Chapter 09: The Defense

14.6K 1.4K 1.7K
                                    


DISCLAIMER
The succeeding chapters will involve legal and criminal proceedings. I am not a police or a lawyer, but to the best of my knowledge, I will try to write these parts as close to the real procedures. Nevertheless, I will be exercising my dramatic license to modify some of these existing conventions to fit the narrative. I hope you all understand!

 I hope you all understand!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAMIE

OH MY God!

Grabe ang kaba ko habang nakaupo sa unang row dito sa gallery. I didn't usually feel this way kapag may performance kami. I was more confident because I was in a familiar environment. Ibang-iba rito sa courtroom. Parang bumalik ang college days ko kung saan kinakabahan ako tuwing sina-shuffle ng prof ang mga index card na may pangalan namin para sa recitation.

It's been two weeks nang i-present ng prosecution ang kanilang witnesses sa korte. Hindi ako naka-attend dahil may rehearsal kami noon at ayaw akong payagan ni direk na um-absent muna. If I tried, malamang upuan at mura ang sasalubong sa akin pagbalik ko sa stage. But I kept myself updated by reading the news article published by the Clark Converge (siyempre, support tayo sa publisher ni Lorelei!) and by asking updates from Alistair.

Today, turn na ng defense para patunayang self-defense ang ginawang pagpatay ni Madonna kay Parker. At dahil nag-volunteer ako na maging character witness, sasalang din ako mamaya kapag ipinatawag na ako. I think second ako sa papapuntahin sa witness stand. There's no need for me to act or pretend to know something that I didn't. Sasabihin ko lang kung ano ang nalalaman ko. Then that's it!

The trial hasn't started yet dahil hinihintay pa ang judge, pero nasa kani-kanilang puwesto na ang defense at ang prosecution. Nasa kanan si Alistair kasama ang kanyang assistant at ang accused, inaayos ang mga papel at folder sa kanilang mesa. Nasa kaliwa naman si Luthor at ang kanyang assistant, naka-relax lang habang nakasandal sa kanilang upuan.

Lumingon ako sa likod. I saw Lorelei in her white blouse and black blazer. Iistorbohin ko sana siya kaso busy siyang nagta-type sa kanyang laptop. She's not just here to support—wait, sino nga ulit ang niro-root niya rito? Siyempre si Alistair!—but she's also here to do her job as a journalist. Malamang hindi challenge sa kanya ang pagiging objective kahit kilala niya ang dalawang abogado na magka-clash mamaya.

Bumalik ang tingin ko sa harapan. Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang judge na nakaitim na robe. Tumayo kaming lahat bilang welcome sa kanya. Pagkaupo niya sa bench, umupo na rin ulit kami. Binasa muna ang case na tatalakayin ngayon bago binigyan ng go signal ang defense team na mag-proceed sa pag-present.

"We'd like to call our first witness to the stand," Alistair said habang nakatingin sa direksyon ko sa gallery.

Tumayo ang katabi kong babae na may suot na puting lab coat. It's not hard to tell na isa siyang doctor dahil may pangalan at logo ng ospital sa bandang chest part ng suot niya. Naglakad siya hanggang sa marating ang witness stand. Pinuntahan siya ng clerk of court, ipinataas ang kanang kamay at pinaulit ang oath. So basically, kapag nagsinungaling kami rito, pwede kaming sampahan ng kaso.

Future of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon