Mary Eliana T. Lopez
"Elias" tawag ni mommy sakin habang ako ay nakadungaw sa bintana, tanaw ang mga puno at mga bundok na aming dinaraanan tumingin ako sa aking harapan at nakitang nakatingin si mama sa akin gamit ang rearview mirror
"Yes ma?"
" Ang anak mo nasaan na?" Tanong nito bago ibinalik ang tingin sa daan and my dad place back his hands on my mom's hand
" Nanduon na daw po sila, naghahanda na para daw pagdating natin makakain na agad" i said and i drop my sight to my phone where there's another message from my daughter
"Ikaw ba hindi na magaasawa pa? Malapit na mag disi otso ang anak mo at nagtatanong na samin kung may natitipuhan na na daw ba at okay lang sakanya na magasawa ka" natatawang sabi ni mama na ikinalingon namin pareho ni dad.
"Hindi na ma, sapat na sakin ang anak ko at hindi nino man mapapalitan sa puso ang mama nya" ani ko na ikinatahimik naming tatlo, nakita kong tumitingin si mama sakin gamit ang malungkot na mga mata pero nanatili syang tahimik at bumuntong hininga nalang
Makalipas ang ilang minuto ay nakadating narin kami sa aming distinasyon, ang tahanan ng aking minamahal, ang ina ng aking anak, ang tahanan ko
"Dad!" Sabi ni Eliana- ang anak namin ni yanna, masaya itong sinalubong ang kanyang lolo at lola, matapos yakapin at bumati sa mga ito ay naglakad na ito papalapit sakin may malaking ngiti sakanyang labi ng tuluyan syang malapit sakin
" Daddy bakit ngayon kalang! Naiintay na si mommy satin!sabi kasi sayo sabay na tayong pumunta pero inuna mo pa trabaho mo, magtatampo si mom nyan sayo sige ka" pananakot nya sakin pero isang ngiti lang ang aking isinagot at niyakap na ang aking unica iha
"Hindi yun magtatampo nagpaalam naman ako sakanya bago ako lumuwas papuntang Quezon" ani ko at kumalas na sa aming yakap "teka lang may kukunin lang ako sa likod ng kotse" sabi ko at tumungo na sa likod at sumunod naman sya sakin
Pagkabukas ay agad na makikita ang mga tumpol ng rosas at isang bouquet ng tulips na paborito ni yannaKinuha ko ang mga rosas at ibinigay sa anak ko
"Maligayang kaarawan anak" at aking pinatakan ng isang halik ang kanyang nuo " wag ka muna mag boyfriend ha? Wag mo muna iwan si daddy " at tumawa ako na ikina lukot ng kanyang mukha"Daddy!" Saway nito sakin at hinampas pa ang aking braso na lalo kong ikinatawa
"Hahaha tara na nga at ibibigay ko pa kay mommy mo itong bulaklak, baka tuluyan ng mag tampo sakin yun" sabi ko at kinuha na ang mga tulips at isinara ang pinto ng sasakyan.
Sabay kami naglakad ni Eliana papunta sa bahay ng kanyang ina pagkapasok namin ay agad akong lumapit kila mama Yahara at nagmano sakanila, agad nilang sinabi na handa na ang mga pagkain at kumain muna ako lalo na at galing pa akong byahe pero agad akong tumangi ay sinabing mamaya nalang at kakausapin ko muna si yanna.
Mababagal na hakbang ang aking ginawa hangang sa makatapat ko na siya, may maaliwalas na mga ngiti at nangungusap na mga mata ang aking nasilayan at ng akin syang makatapat ay agad ko syang binati
"Happy death anniversary mahal, nagdala ako ng paborito mong bulaklak" at aking nilapag sa tabi ng kanyang lapida ang mga bulaklak, unti unti akong lumuhod upang mahawakan ang kanyang lapida at inalis ang dahong nahulog mula sa bulaklak na aking inilapag
"Kamusta kana? Masaya ka na ba dyan? Malapit na mag mag eighteen ang si Eliana mahal, isang taon nalang at may ganap na dalaga na tayong dalawa" sabi ko sakanya habang pinagmamasdan ang anak ko na nakikipag usap sa kanyang mga pinsan
"Alam kong gusto mo ako ulit sumubok umibig sa iba, patawad dahil hindi ko iyon matupad tulad dahil walang sino man ang makakapalit sayo sa puso at isipan ko mahal... Alam kong napaka tagal na at nagsisisi akong hindi man lang kita pinuntahan at pinalala ko ang away nating dalawa, patawad dahil hindi ko kayo naligtas ng isa pa nating anak" naramdaman kong may tumulong luha mula sa aking mata na agad ko namang pinunasan
"Mahal na mahal kita Yanna Hillary hangang sa huling hininga ko"
....
( Yanna's dairy)
December 25
I stalk you kala mo ha! Pagseselosin mo pa ako! Pinsan mo naman yun! Who you FBI sakin love HAHAHA, malapit na lumabas ang mga angel natin ang tanging hiling ko lang ngayong pasko ay makita kita at masabi sayo na magkaka baby na tayo, gusto kong ipangalan sa mga anak natin ay
Elias at Hillary o kaya naman ay Mary mula sa mga second name natin, para hindi na tayo mahirapang magisip ng pangalan hahaha pero love umiyak ako kanina kasi akala ko humanap kana ng iba! Hahanap kapa ng iba e may mga melon na tayo sa loob ng tyan ko! Sabi kasi sayo wag mo ko buntisin eh! Nagiwan ka pa ng remembrance sakin! Mmpp pag talaga nangbabae ka itatago ko talaga ang mga chikiting natin katulad ng sa wattpad! Bahala ka maghanap samin!Love by yanna

BINABASA MO ANG
Compilation of Stories
Short Storyall the stories that will be put in here are from my previous account that's deleted now and some of my stories from (xyl_mika) the account that I'm using right now.... most of the are fictional, imagination and some are based on reality... i will...