agad akong natauhan at itinulak sya pag unagkong walang nang yari " uhm ikaw nalang mag dala ng chalk sa room ha? Una na ako babye"at lumabas ng faculty,buti nalang walang mga teacher ngayon sa loob at wala ring mga istudyante na naglalakad sa hallway kaya walang nakakita sa ginawa nya at walang makakakita samin na lumabas ng faculty.
pagkapasok k sa room hindi ako sa upuan ko umupo dahil sa dahilan na makakatabi ko sya at baka maibring up nya yung nagyari sa loob ng faculty. saktong pagpasok nya ay paupo na ako sa vacant na upuan sa tabi ng best friend ko kaya ng magkasalubong ang aming mata ay agad na kumunot ang kanyang mga kilay habang papunta sa harap kung nasaan ang teacher table at inilapag ang chalk bax at mga papel na inutos sakanya.
Sabi nya chalk lang ang inutos sakanya, tsk.
"oh mr.Silverio bakit ang tagal mong bumalik?" tanong ni ma'am
"may nadaanan po kasi akong " sabay tingin sakin kaya umiwas ako ng tingin at kinausap ang bestfriend ko
" Yung teacher na bago,nahulog yung mga papel na dala nya kaya tinulungan ko po magpulot" he said
pagkatapos marinig ang explanation nya ay pinaupo na sya ni ma'am at nagpatuloy na si ma'am Ramirez mag turo.
ramdam ko na nakatingin parin sya sakin kaya iniiwasan kong tumingi sa gawi nya kahit na pinaglalaruan nya ang strap ng bag ko.
sinubukan kong mag focus sa tinuturo ng guro namin sa harapan ng klase pero wala talaga akong maintindihan kahit isa dahil iniisip ko kung ano ang sinabi nya kanina.
Anong ibig sabihin mo na ikaw lang muna elton? From the start you were never mine. You never liked me back.
recess time na at patuloy padin ang pag iwas ko sakanya, nakipag unahan akong lumabas ng room habang hila hila si abby para lang hindi nya ako makausap.
nasa canteen kami ng mga kaibigan ko, yung iba hinabol lang kami ni abby kasi nauna kami dito at yung iba naman naman ay galing pa sa ibang section nagkakitaan lang dito sa loob ng canteen.
bibili lang kami siomai rice kasi ito ang pinakamura na may rice at masarap din ang chilli sauce na gawa nila, ako ang nasa pinaka likod ng pila dahil pinauna ko na sila dahil magpopork chop daw sila at sakto lang ako ang last na makakakuha ng order ng somai rice, pangatlo na ako sa pila at kasalukuyang naguusap kami ni abby kung ano ang pwede naming gawin mamayang uwi kasi early dismissal kami ngayon ng may maramdaman akong humawak ng balakang ko at maranang pinisil ito akmang lilingon na ako ng marining ko ang boses nito at kilala ko na kung sino ito...
"bakit mo ako iniiwasan?" bulong nito sakin,alam kong sya yun pero hindi ako nagsalita dahil turn ko na para bumili, agad kong hinawi ang kamay nya at umorder na ng pagkain at tubig.
pagkatapos mag order agad kang umalis sa pila at pumunta sa table nyo magkakaibigan
"uy ano yun?" sabi ni sol at sumubo ng pagkain nya
"bakit may paghawak sayo mare?" sabi ni abby habang binubuksan ang tinapay na binili nya.
"paalala ko lang sayo baks tinutulungan mo syang ligawan yung friend mo" sabi ni Christa pero Christopher talaga pangalan nya. napabuntong hininga nalang ako dahil tama sya. dapat talaga iwasan ko na sya.
paakyat na kami ng hagdan at madadaanan namin sya at ang mga barkada nya dahil nakatambay sila sa corridor malapit sa hagdanan, agad akong lumipat sa gilid malapit sa railing ng hagdan at kumapit sa braso ng kaibigan ko para matakpan ako nito mula sakanila.
Pero mukhang no use dahil nakita na nila ako habang papaakyat ng hagdan.
"uy nandito ka pala! Akala ko absent ka eh "
"uy mare!"
"gandang tanghali mare" bati sakin ng mga barkada nya hindi ko sila binati pabalik at nagmadaling maglalakad papaakyat, sinusubukan nyang hulihin ang mga tingin ko pero hindi sya nagtagumpay at nagpatuloy na kaming umakyat ng hagdan.
Shuta bakit kasi sa fourth floor ang room namin!
BINABASA MO ANG
Compilation of Stories
Short Storyall the stories that will be put in here are from my previous account that's deleted now and some of my stories from (xyl_mika) the account that I'm using right now.... most of the are fictional, imagination and some are based on reality... i will...
