-Mas malandi ako-
Ang nakaraan sa Love Bug....
Pumasok na nga sa eksena si Mary Joy Lee na ina ng Lee Twins. At tulad ng inaasahan ng marami nilait lait parin si Xydelle ng mga estudyante niya. At ang nakapangatal ng laman ay ang pag sasabi ni Principal Cygnus kay Xydelle na utak ipis. Sino kaya ang pipiliin ni Prince. Ang taglay bang kalandian ni Lynx na may halong pang aalipusta o Ang kalandian ni Beverly na may halong pag mamaganda.
Masyado na tayong nadadala sa kalandian nila.
Bumalik muna tayo sa hinaharap na pangyayari.
Lumapit ang dalawang babae na sina Lynx at Beverly sa akin.
Hindi ko alam ang aking gagawin para akong nasa isang teleserye pinag aagawan ng dalawang malanding babae na nagmana sa kanilang ina.
Lumapit si Lynx at iniabot ang isang panyo.
"Ito oh Noriko gamitin mo may dumi ka sa mukha, Mukhang may ibang gustong pumartner sayo siya nalang nakakaawa namn" Wika sa akin ni Lynx ng may pag mamasunget na tono.
Umalis siya matapos ibigay ang panyo na may burda ng kanyang pangalan at amoy sampaguita na mabibili sa lansangan.
Nakita ko na pinapanuod kami ni Beverly na noon ay gulat sa pangyayari. Muli siyang lumapit at nagsalita.
"Prince pwede bang ako nalang partner mo total umalis nanaman yung mataray na babaeng yun" Malanding sabi ni Beverly.
Tumango na lamang ako sa kanya. Nakita kung si Lynx ay lumapit kay Dave na kakambal ni Beverly.Mag kahawak agad sila ng kamay at masayang masaya habang nag uusap. Nakita ko naman na lahat ay may partner na kaya nang makita ni Teacher Xydelle na ok ng lahat nag salita siya muli.
"Class mag sisimula na tayo sa activity natin. Pinapili ko kayo ng partner kasi ihahalintulad niyo sa gawa ng kapartner niyo ang ugali niya simulan na natin." Sabi ni Teacher Xydelle ng masaya at walang halong galit kahit siya'y inalipusta ng mga estudyante niya.
Nag simula na ang activity nauna namang pumunta sa unahan si Kisseop at si Jolina, Sinundan sila nila Sean at Marina sumunod sina Dave at Lynx.
Bakas sa kanilang mukha ang kasayahan. Kasayahanan na hindi mapapantayan ng isang kending white rabbit o kaya naman ay limang lolipop na may anim na flavor.
Naunang nag salita si Lynx. Hawak ang kanyang papel na may nakalarawan na bulaklak na parang hindi ko maintindihan ang itsura. Ang alam ko lang aya bulaklak yun kasi may nakalagay na caption sa ibaba ng larawan na "Flower".
"Good morning everyone! Hayaan niyong ipakilala ko muna ang sarili ko bago ako magsimula"
Malakas na sabi ni Lynx sa aming lahat.
Narinig kung bumulong si Beverly.
"Bago magsimula kanina pa nga nagsisimula duuh.." Nagmamagandang sabi ni Beverly
Dahil malaki ang tenga ni Lynx narinig niyang lahat ang pag mamaganda ni Beverly.
"May sinasabi ka? Kanina kapa parinig ng parinig? Gusto mo ma-claudine baretto?" Matapang at pagmamasunget na sabi ni Lynx
Hindi nagsalita si Beverly bakas sa mukha niyang ang pag kainis sa nadinig. Natigilan ang lahat kaya pumagitna si Teacher Paulette ( Si Teacher Paulette naman ang aawat masyado ng nakakarami ng eksena si Xydelle baka maging kwneto na niya to)
"Kids, Wag mag-away good girl kayo di ba?" Nakangiting sabi ni Teacher Paulette na ngayon lang ulit napasok sa eksena.
"Pwede naba ako magsalita?" Masungit na tanung ni Lynx.