Chapter 07
Secret
Buong gabi kaming nag-usap ni Haben. Halos may sariling mundo na nga kami. Kung hindi pa siya inaya ng mga kasama niya na umuwi na ay hindi pa siya uuwi.
Kung anu-ano na lang ang pinag-usapan namin. We also laughed from time to time.
Dahil doon ay hindi ay hindi rin ako tinigilan ng mga kasamahan ko.
"Wala nga kasing something," pilit ko sa kanila.
Tumambay kami sa isang bench malapit lang sa building para magpalipas ng oras habang naghihintay sa susunod naming klase. May nakabukas na malaking chips at iyon ang kinakain namin habang nagkukuwentuhan hanggang sa umabot sa akin ang usapan patungkol kay Haben.
"Anong wala? Eh, kitang-kita ko kaya. Huwag ka nang magsinungaling," ani Shyra.
"Friends nga lang kami."
Humarap si Beth sa 'kin. "Hindi ka ba niya pinapakitaan ng motibo?"
Umiling ako. "Friends nga lang. Iyon lang. Tsaka hindi ba kami puwede maging magkaibigan? Kailangan ba talaga may meaning lahat?"
Naisip ko 'yung tungkol sa exclusive friend na sinasabi ni Haben.
I am flattered. Napakaraming tao sa mundo tapos ako pa talaga ang inaya niya nang gano'n? Ibig sabihin, may nakita siya sa 'kin. Gusto niya na kausap ako.
However, I can't disregard the fact that I like our arrangement. Still, I keep on overthinking about this little crush. Sobrang delikado na i-risk.
"Alam mo, Becca... Concern lang naman kami sa 'yo," sabi ni Shyra. "Gusto ka naming tutukan."
"Tama si Shy, Beck. We saw you at your worst moment. Ayaw lang naman namin na maulit 'yun. At sa 'yo na rin nanggaling na ayaw mo nang umiyak nang ganoon."
I sighed and smiled. "Thank you sa concern. I appreciate it."
Yumakap si Beth sa 'kin. "Pero crush mo siya 'no?"
Natawa lamang ako. Hindi ko gustong i-deny, hindi ko rin gustong aminin. Kaya itinawa ko na lang na para bang biro iyong sinabi niya.
Nang umuwi sa dorm ay naisipan kong maglinis ng mga kalat. Wala pa ang dalawa kaya naman kumuha ako ng trash bag.
Nag-vacuum ako. Pinagpagan ko rin ang mga kama namin at nag-spray ng air freshener. I emptied our trash cans. Pagkatapos ay dinala ko na ang dalawang trash bag palabas upang itapon sa bin.
Gabi na at sana ay nagdala ako ng flashlight kasi nasa may highway pa ang compost pit. Inasahan ko na lang ang instincts ko at nagdasal na hindi sana ako matatapilok.
Good thing, may dumaan na sasakyan. Dahil sa headlight nito ay nakakita ako nang maayos. Pagdating sa compost pit ay inilagay ko na roon ang trash bags.
Ngunit napansin ko na hindi pa rin dumadaan iyong sasakyan. Kunot-noo ko itong tiningnan, ngunit hindi ko matingnan nang maayos dahil sa malakas na ilaw.
Tumabi ako sa daan at natanto na naka-park pala 'yung sasakyan. But I had a bad feeling about it.
Inisip ko na baka ma-kidnap ako. Pero kadalasan naman kasi ay puting van ang mga nasa gano'n. Ang sasakyan kasing nakaparada ay mamahalin... at pamilyar.
Parang hinihintay ako nito. Hindi ako sure pero parang ako talaga ang pakay, eh. Kaya nakatayo lang ako sa gilid, hinihintay 'yun.
Naka-pajama lang ako at puting t-shirt. Mabuti na rin at naisipan kong mag-bra nang palabas na kundi baka may bumakat. Nakakahiya kapag gano'n.
BINABASA MO ANG
Beneath the Moon's Phases
RomanceRebecca Andres has been heartbroken before. Kaya naman nang makabangon mula roon ay ipinangako niya muna sa sarili na uunahin niya na muna ang pag-aaral niya. She is consistent with her promises. Kaya nga lang, sobrang malungkot nga pala na maging...