Paula's POV
Nandito kaming tatlo sa isang mall kung saan pinili ng dalawa na magbonding kami. Ang daming tao sa mall, kaya nakakailang na parang any time they looking at me and judging me. Yan ang isa sa reason ko talaga kaya wala talaga akong hilig lumabas. Inaatake ako ng social anxiety ko.
"Hay nakakagutom pala humanap ng gwapo dito sa mall noh." sabi ni Kaycee habang nagtitingin-tingin sa magkaibang direksyon saka siya binanatan ni Gwen.
"Bruha ka! Nandito tayo para magbonding hindi magboys hunting!" sabi naman ni Gwen na kinatawa ko naman.
"Naku kumain na nga lang muna tayo mga beh, kanina pa tayo palakad-lakad sa mall." natatawa kong aya sa kanila saka may tinuro ang dalawa na isang kainan para doon kami kumain.
Pumasok na kami sa kainan at saktong napatingin samin ang mga tao na kumakain na kinakapit ko kay Gwen.
"Ikaw naman Paula, para ka naman mawawala kung makakapit ka." medyo malakas na pagkakasabi sakin ni Gwen na kinatingin pa lalo ng mga tao.
Halos mataranta na ko sa kaba at feeling ko anytime ready ako magpalamon sa lupa. Hinila ko agad sila sa table na malayo-layo sa maraming tao kaya sa dulo kami nakapwesto.
"Alam mo naman na si Paula diba kaya di mo siya masisisi Gwen." sabi ni Kaycee kay Gwen saka kami umupo na sa napili naming pwesto.
"Sensya na Pau, nagulat lang ako sa ginawa mo sakin."nahihiyang sabi ni Gwen sakin.
"Ayos lang yun Gwen naiintindihan ko don't worry." sagot ko naman kay Gwen na mukhang nag-aalala pa sakin.
"Salamat ah, oo nga pala ano gusto niyo, ako na pupunta ng counter saka yung pera niyo nga pala hehe." sabi ni Gwen samin saka nagbigay na ko ng pera ko ganun din si Kaycee.
"Chicken saka spaghetti sakin at sundae." sagot ko naman.
"Beef steak naman sakin with rice saka coke float naman akin." sagot naman ni Kaycee.
"Ah sige sige, punta na ko sa counter ah." paalam naman samin ni Gwen saka naglakad na papuntang counter.
"Sorry sakin ah, alam niyo naman na wala talaga ako hilig sa gala dahil sa pagiging anti-social ko—" pagsorry ko kay Kaycee.
"Walang problema Pau, naiintindihan ka namin saka alam ko naman na masasanay ka na kapag nasa Ilocos ka na basta wag mo kami kakalimutan ah." sagot naman niya sakin.
"Teka pala, magsiCR na muna ako—" paalam niya sakin saka siya tumayo at ganun din ako kaya napakapit ako sa kanya sa braso.
"T-teka sama ko sayo—"
"Dito ka na at baka mawalan tayo ng pwesto saka nasa dulo na naman tayo eh kaya wala masyado makakakita sayo okay?" sabi naman niya kaya tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa braso niya saka dumiretso sa cr.
Halos mataranta ako at baka anytime may lumapit sakin at hindi ko pa naman alam kung paano ko iaapproach. Lalo tuloy nagtriggered ang pagiging anti-social ko kaya kahit ganon ay gumawa ako ng paraan para hindi ako gano mataranta. Binuksan ko na muna ang phone ko para magpicture at imyday ko para naman makita nila Mama na nakagala ako.
"Can I sit?"
Halos manigas ang aking buong katawan ng mabosesan ko na hindi ito yung dalawa kong kaibigan. Hindi ako makalingon sa nagsalita na yun kaya napaOo na lang ako dahil sa taranta at ramdam ko na naupo nga siya sa tapat ko.
"Don't worry, hindi naman ako magtatagal." halos mabulol pa siya sa pagtatagalog pero may accent na pagkakasabi ng lalaki ng di lumilingon sa kanya.
YOU ARE READING
Political Destiny [A Marcos Fanfic]
FanfictionAn anti-social girl meet the boy who wants freedom that he didn't get because of his situation will cross their path. The two person who have different beliefs in terms of freedom. Did two get along despite of their beliefs and their world? But asi...