Kabanata 1 - Kaibigan

165 6 6
                                    

-Kaibigan-

Mainit, Mausok at madaming tao sa paligid habang nagiintay ako sa ilalim ng waiting shed. Ngayong araw na to babalik ang buhay ko. Ang buhay na nawala sa akin ng sampung taon. Sampung taon akong nag hintay, Sampung taong nasaktan, umaasa na muling kami'y magkikita ngayon nga ay matutupad na, ngunit hindi ko alam kung meron pabang babalik sakin. Ang taong hindi ko lubos akalain na magiging bahagi ng aking buhay na siyang mag papakita sakin ng tunay na kahulugan ng pag ibig.

Naaalala ko pa nung una ko siyang nakilala

PRINCE's POV

JUNE 5 20**

Isang malamig na umaga nakadikit parin ang aking likuran sa kama ayaw umalis sa pag kakahiga. 

Mas gusto ko parin matulog sabi ko sa aking sarili, Alam kung ngayong araw mag sisimula ang araw ng pasukan. Unang araw na tatapak ako sa eskwelahan. Ang masama doon ay hindi ko kilala ang aking mga magiging kaklase.

Habang nag iisip narinig ko ang mga yabag ng paa nagwawaring may paparating minabuti kung mag talukbong ng aking kumot.

"Prince! Prince!" Sigaw ng isang pamilyar na tinig.

Hindi ko ito pinansin ito deretso lang ako sa pagtatalukbong upang kanyang isipin na ko ay mahimbing na natutulog. Ilang saglit pa'y bumukas ang aking pinto. May anino ng isang babae na aking natatanaw, kahit na nakatalukbong ako ng kumot maaninag mo parin ang kanyang anino. 

"Anak bumangon kana alam kung gising ka"  Wika ng aking mama

Nang madinig ko ang kanyang sinabi bumangon na ako sa aking pag kakahiga.

Naglakad ako habang sumusunod kay mama ay kinukusot kusot ko ang aking mata na tanda ng aking bagong pagkakagising.

Nakita ko ang aking kapatid na si Ahya Adrian na naka upo sa sofa naglalaro ng kanyang iPad. Si Papa naman ay nasa kusina nag luluto. 

Nakita kung pumasok  sa loob ng kwarto ni Achi Leigh si mama wari ko ay gigisingin niya rin ito.

"Prince halika na rito, Adrian lapit na kyo kakain na" Tawag ni papa sakin kaya bumaba na ako upang kumain.

Sumunod naman si Ahya AL at nakita ko ring pababa na si AchiLeigh at mama. Nilagyan ako ni Papa ng kanin at piniritong itlog at saka hotdog sa aking paboritong plato.

Umupo naman si Mama sa Tabi ni papa at Si Achi Leigh sa tabi ko.

"Shoti, First day mo today. behave ka ok? Baka maging classmate mo si Lynx" Sabi sa akin ni Achi Leigh.

"Who is she Achi?" Tanung ko kay atae habang tinutusok ang hotdog sa akin pinggan.

"She's the daughter of your tita Cygnus" Sagot naman sakin ni Achi.

Hindi na ako nag salita pa kumain na lamang ako.

Ng matapos kaming kumain umakyat ako sa banyo upang maligo.

Malamig ang tubig, hindi ako mapakali habang pumapatak ang bawat butil ng tubig na nagmumula sa aming shower. Nag madali ako sa paliligo bago pa ako magyelo sa lamig ng tubig. 

Pag labas ko ng banyon natanaw ko na agad ang pares ng damit.

Agad akong lumapit sa kama isinuot ko ang aking underwear na may naka guhit na superman.

Matapos kung isuot iyon sinuot ko rin ang pantalon na binigay sa akin ni Achi nung aking kaarawan at isang polo na pinatahi ni Mama sa kanya mananahi sa palengke. Joke! binili ito ni mama sa MOA para ibigay sa akin bilang regalo.

Love BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon