Chapter 7

4 1 0
                                    

[ano na kaya ‘to..?]

[MIKE’S POV]

Muntik na akong mabulunan dun.

Pagtingin na pagtingin ko sa kanya sa last line ng kanta, umiiyak na siya.

Pero nung pagpunta ko sa backstage, sabi ni Sheena, umiiyak na daw si Alice, simula pa lang ng kanta.

Pero, bakit?

Hai… Andito na ako sa table nila.

“ui! Okey ka lang?”

Pinigil ako ni Bret.

“umm.. usap muna tayo.”

“si—sige..”

Pagtingin k okay Alice, nakatingin siya sa kung saan. Malayo ang iniisip.

Hmmm…

Pumunta kami sa bar. Nag-order si Bret ng rootbeer tapos, tinanong niya kung gusto ko. sabi ko na lang eh, sige.

“bakit pre? May problema ba?”

Sa una, ‘di siya makapagsimula. Pero, itinuloy niya.

“pre… may sinabib sa’kin si Alice.. Nung gabing nagkabati kayo, pumunta ka daw sa bahay nila. Tapos, nalungkot siya kasi pakiramdam niya — “

“aalis ako.”

“sabi ko na! totoo!”

“hindi pa naman ako aalis eh. after graduation pa naman eh.”

“...”

“pero, nung gabing yon, nung umalis na kayo. Umuwi na rin ako after three minutes. Pagdating ko sa bahay, ang saya saya ni mama. Makakasama na daw naming si papa. Pupunta na daw kaming states.”

“...”

“pero, alam mo? Si Alice yung nasa isip ko nun. Hindi ko naman dina-downgrade ang kakayanan mong alagaan siya.. pero, hindi ko kasi talaga ka—“

“hindi mo siya kayang iwanan?”

“...”

“kasi..”

oo.

“..nangako ka.”

nangako ako.

“WALA AKONG KWENTANG KAIBIGAN!!”

Syempre, ‘di ko yun sinabi.

Pero, tama siya..

Nangako ako..

At hindi ko pala kayang itupad.

Napatagal-tagal ang silence.

“sege pre. Balik na tayo dun.”

“tara!”

“sa’n kayo galling?”

Napatingin siya sa hawak namin..

*shrug*

“ui! ‘di mo pa sinasagot tanong ko. ano? Okey ka lang?”

“oo naman ‘no?! nadala lang ako sa kanta. Ang ganda kaya.”

*shrug*

“okey.”

Alam ko, iniisip niya yung gabing yon. Yung gabing siya lang ang inalala ko.

Nung gabing masasabi kong..

AYOKO SIYA MAWALA SA’KIN.

May naki-gig na ring ibang banda, tapos nagkwentuhan lang kami. Tawanan. Pero, si Alice, parang malayo pa rin ang iniisip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Count to 10 (posponed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon