[Nagulat ako dun ahh..]
[ALICE’S POV]
‘di ko alam kung bakit ko tinawag yung pangalan niya.
Basta ang alam ko.. guto ko.. andito lang siya.
Nabigla ako nung..
Pagharap niya..
Niyakap ko siya.
Hai.. umiiyak nanaman ako…
Alam kong nasaktan niya na ako..pero..
Hindi ko talaga kayang mawala siya sa buhay ko…
Hindi pa pwede.
“A—Alice?? B—bakit??”
“’wag mo na ‘kong layuan. Please?”
At dun ko na lang napansin na ang boses ko ay parang palaka.
At dun ko na talaga masasabi na..
Na..
Mahal ko talaga siya…
“a— si—sige.”
Tapos bumitaw na ako…
“pwede magtanong?”
“yun ba yung tanong mo?”
Kahit may hint na ako kung para kanino yung kanta. Kailangan ko pa rin manigurado. At kahit na seryoso ako, nakukuha niya pang magbiro. Haha. Ang bestfriend ko nga naman. Kaya mahal ko yan eh.
“para kanino yung kanta?”
“ahh.. yun ba?”
Tapos na patingin ako sa baba…
“alam ko, alam mo naman kung sino ang pinakamamahal ko ‘di ba?”
Hinawakan niya yung ulo ko, kasi nga nakaayuko ako.
Tapos bumaba siya ng konte para Makita niya yung mukha ko.
Para nga akong bata nun eh… yung tipong.. ginugusot niya yung buhok ko kasi may ginawa akong pilyo at nakakatawa.
Lagi niya yun ginagawa sa’kin, kasi mas matangkad nga siya.. pero..
Iba nag nararamdaman ko nung tiningnan niya ako sa mukha.
And then..
I knew I was bushing. Lagot…
Tapos, tumawa na lang siya.
“HAHA. Ang cute mo talaga Best… sige. Pasok na ‘ko ha?”
Tapos sumigaw siya kay Bret..
“PRE! SAMAHAN MO NA DITO SI ALICE! PAPASOK NA ‘KO!”
Tapos humarap ulit siya sa’kin.
“sige ha? ingat ka.”
Katabi ko na nun si Bret.
“’wag mong papabayaan ‘tong bestfriend ko ha?”
“HAHA. Pwede ba naman yun?”
“siguraduhin mo, at kung hindi, mapapatay kita.”
“ikaw pa ‘tong may ganang pumatay.. parang hindi nang-iwan..”
“HAHA. Sige na. ingat na lang kayo pauwi.”
“sige pre! Ingat ka rin.”
“bye Alice..”
Tapos, yun na talaga. Umalis na siya.
Umuwi na rin kami kasi wala na rin akong maisip na puntahan kundi kay Mike. Eh, ayaw ko naman na malungkot si Bret, kaya ayun nga.
Hai… makahiga na nga.
BINABASA MO ANG
Count to 10 (posponed)
Novela JuvenilNot all the things we expect may happen.. And not all things we don't won't..