Chapter 6: Benedict Cumberbatch

100 10 0
                                    

Gab's POV


Marami ang naghangad.

Marami ang umasa.

Kaya marami rin ang nabigo.

"Gab... Gab?"

A familiar voice entered my ear which pulled me back on my senses.

"Nurse! Gising na ang patient!"

I gently open my eyes so as the pain from my head opened. That memory.

I saw the shadowy back of Nathan na lumabas na nagtatakbo mula sa room.

I observed everything with my eyes.

White painted wall. On that wall, a board was attached on it full of sticky notes from Dad, Krypton, Nathan and Mom. I saw Krypton's note with an emoji of a little boy sticking out his toungue from his mouth. That brat. I laugh with the thought.

Ano'ng nangyari? Ang totoo ay hindi ko pa rin nakalimutan ang nangyari.  As fresh as the flowers displayed on the table beside the bed where I'm stuck.

Tapos pumasok ang nurse at nag-check ng kung ano ano.

"Good to see you back Gabielle," bungad agad ni Nathan. "Four days ka ng natutulog diyan. Akala namin ay hindi ka na gigising." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Apat na araw ka nang di kumakain." Umaliwalas ang mukha niya pagkasabi niya nun na parang tuwang-tuwa pa.

"Grabe ka! Pag ako makaalis dito, babatukan kita," sabi ko habang nakanguso.

"Excuse me po," pumasok ang nurse sa usapan  "Pupunta po mamaya si Doc dito. Siya na ang bahala mamaya." Nag-nod lang si Nate at lumabas na ang nurse.

Sumeryoso bigla ang mukha ni Nathan na agad ikinatayo ng mga balahibo ko. "Gab naman... Alam mo bang alalang alala kami sa'yo. Sina tito at tita naman ay napapraning... pati rin pala si Krypton. Hindi pa yun nakakabisita dito kasi may klase pa. Pero miss na miss ka na nun."

Tss. As if may care ang sadista kong kapatid na yun. Tss. Pero... what?! Si mom at dad? Agad akong kinabahan. "Shucks! My parents! Halaaah! Sa tingin mo pagalitan ako ng mga yun?"

"Oo." Aba! Magsinungaling naman siya kahit konti! Alam niyang kinakabahan ako eh! "But don't worry. Andun parin sila sa Taiwan. For business. At 2 months daw yun."

Sigh. I feel relieved naman dahil sa akala ko'y may parusa na naman.

"Salamat naman. Buong vacation na walang bantay. Can you hear what the air is saying?"

"Huh?" Confused naman siya. At natahimik at nakinig nga sa hangin. Ang hunghang talaga.

Tumawa lang ako at binatukan siya. "Hindi yun literal ulol! Freedom!"

"Naku Gab ha! Freedom freedom ka diyan! Ako ang kinakabahan sa'yo. Lalo na't..." Tinignan niya ako sa mukha at sa katawan ko.

"Hoy manyakis magtigil ka!" sigaw ko sa kanya. Namumula na ata ako nito.

"Tignan mo kasi ang mukha mo sa salamin," sabi niya.

Haist ang alam ko ay ilalampaso na naman ako ng lalaking ito at iinsultuhin niya na naman ako.

"Bakit? Sasabihing mong 'makakakita ako ng baboy'? Sus! Ang nougat mo talaga kahit kailan Nathan Sarsoza!"

"Hindi na." sabay bigay ng malaking salamin na nakasabit sa wall ng hospital. I wonder kung kailan pa nagkaroon ng isang salamin sa hospital room?

Love BalanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon