Suminghal si Shyra. "Wag niyo nga ipahalata na matatanda na kayo. Ah, basta. Magce-celebrate tayo kasi tapos na ang exams!"

Aayaw sana ako pero hinayaan ko na lang. I figured that I need this, too.

Kahit na nag-aral naman ako nang maigi sa nakaraang linggo, pakiramdam ko ay mababa ang magiging scores ko. Sobrang hirap ng exam at kailangan kong maglabas ng sama ng loob.

"Puwede naman na hindi sa bar," reklamo ni Beth nang makarating kami sa dorm.

"Huwag ka nang KJ!" suway ni Shyra.

"Eh, bakit? Sa bar lang ba puwedeng mag-celebrate? May restaurant naman, ah? Karaoke? Ba't sa bar pa?"

"Bakit hindi puwede sa bar?" Humalukipkip si Shyra at tumingin sa kanya.

Beth pouted. "Basta ayaw ko lang."

Pinaningkitan siya ng tingin ni Shyra. Nag-iwas naman ng tingin si Beth.

"Nag-away kayo ni Polo 'no?"

"Hindi kaya!"

I chuckled. "Ah, kaya pala ayaw niyang tawagan kanina."

"Hindi 'no!"

Tumawa si Shyra. "Kaya ayaw mo sa bar kasi panigurado na iimbitahan ko sila tapos magkikita kayo. Naku, Beth. Huwag mong takbuhan ang mga problema mo. Sige ka, baka may ma-heartbroken na naman."

Napailing na lang ako.

"Oo na, oo na," si Beth at tumayo na para pumili ng damit.

Naghanda na kami para pumunta sa bar. For sure, marami rin na taga-University ang pupunta roon dahil tapos na ang exam week.

Nagsuot lang ako ng itim na bodycon at itinali ang buhok. Nag-sneakers lang din ako para hindi na mahirapan pa sa paglalakad dahil may plano talaga akong maglasing ngayon.

Then I realized that I haven't been drunk for a while.

"Nasa labas na raw sila," sabi ni Shyra.

Sumimangot si Beth at kinuha ang purse niya. "Tara na."

"Magkaayos na kayo. Ba't ba kasi kayo nag-away ni Polo?"

Beth shrugged. "Maliit na selos lang."

Mahina akong natawa. "Selos lang pala, eh. Magiging okay din 'yan."

"Rebecca, maraming namamatay sa selos."

"Kapag hindi niyo 'yan mapag-usapan, baka lumaki. Baka ikasira ng relasyon niyo."

Beneath the Moon's PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon