Chapter 8: The First Meet

89 9 0
                                    

Paula's POV

Nandito kami sa office ni Governor Matthew para mapagusapan ang pag-aapply ko. Binigay ko na yung mga requirements ko sa kanya saka niya ito mga tinitingnan at binabasa. Halong kaba at takot nararamdaman ko dahil nararamdaman ko na unti-unti na ko papalapit sa another chapter sa king buhay bilang isang worker.

"So your full name was Paulina Louise Estrella. Kapangalan mo pa yung asawa ni President BBM sa second name mo." nakangiti naman nitong sabi habang nagtitingin sa mga papeles ko.

Tinugunan ko naman ito ng pilit na ngiti kahit wala naman akong paki sa compliment niya. Sa asawa pa talaga ng president pa tsk. As if naman na may pake ako.

Nasa tapat niya ako nakaupo sa may bandang kaliwa ng harap ng mesa niya. Samantalang si Aldrin ay nakaupo sa sofa na upuan sa tapat namin.

"Ayy naku Gov di lang naman yun, magkasing ganda pa sila ng first lady natin." biro naman ni Aldrin kay Governor Matthew saka sila pareho natawa.

"Ayos ka Aldrin ah, may point ka naman dun. Paula is beautiful too." nakangiti naman sagot ni Gov Matthew saka na ito tumingin ng sakin.

"And your birth place pala was here in Ilocos to be specific in Batac. Ang tagal mo na pala nagstay sa Manila and ngayon ka lang  daw ulit nauwi ng Ilocos."

"O-opo Gov, mga 7 years old pa ko noong huling uwi ko po dito." sagot ko naman sa kanya saka ito napatango.

Kita ko kay Aldrin na parang siya pa mas excited samin sa pag-aapply habang ngingiti-ngiti ito sa na nakaupo sa sofa. Nalaman ko na may ilan siyang mga staff na nagresigned at ako naman itong unang naalala ni Aldrin na irecommend.

"O-oo nga po eh hehe sakto din po naghahanap ako ng trabaho." nahihiya ko namang sagot sa kanya.

Ayos din yung pinsan ko na yan ah, atat na atat ata na mapauwi ako dito kaya ako yung unang pumasok sa isip na irecommend.

Nagpatuloy lang si Gov Matthew sa pagbabasa habang kabadong nag-aantay sa magiging desisyon niya.

Hayys bakit kasi ako pa yung unang nirecommend mo Aldrin, madami pa naman tayong ilang mga pinsan na mas type itong trabaho na ito.

Matapos ang ilang minuto ay natutuwa na sinabi ni Gov Matthew na tanggap na ko. Dahil dito, mas naramdaman ko ang pressure na baka di ko kayanin ang work na inapplyan ko and many negative thoughts about that.

"T-thank you Gov!" pagpapasalamat ko sa kanya saka niya ako shinake hands.

"Bukas na bukas, pwede ka na magsimula Paula sa work mo so good luck." nakangiti naman sabi ni Gov na kinangiti ko naman.

Ano ba tong nararamdaman ko na parang excited ako na makatrabaho siya. Kalma Paula, Governor yan ng Ilocos kaya gumising ka. Hindi ka excited dahil makakatrabaho mo siya. Ayaw mo nga sa kanya dahil apo siya ni Marcos.

"Dahil dyan, manlilibre ka kasinsin. Celebrate naman tayo!" sabi ni Aldrin saka ito tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sakin.

"Hey, sama naman ako dyan Aldrin. Hindi pa nga nagtatrabaho kasinsin mo magpapalibre ka na agad. Don't worry sagot ko na at after ng work ko punta tayo sa favorite restaurant ko." biro naman ni Governor Matthew.

Mukhang masayang kasama si Governor Matthew. Yung tipong kahit empleyado ka lang niya, para ka lang niya kabarkada kung ituring. Kita ko kung gaano sila kaclose ni Aldrin.

Yan ba yung sinasabi ng iba na masamang tao ang pamilya Marcos. Well, di pa rin ako makukumbinse dyan lalo, public officials siya. Kailangan puro kagandahan ng ugali niya ipakita para hindi siya masira sa ibang tao. Oo tama, yun nga siguro dahilan.

Political Destiny [A Marcos Fanfic]Where stories live. Discover now