Run Back to You

353 14 2
                                        



"Tasha! hanap ka ni sir Cervantes! punta ka daw ng faculty!!!" sigaw ng kaibigan ko galing sa kabilang section habang nakasilip sa room namin, break time ngayon kaya halos ng student nasa hallway, nakatambay at naglalaro sa tapat ng pinto

"sigee papunta naa!" sigaw ko pabalik habang isusubo ang nagiisang piraso ng cream-o na binili ko kanina sa canteen ang mahal nga eh otso pesos
Pagkasubo ay tumayo na agad ako mula sa upuan ko at naglakad na papunta sa faculty buti nalang nandito rin sa forth floor ang faculty namin hindi katulad last year na nasa second floor bago kapa makapasok ng faculty pawis na pawis kana

pag dating ko sa faculty naka bukas lang ang pinto kaya diretsyo lang akong pumasok at binati ang mga teacher na nasa loob agad ko ring nakita si sir Cervantes dahil ang table nya ay katabi ng isa pang kabilang pinto at talang makikita sya agad dahil ang lakas ng tawa nga dahil sa pinapanuod nya sa cell phone nya. " Sir bat mo ko pinatawag?" sabi ko habang naglalakad papunta sakanya habang nasakasudo pa, halos tropa na ang turing namin sakanya dahil buong junior high namin sya ang teacher namin sa mapeh pero kahit ganon ay may respeto parin kami sakanya dahil para na talaga namin syang pangalang magulang

"oh"hindi man lang ako nito tinignan at inabot lang isang folder sakin na kulay violet

" ano gagawin ko dito sir?tapos mo na checkan?" Kuryosong tanong ko dito

tumango siya at tumingin sakin "oo bigay mo sa section helium kay Delavin" sabay bigay ng nangtutuksong tingin, kaya sinamaan ko sya nang tingin manahimik sya dyan

"ser ha! move on move on din pag may time" pabiro kong sabi na tinawanan nya lang

kaya nagmarsya na ako palabas ng faculty pero bigla akong tinawag ng English teacher ko na si Ms. Vina "Tasha halika dito" lumapit naman ako sakanya at ng nasa harap na ako ng table nya "pasabay narin ako nitong pen ni Delavin pasabi salamat at sorry nadala ko, thank you nak" sabay lapag sa table ng gel pen.

juskong mga teacher to porket alam nilang naging kami ni Angelo mula grade 8 hangang grade 10 tuwing may kailangan sila sa section na nya ako inuutusan tsk

Dinampot ko na ang ball pen at nagpaalam na na aalis na ako mahirap na baka may iutos nanaman sila, mabilis ang mga hakbang ko pababa ng third floor dahil nanduon ang room nila kasama ang ka strand nila.

Pagkatapak ko palang ng third floor ay may tumakbo na agad papunta sa room ni angelo at sumigaw

"Gago pare si ex mo papunta dito sa classroom!!" sigaw ng kaklase nya na tumatakbo mula sa labas ng room, shocks issue nanaman to bwiset. Ng tumapat ako sa pinto nila ay kumatok ako sa pinto nang section nila kahit pa nakabukas ito. Duh basic manner

"nandito po ang room ni Mr. Delavin penya? may ibibigay lang po" sabi ko sa babaeng nakaupo sa tabi ng pintuan. Pagkukunwari ko na hindi ko alam ang room nya kahit nakita ko naman ito sa Instagram nya

tumango sya at biglang sumigaw "HOY PRES. NANDITO EX MO MAY IBIBIGAY DAW" nanlakit ang mga mata ko dahil bigla syang sumigaw. Mukha pa naman syang mahinhin

" pasok ka tasha"sabay ngiti sakin ngunit umiling lang ako sakanya dahil natatanaw ko na papalapit na ang taong kailangan ko

"bakit?" pagtingin ko sa harap ay nandito na sya nakatayo malapit sakin ilang hakbang nalang ang pagitan namin. Naka cap pa sya at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa

"pinabibigay ni sir Cervantes, idistribute mo na daw dahil tapos nang i record at checkan and ito yung pen sabi ni ma'am Vina thank u daw" pagkaabot ko sakanya nahawakan nya kamay ko at pinisil ito ng marahan


"eh ikaw? kaylan ka babalik sakin?"mahinang tanong nya pero rinig parin ng lahat dahilan kung bakit biglang nag tilian lahat ng nakarinig nasa loob man ng classroom o nakatambay sa hallway na katapat ng room nila

"come backkkk!!!!"

"Malalandeeeee"

"respetooo naman ohhh!!!"

"ayieeeeeee"

agad kong hinigit pabalik ang kamay ko at umatras mula sakanya, nagkatinginan kami bago pa ako tumalikod ay sinabi ko sakanya








" baka pag nanligaw ka ulit" at halos patakbo na ang mga hakbang ko papalayo sakanyapara bumalik sa room ko

Compilation of Stories  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon