Chapter 23
Voice
Imbis na umuwi sa dorm, nagpasya akong pumunta sa isang coffee shop.
Everything was too much for me. I refused to believe that Drake was really into me. Wala man akong sinabi sa kanya, halata na alam na niya ang sagot ko—na hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya.
And he's too good to understand it. Kahit na casual lang naman siya, nakakailang pa rin. Para bang nagbago nang konti ang pagtingin ko sa pagkakaibigan namin.
I don't want to think that he's doing all the kind stuffs because of his feelings. Pero kahit na, gusto ko pa rin siyang maging kaibigan.
Drake is unfiltered and unbiased. Calculated ang lahat ng bagay para sa kanya. May formula. May solusyon sa bawat problema. And even if he already predicted that I will never give him a chance, I'm still sad about it.
Nagbuntong-hininga ako at pumasok sa coffee shop. Sa counter, nakapansin ako ng pamilyar na pigura ng lalaking nakatalikod. He was wearing a white polo shirt and jeans.
Hindi na niya kailangang magsalita o humarap upang makilala ko siya. Because I already memorized everything about him.
Naurong ang mga hakbang ko, nagdadalawang-isip kung pupunta pa ba ako sa counter o hindi. Ngunit napansin na ako ng cashier at kaagad na binigyan ng maliit na ngiti.
"Good evening po, Ma'am."
That made Haben looked behind him—specifically at me. Buong lakas ko siyang hindi tinitigan. Even if I saw him in my peripheral vision, I pretended that I did not know him at all. Masyado na ring huli para tumalikod at tumakbo.
At ayaw kong makita niya akong ganoon.
I wanted to show him that I'm capable of doing what he does. I'm capable of living a life as if I never met him.
Kaya naglakad ako patungo sa counter. Ilang metro lamang ang nasa pagitan namin ni Haben. I can smell his perfume and it's not helping.
"What's your order, Ma'am?" tanong ng cashier.
"Iced americano."
"One iced americano," aniya. "Ma'am, ayos lang po ba na matagalan nang kaunti? Medyo may sira po kasi sa machine namin. Pinapalitan pa po. Mga 5 minutes siguro."
Tell her it's not fine. Sabihin mo na maghahanap ka na lang ng ibang café kasi marami pa namang iba diyan.
"Sige, no problem," sagot ko.
"Kayo rin po, Sir," aniya sa katabi ko. "Pasensya na po talaga."
Haben did not answer. He just nodded.
Hindi pa rin ako lumingon sa kanya. Pagkatapos ng isang buwan, ngayon ko lang ulit siya nakita sa personal. Akala ko ay ayos na ako. Akala ko ay wala ng problema. Pero mali ako. Sobrang mali.
Kasi habang iniisip ko na nasa tabi ko lang siya, gusto kong sumigaw at magtanong kung bakit hindi puwede.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa kabilang direksiyon para hindi siya makita. I watched how the staffs assembled the machine.
Why won't he talk to me anymore? Hindi naman siguro masama na kumustahin ako kasi naging magkaibigan naman kaming dalawa.
But Haben Serese just stood there with his arms crossed while my heart was pounding so hard.
Ilang minuto pa ay ginawa na nila ang order namin. Tiningnan ko kung paano nila iyon hinanda.
"Here's your orders, Ma'am, Sir. Iced americanos."
BINABASA MO ANG
Beneath the Moon's Phases
RomanceRebecca Andres has been heartbroken before. Kaya naman nang makabangon mula roon ay ipinangako niya muna sa sarili na uunahin niya na muna ang pag-aaral niya. She is consistent with her promises. Kaya nga lang, sobrang malungkot nga pala na maging...