Haben's draft in Microsoft Word the night he met Rebecca in their 'usual spot' when he came home at midnight on his bed. He was supposed to watch a movie but ended up writing for her...
--
Hello po
Bakit ako nandito aaaaaa
Gagawa ba ako ng thesis? Gusto mo ba na gawan kita ng thesis? Lol joke lang. Hirap na nga ako sa thesis ko eee (shoutout kay gab, ang talino mo idol)
Pero kasi hindi ako mapakali. Simula nang iwan kita sa hagdan, pumasok ako sa bar at nakasalubong ko si Ed. Sabi mo na magkaibigan kayo, kaya sinabi ko na nakita kita kasi baka hinahanap ka nila.
They were concerned. I still remember how Ed sighed out of relief when I told them where were you. Syempre, nagtanong ako kung bat ganon ang reaction niya.
Tapos sinabi niya na wala ka raw sa tamang anyo.
So sabi ko, "Bakit? Aswang ba siya?"
Mabuti na lang tumawa si Ed. Baka kasi na-convince ako na aswang ka talaga. Sorry po
Kasi raw broken-hearted ka.
I saw how concerned they were, so I thought you are special. Doon pa lang, natakot na ako.
Rebecca, sa tingin ko crush na yata kita. Alam mo ba na tiningnan ko kaagad ang social media mo? Mas lalo lang akong natakot kasi nakita ko na iniingatan ka ng mga kaibigan at pamilya mo.
I'm not really good at handling fragile things. But I love your smile and I want to keep you. Kaso paano? Hindi ko nga maalagaan ang sarili ko eh
Sobrang chill mo kasing kasama kahit saglit lang yun. Alam mo ba na bumalik ako sa emergency stairs kaso wala ka na pala ron. Feeling ko umuwi na kayo before 11 kasi hinanap ko kayo sa buong bar. Sana pala hiningi ko number mo
Pero natatakot kasi ako. I'm not really into relationships and I admit that I'm not a good person. I'm even the worse when it comes to dating. But you make me want to be better.
Nagkacrush na rin naman ako noon. Pero iba ka kasi eh. You seem fragile, Rebecca, I'm afraid to break you because I'm capable of breaking.
I admit I date a lot. I also hang out a lot. Pero nahihiya ako sayo. Nahihiya ako na baka di mo ako magustuhan.
Kung may chance na magkita tayo ulit, hindi ko na talaga papalampasin ang pagkakataon. Gusto kitang maging kaibigan. Gusto ko rin na more than friends. Kaso ayaw kitang gawin na fling.
You are more than that.
Kaya kaibigan na muna. Tsaka pag okay ka na tapos okay na ako, baka pwede kitang ligawan. Seryoso kasi ako eh. Tsaka gusto ko na kung sino man ang first gf ko, pang future na. Ikaw kasi yung tipong pang future.
Na-love at first sight na yata ako............
Ano ba tong ginagawa mo sa utak ko, Becca......
Sana pagbigyan ako ng pagkakataon na maging akin ka kahit tarantado ako. Kasi pag dumating ang panahon na yun, magtitino na talaga ako.
Salamat din pala sa ex mo. Deserve niyong magbreak para mapunta ka sakin :>
BINABASA MO ANG
Beneath the Moon's Phases
RomanceRebecca Andres has been heartbroken before. Kaya naman nang makabangon mula roon ay ipinangako niya muna sa sarili na uunahin niya na muna ang pag-aaral niya. She is consistent with her promises. Kaya nga lang, sobrang malungkot nga pala na maging...