Kabanata 5 - Only belo touches my skin.

105 5 7
                                    

-Only belo touches my skin.-

Ang Nakaraan.. 

Nakilala niyo ang lalaking nakatayo sa pintuan. At naalala ni Xydelle ang kawalang hiyaan  ni Leigh sa kanya. Ang pag dating ni Ara sa pilipinas at ang tanong sa isipan ni Cygnus matatanggap pa ba siya ng kanyang anak sa kabila ng pakikipag landian niya kay Marky. Muntik ng marape si Leigh buti na lamang malakas ang pag sigaw niya at nahuli ng tanod ang rapist. Ang pag ganda ni Xydelle sa tulong ng bibigay na pera ng kanya ama.

XYDELLE'S POV 

Habang pumapasok ako sa loob ng bahay nakatingin ako kay Dad habang palayo sa kanya biglang pumasok sa isip ko ang kanyang mga sinabi. Tama kaya siya? Baguhin ko kaya ang aking itsura? Maaring magbago ang itsura ko ganun parin ba kaya ang pakikitungo nila sa akin?

"Xydelle! Natatapon na yang kanin" Malakas na sigaw ng Mom sa akin, hindi ko napansin na nakatagilid na pala ang lalagyan ng kanin.

(Bakit Mom ang tawag ni Xydelle? kahit dati e nanay? Simple lang naginarte na si Xydelle porke naasenso na.)

"Xydelle, Bago ka umalis bukas punta ka muna sakin may ibibigay ako sayo" Wika ni Dad habang kumukuha ng sinigang. Sa di inaasahang pag kakataon natapunan si Dad ng isang patak ng sabaw at tatlong dahon ng kang kong sa kanyang short.

Agad agad na lumapit si Mom at pinunasan ang sabaw at kinain naman ang tatlong dahon na nalaglag sa short ni Dad. Hindi ko inaasahang gagawin ni Mom yun.

Hindi ang pag kain ng kangkong ha. Kundi ang pag pupunas ng sabaw na natapon sa short ng Dad. At ang mas kinagulat ko pa ay ng banggitin ng Mom ang mga katagang ito.

"Hon, Teka mag palit ka muna kaya?"  Malambing na sabi ni Mom kay Dad habang pinupunasan nito ang short.

Nag babago naba ang ihip ng hangin? Wari ko ay unti unting natatauhan ang Mom sa aking mga sinabi kanina. Mabait ang Dad at ang Mom lang talaga ang may ugaling kakaiba.

Habang tumatagal napapansin ko ang Mom laging nakatingin kay Dad. Hindi ko alam kung anong balak ni Mom siguro naman hindi masama yun.

Matapos naming kumain ng hapunan nag hugas ako ng plato bago pumasok sa aking silid. Papaakyat pa lamang ako sa hagdan ay nadinig ko silang nag uusap.

"Cordapio, Pasensya kana sa mga sinasabi ko sayo! Hindi ko lamang makalimutan ang nakaraan." Nadinig kung sabi ni Mom kay Dad.

Lumapit ako sa may pinto upang mas madinig ko pa ang kanilang pinag uusapan. Nais kung alamin kung ano ang ibig sabihin ni Mom na nakaraan?

"Sinabi ko naman sayo na nadala lang ako ng  damdamin ko ng panahong iyon. Nagpapasalamat padin ako sayo kahit na di mo anak si Xydelle ay tinatrato mo padin siyang maayos" Wika ni Dad kay Mom na sobrang kinagulat ko.

Napaurong ako at  biglang napasandal sa pader ng madinig ko ang mga sinabi niyang iyon. Hindi ako anak ni Mom? Sino ang aking ina kung ganun? Unti unting pumatak ang butil ng luha sa aking dalawang mata. 

Dahan dahan at walang lakas akong nag lakad patungo sa aking silid doon ko inilabas lahat ng luha na nais kung ilabas sa oras na ito. 20ng taon akong nabuhay na siya ang kinikilalang ina. Ngunit bakit kailangan nilang itago.

May biglang sumagi sa aking isipan babaguhin ko ang lahat sa akin simula ngayon. Simula bukas ibang Xydelle na ang makikilala nila.

Alas syete ng ako ay magising dahil sa sikat ng araw na tumama sa akin mukha hindi ko namalayan na ako pala ay nasa labas ng aking silid sa may terrace. Hindi ko na maalala ang mga nang yari kagabi ang alam ko lang ay ang mga salitang nakapag pabago  sa aking isip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon