Chapter 10
Secret
Ginawa ko ang lahat upang hindi nila mapansin na wala ako sa mood. My friends threw a party. I appreciated it. I should be happy about it.
Pero sa tuwing naaalala ko kung ba't ako sobrang nag-expect, parang sinusuntok ang puso ko.
No, it's not about the birthday greeting. Walang kasalanan si Haben. It was me and my assumptions. It was me and my expectations.
I know this isn't just a simple crush. Alam ko na may potential itong lumaki. Kaya kailangan ko nang tigilan. But the more I think about it, the more I realized that it's impossible to stop it.
And I know it's bound to happen since the first night we met... under the full moon.
"Natutulala ka na naman," sabi ni Shyra sa 'kin.
I smiled. "Giniginaw lang. Ang lamig kaya."
"Hoy, Ed! Pahiramin mo nga ng jacket itong birthday girl!"
"Ayoko nga. Giniginaw rin ako, eh."
Sa isang greenhouse kasi kami nag-dinner. Open ito at malamig ang preskong hangin. Libre daw ito lahat ni Shyra. Masyado itong pormal kumpara sa mga kinakainan namin, pero deserve ko rin naman daw kasi birthday ko.
Natawa si Polo at umiling. "Ewan ko sa inyo."
Hinubad niya ang suot na varsity jacket at binigay sa akin. Nagpasalamat ako at isinuot iyon.
Busy na magbangayan sina Ed at Shyra kaya hindi nila napansin na lumapit si Beth sa akin. Katabi ko lang siya ngunit mas lumapit pa siya para may ibulong.
"Ayos ka lang?"
I looked at her. "Oo naman."
She gave me a look. Ngumiti ako pero hindi pa rin siya naniniwala.
"Okay lang ako, Beth."
"Parang malungkot ka kasi. Kanina pa 'yan. May nangyari ba kanina?"
Umiling ako. "Wala naman."
Hindi na niya ako kinulit tungkol doon kasi palagi kong sinasabi na okay lang ako. I also don't want to admit to them.
Sa simula pa lang, I was already clear to them that I am not affected with Haben. Gusto kong panindigan iyon.
"Kuha na muna ako ng tubig," ani Ed at tumayo na.
"Kuha mo rin ako ng tissue," si Beth.
Tumango si Ed at tumalikod na ngunit muntik na siyang matumba. Nagtawanan kami. Si Polo naman ay kaagad siyang tinulungan.
"Ano ba 'yan. Hindi ka naman uminom, ah? Ba't para kang lasing?" tukso ni Shyra.
Polo looked at Ed seriously, ignoring our laughs.
"Nahilo lang ako saglit," ani Ed at natawa na. "Ayos lang ako, baby babe," aniya kay Polo.
"Concern lang ako, baby babe," tugon naman ni Polo.
"Kadiri," I said, laughing.
Hinatid kami nina Ed at Polo sa dorm bago magsara ito. Pagdating sa kuwarto ay binuksan ko ang kabinet para kumuha ng damit pantulog. Then I saw the stuffed toy on top of my clothes. Tinago ko ito roon nang dumating mula sa school.
"Tara sabay na tayo," ani Shyra.
Kaagad kong isinara ang kabinet para hindi nila makita ang stuffed toy. Kinuha na nila ang mga damit at toiletries nila, handa nang pumunta sa public bath.
BINABASA MO ANG
Beneath the Moon's Phases
RomanceRebecca Andres has been heartbroken before. Kaya naman nang makabangon mula roon ay ipinangako niya muna sa sarili na uunahin niya na muna ang pag-aaral niya. She is consistent with her promises. Kaya nga lang, sobrang malungkot nga pala na maging...