Kabanata 4 - Ina, Kriminal, Ama

102 5 4
                                    

-Anak, Kriminal, Ama-

Ang Nakaraan sa Love Bug....

 Nagkaroon na ngang sagupaan kina Prince at Dave. Sa kasawiang palad ang ilong ni Kisseop ang nasagupa. Nagkaroon naman ng namumuong iriningan kina Beverly at Lynx. Ayaw mag patalo ng dalawa sa kalandian. At may isang Misteryoso na tao ang pumasok sa loob ng classroom. Hindi natin siya kilala. Bago bang character to o luma?

Muli nating simulang ang storya sa bahaging may umepal.

XYDELLE'S POV

Masyadong nag kagulo ang lahat sa hindi inaasahang pag aaway ni Prince at Dave.

Dahil nga sa pangyayaring iyon madami ang hindi nakapansin sa pag dating ng estranghero sa aming classroom.

"Anong nangyari dito! Bakit may dugo?" Ang tanong niya sa amin na gulat na gulat sa kanyang pag dating.

Nakita kung papalapit si Prince  sa taong nasa pintuan. Pipigilan ko sana siya ng bigla nalang niyang kinausap ang lalaking iyon.

"Bro! What are you doing here? Where's Achi?" Tanong niya sa lalaki na nakatayo sa pintuan.

Lumapit siya kay prince at lumuhod upang maging kasing taas lamang siya nito at nag salita.

"Pinapunta niya nga ako dito, Ako daw susundo sayo ngayon" Sinabi niya ito kay prince habang nakahawak sa dalawang balikat nito. 

Tumayo na ang lalaking iyon matapos niya sabihin ang maga katagang iyon. May iniabot siyang sulat sa akin at napatitig naman ako sa kanya.

Mukhang ang sulat na ito ay mula sa kapatid ni Prince na si Leigh. Si Leigh Aubrey Kraft ang babaeng naaalala ko pa hanggang ngayon dahil sa ginawa niyang kamalditahan noong High School. Pangyayari na sumira sa reputasyon ko, Lahat ng tao may ginagawang pag kakamali ngunit  ang gawin ang isang bagay kahit alam mung mali ito ay isang kahibangan tulad ng ginawa niya sa akin.

FLASHBACK

Ang ganda ng araw ko ngayon, ngayon kasi ang beauty contest alas singko palang gising na ako at naligo at nag ayos ng aking susuotin para sa contest na pagandahan.

Kinuha ko ang malaking bag ng aking ina at nilagay doong ang iba't ibang uri ng pang lagay sa mukha at lipstek na pampapula ng maputla kung labi. Nakita ko rin ang sandals na naka tago sa ilalim ng kanyang kama.

Habang kinakalkal ko ang kanyang kama may tumalsik  na isang maliit na supot, Dahil  napakachismosa ko binuksan ko  ito at may nakita akong dalawang pares ng hikaw na perlas itim at puti may kwentas din gawa sa perlas minabuti ko na isilid ito bago pa ako mahuli ng nanay na kinakalkal ang kanyang gamit.

"Xydelle! Bumaba kana nandito na si Goryo sinusundo kana!" Sigaw ng nanay mula sa ibaba. Nagmadali naman akong bumaba matapos niyang sumigaw at nakita ko agad si Mang goryo dala ang kanyang kalesa.

Bakit kalesa? Sabi ng nanay gagayahin ko daw si Cinderella na isang prinsesa na nakasakay sa kalesa. 

"Huy! Eriella ano bang pumasok sa kokote mo at sa Kalesa mo papasakayin ang anak mo! Kung hindi kaba naman tanga!" Sigaw ni tatay kay nanay habang pinapanuod ko sila.

Hindi ako makaalis sapagkat nakikita kung nag aaway ang aking mga magulong.

"Huy Cordapio! Palebhasa wala kang alam kundi sunugin yang atay mo ng alak!"

At bago pa ako makakita ng Pacquiao Vs. Marquez minabuti kung umalis nalang ako.

"Mang Goryo tara na po." Hinagupit ni Mang Goryo ang Lupid at bigla nalang tumakbo ang kabayo.

Love BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon