Maaga ako nagising ngayon, hindi dahil gusto ko. Si mama may gusto, jogging kuno Kami.
Juicecolored, patawarin nawa ang mama ko na walang magawa.
Kinuha ko ang towel sa tukador, dahil maliligo ako kahit maaga. "Oh? Naliligo ka pala?" Medyo gulat na tanong ni mama.
"Hindi man halata, pero oo ma." Bahagya pa ako nitong hinampas sa braso, kesyo magpapakatay daw sya ng manok.
FishTea.
Mabilis ko na binuksan ang gripo, at hindi na nakakatuwa ang lamig nito. "Ma! Heater!!" Akala ko heater inabot saakin ni mama, Takure pala.
"Heater ka d'yan, oh! Ininit!" Umalis na si mama, dahil nandidiri daw sya sa tae na nasa labas.
Grabe arte.
Mabilis ko na binubos and ininit sa balde at ninam-nam ang maligam-gam. Iba talaga pakiramdam pag malamig ang tubig, bigla ka mapa-pa overthink.
Nakakainis talaga yung Tilapia, hindi mabuhay-buhay. Ginawa ko pa ang mouth to mouth para ma revive, pero wala na talaga.
Hindi sya para saakin. Hmm.
"SHA!!!" Sge, tapos na pala ako maligo. Lakas ng bunganga ni mama. Ke aga-aga, juicecolored.
Nagsuot ako ng mga hinanda ni mama na damit, sya daw namili kasi muka daw ako nanay manamit.
Lumabas kami at talagang malamig sa labas,mararamdaman ko bigla ang tamis ng kahapon. Hindi joke lang, pero malamig talaga.
"Ganto Sha! Pangit mo tumakbo." Bigla ako nahiya sa takbo ko, si mama talaga bully sa buhay ko. Muka pa akong tanga sa tali ko na umiilaw, yung binili nya sa shopee.
"Alam mo yung pinsan mo Sha? yung si Argel? naku naglayas." Chikadors si mama ngayon, Kaya kaysa kontrahin pinakinggan ko nalang.
"Bakit daw?" Tanong ko din, para may mapagusapan naman kami. Puro nalang bangayan ih.
Bahagya pa na huminto si mama malapit sa bench, at sumunod naman ako. "Kasi laging kinukumpara sa ibang kamag anak! Naku! Hindi ko gagawin sayo yun nak, alam ko naman na shunga ka." Tuwang-tuwa si mama sa itsura ko, ako hindi.
Lagi nya akong pinagtri-tripan. "Mama naman.." Hinawi nya ang buhok ko at tinampal ako sa noo. "Alam mo Sha, masaya ako Kung ano ka, Kung ayun lang kaya mo, edi go. Duh" taray, mama ko advisory na.
Pero na touch ako, I knew my mom will be my number one fan. Hindi kasi sya kontra sa mga ginagawa ko, pananamit lang.
6:56 AM, ang aga pa para umuwi, pero nagmamadali si mama.
Nakarating kami sa bahay, 6:59 na. Nag gisa si mama ng sibuyas, bawang. Bango~, sinunod nya na ang kanin na hindi naubos kagabi.
Nasa gitna ako ng pag babati nang itlog, biglang tumunog ang barya sa pinto. I thought... he's dad.
"Shopee po!" Mabilis na binitawan ni mama ang sandok at inihabilin saakin Ito. Kahit nagluluto ako ay rinig ko ang usapan nila.
"175 po madam"
"Oh!, Salamat!"
Bumalik na si mama sa kusina, kung saan ako naparoon. Bawal daw hawakan yung parcel 'Nya.'
Bumalik ako sa lamesa at pinagbati nanaman ang nag aaway na itlog. Mga itlog na to, walang peace.
"Akin na yang itlog mo Sha!" Sigaw ni mama at itinuro ang itlog. "Hala! wala akong itlog ma—ouch!" Ang sakit pala sa ulo ng spatula.
"Juicecolored, nak yung itlog na binati!" Si mama na ang kumha ng itlog na pinagbabati ko kanina. Sana naman bati na sila, masama mag away.
"Oo nga pala Sha, ilan taon kana?" Nakakahiya sabihing kay mama, baka kilig sya. Tumayo at at confident na sinabi, "18 ma—Aray! Ma masakit na Kaya!" Nilakad ni mama ang pagitan namin at hinipan ang noo ko. "Desi otso kana pala Sha?! Utak mo pang kinse!"
Akala ko matino sasabihin ni mama, jusme.
Hinihain na ni mama ang pagkain sa hapag at nilantakan kuna. Bahagya ko pang naibalik ang itlog ng maalala ko ang salitang, "Pray before you eat."
Tinawanan lang ako ni mama, at sya na nag lead.
Dear almighty God, salamat sa pagkain na ipinagkaloob nyo saamin ng aking anak na si Sha. Sana ay laging masarap ang aming pagkain at maayos ang aming kalusugan.
Idinilat kuna ang aking mata at hinihintay muli ang pagtunog ng barya sa pinto. 6:05 had passed, hindi parin ako kumakain.
"Sha, kumain kana." Malumanay at may bahid na kalungkutan ang boses ni mama. "Hinihintay ko pa si papa ma, malapit na 6:10 dadating na iyon." Alam ko na masakit, pero umaasa parin ako na darating si papa.
"Wala na sya Sha." Kita ko kung paano tumulo ang luha, na mukang kanina pa ni mama pinipigilan. "Buhay sya ma, buhay si papa!" Hindi ko mapigilan sumigaw, I know he's alive.
"Sha naman!" Sigaw ni mama at padabog na tumayo sa mesa. "Ma! walang nakita na katawan! Id Lang ma, Id!!" Hinarap ako ni mama at niyakap.
"Pero alam natin na imposibleng iwan nya ang id nya. Sha kumain nalang tayo." Naging masungit bigla si mama at naging deretso ang tingin sa pagkain. Wala na akong nagawa, kundi ang kumain nalang din at sabayan si mama.
Walang araw na hindi kami nagbabangayan ni mama, about kay papa. Sabi nila kasama si papa sa namatay sa bombang nakatanim sa venue, kung saan naka destino si papa. Walang katawan na pinakita saamin, id lang ni papa. I would never believe hanggang walang katawan, buhay pa si papa at pinanghahawakan ko iyon hanggang ngayon.
"5 years na Sha, since your dad died. Kung buhay sya, hinanap man lang nya tayo. Impossible." Kita ko kung paano higpitan ni mama ang hawak nya sa kutsara at nagsimulang lumuha ulit. Hindi ko na kaya ang nakikita ko, kaya tumayo ako sa aking kinauupuan at nilapitan si mama.
"Kaya natin to ma, tayong dalawa ang lulutas ng misteryosong pagkawala ni papa." Itinaas ni mama ang kanyang muka at tinawanan ako, "Wala ka talagang masabing matino." Seryoso ako sa sinabi ko, tapos si mama tinatawanan ako. Unfair!
Hinila nya ako paupo sa kanlungan nya, at hinawi ang hibla ng buhok. "Kalbuhin kaya kita Sha?" Grabeh na talaga ang mundo, wala na talagang magawang matino si mama.
"Ay no! Mama wag naman ganyan." Kita ko ang sutil na ngiti sa labi ni mama. "Para new hairstyle kung baga." Wala akong choice kundi ang tumakbo.
Juicecolored!

BINABASA MO ANG
RUTHLESS SEDUCTION
RomanceCompleted "You can't take care to others, if you can't take care yourself." This [Was] Sha Castañares Motto before the tragedy happened. Kaya mo bang gawin ang bagay na hindi mo nakasanayan, para sa magulang na ikaw na lamang ang kinakapitan? Kaya m...