[Ang Saya Noh?]
Hai.. saturday came at last.. so yun na nga: own food, own ride, but group jamming.
Dito kami sa beach malapit sa bayan. Umupa lang kami ng cabin at isang room sa hotel na: A road away from the beach.
OVERNIGHT ROCKS!!\m/
[MIKE'S POV]
So, ako na nga ang nagdala (at naghanda) ng pagkain ni Alice.
Hai nako. Kung alam niyo lang kung gano ako katanga tingnan kagabi.. I was so wierd. So worried na baka hindi niya magustuhan, na baka masuka siya. AHAHAHAHA.. OA noh? Kung alam niyo lang talaga..buti at dumating si Mama.. HAHAHA.. Mama to the rescue!:))
"oh Mike, anong problema mo diyan? Parang atat na atat ka ata a?
"eh pano kasi Ma. May outing kami 'di ba?"
"oh tapos? Akala ko ba okay na?"
"oo nga po, kaya lang ang sabi ko kay Alice ako ang magdadala ng pagkain niya..."
"aahh.."
"anong 'aahh..' Ma? Hirap na hirap na nga ako dito oh."
"Mike, relax.. 'Di ba adoba paborito niya? Eh 'di yun na lang ang ihanda mo?"
"oo nga noh?! Nakalimutan ko.. Hai.. Ninenerbyos kasi ako eh.."
"asus! Si Alice lang yan.. Kahit ano pang ihanda mo, kakainin niya yan.."
"Kahit na Ma! 'Di mo rin alam.. Baka deep down in---"
"oo na. Oo na.. Oh ano? tulungan na kita?"
"Thank you Ma! The best talaga ang Mama ko.."
"Sus! Nambola pa!"
Tapos, yun na nga.. Si mama kasi yung tipo ng nanay na parang barkada lang.. Bata pa kasi siya.. Siya pa nga unang nakaalam ng sikreto ko eh.. Yung *****.. AHAHAHAHA!!
Malapit na rin dumating sa beach.. Hai.. Sana nga magustuhan niya.
Sooo.. Andito na 'ko. Sinalubong na ako ni Alice.
"ui! Nadala mo?"
"oo naman noh! Ba't ko naman kakalimutan? Dala ko rin pala yung alaking tent ni Papa."
"Cool. So ano hinanda mo para sa'kin?"
"eh... Adobo lang eh..."
*kamot ulo*
"anong 'lang'?! Paborito ko kaya yun!! Thanks Best!!"
Yinakap niya 'ko. Tapos may nakakita. Biglang sabi ng:"ayiiieeee..."
Bitaw siya kaagad. HAHA. Pagkatapos nun, nakita ang hindi inaasahan. Nakita namin ang 'Super Crush' ni Alice.
Si Bret.
Nalaman na lang namin na inalok pala siya ng barkada niya sa section namin. Andito rin kasi ang gf niya sa klase namin ehh..
"anong ginagawa niya dito?"
"ewan. May nag-alok daw 'di ba?"

BINABASA MO ANG
Count to 10 (posponed)
Teen FictionNot all the things we expect may happen.. And not all things we don't won't..