[so… ano na’ng plano?]
[MIKE’S POV]
‘di ko alam kung bakit ko ginawa.
Pinapaselos ko ba siya? o…
Sadyang sinasaktan ko lang talaga siya?
Gano’n na ba ‘ko kasama?
Bakit ko ginawa yun? Buti naiintindihan ako ni Sheena.
Pag-alis ko ng tingin kay Alice, kinausap ko si Sheena…
“bakit masakit pa rin?”
“syempre! Mahal mo ang tao.. pa’nong hindi masakit?”
“ando’n sila oh..”
*sigh*
“ang sakit..”>_<
“sorry, wala akong magawa para tulungan k—“
Tapos, ginawa ko na lang…
Tanga na ba ‘ko? muntik na nga akong masampal ni Sheena. Buti hindi ako ang una..
“sorry…”
“ah..o—okey lang..”
“kung gusto mo nang umuwi, okey lang..”
“ahh.. hindi. Okey lang ako.. C-CR lang ako ha?”
“sige.”
Pagpunta niya sa CR, lumapit si Bret. Tapos napansin ko na wala si …
“alam mo ba kung anong ginawa mo?”
“ano bang ginawa ko?”
“tarantado ka pre! Bakit?! ano bang ginawa niya para saktan siya ng gan’to?!”
“nasaktan siya? talaga? Eh.. andyan ka naman ‘di ba?”
“HINDI NGA AKO ANG MAHAL NIYA!! AT TANGGAP KO YON! KAYA PWEDE BA? TIGILAN MO NA?!?”
Natulala na lang ako…
Nando’n siya…
Kasama ni Sheena…
Umiiyak.
Mas masakit palang nakikita siyang nasasaktan kesa masaya siya kasama ng iba…
Mahal ko pa rin siya.
Alam ko.. dahil..
Masakit pa rin.
Tapos tumakbo “siya” palabas. Hinabol naman ni Bret.
Ako??
…
NGANGA.
“ui! Ano? Tatayo ka na lang ba dyan? Kung sundan mo kaya?”
Hindi ako maka-alissa pwesto ko… ‘di ko na rin alam ang gagawin ko.
‘di ba, sila? Sila ni Bret, pero.. bakit? …
HINDI NGA AKO ANG MAHAL NIYA!! AT TANGGAP KO YON! KAYA PWEDE BA? TIGILAN MO NA?!?
Totoo kaya?
Eh, sinong mahal ni Alice?
A—ako ba?”
Hindi.
Hindi yun pwede.
Si Bret na nung una pa lang ‘di ba? kaya hindi talaga pepwede.
Hai…
“ui! Tara na nga! Uwi na tayo… Sigurado naman akong okey lang yun… Naka-uwi na yun, sigurado.”
Sumunod na lang ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Count to 10 (posponed)
Teen FictionNot all the things we expect may happen.. And not all things we don't won't..