"Tara kape Sha!" Tawag saakin ni Aly.
Mabilis akong tumayo dahil baka mag magbago ang isip. Sayang.
"Saan kayo galing nila Ivy kahapon?" Nawala kasi sila na parang bula, sana all nakakagala diba?
Bahagya pa s'yang humarap saakin at pinahasadaan ako ng tingin.
"Duon sa kabilang barangay. Nakakatamad nga, kaso mapagalitan ako pag di ako sumunod." Mahabang paliwanag ni Ivy at dumiretso sa terrace.
Kinuha ko ang kape na nakapatong sa lamesa at sumunod kay Ivy.
"Bakit tawa kayo ng tawa kahapon? Parang nawala ako sa circle ah!" Hinawakan ni Ivy ang aking kamay at sinabihan na...
"Bugok!" Malakas na batok ang natanggap ko.
"May kwento ako sayo Sha. Kahapon may lalaki na bumibili sa englishera nating kapit bahay...tapos ang gaga hinaharot habang nagtitinda." Ito, Marites talaga si Ivy.
"Yan, d'yan ka magaling. Chismosa ka talaga!"Tumigil si Ivy ng pagsasalita at sinampal ako.
"Maglalambing daw palad ko, sabi nya." Sarkastiko na saad ni Ivy at walang pasabi na tinuloy ang chimis nya.
"Tapos sabi, 'Pili kalang pogi, just say it.' HAHAHA Pinilosopo s'ya nung lalake,tinuro yung pakwan tapos sabi 'It.' na badtrip si gaga eh HAHAHA!"
Hindi ko alam kung bakit masaya s'ya. Napaka babaw talaga ng kaibigan ko.
"Ang pangit mo kausap Sha. Bakit di ka nalang sinakal ni tita?" Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko. Batid ko na biro 'yon, ngunit naramdam ko na kumirot ang dibdib ko.
"Hala! joke lang Sha! Gaga binibiro lang kita. Sinabuhay mo naman agad." Pinahid nya ang bawat luha na tumutulo saakin mata.
Hindi. Mali ang pagkaka deliver ko ng salita para sa sarili ko. Alam ko namang biro, pero ang sakit.
Si mama kasi, tsaka si papa...
Pareho ko silang magulang.
Tapos babae si mama taka lalake si papa.
Ay sori, kung ano-ano na sinasabi ko
Kinabukasan ay dumiretso ako sa kusina para mag hugas, nakalimutan ko kasi kagabi.
Nagsimula ako sa mga plato at hindi ko mapigilan ang iritasyon ko nang tumalsik sa labi ko ang tinanggal na litid ng manok.
"Nakakainis din naman kasi itong mga plato na'to! Hindi manlang hugasan ang sarili." Kailangan ko talagang I voice out and nararamdaman ko, dahil baka sumakit nanaman ang ulo ko.
"Isa pa itong baso! Mano man lang buksan nya yung tubig, tapos paikutin yung sarili! Edi malinis na sya!"
Pinaka ayaw ko talaga pag natuyo na yung kanin sa baso, lalo na pag mamantika yung tupperware. Nakaka 'Disgutinh shet!' ganon.
Kinuha ko narin ang sandok at pinagalitan. " Ayan! Isa kapang sandok ka, kung hindi ka huhugasan ay hindi karin lilinis no?!— Aray!!"
Mabilis pa sa alas kwatro kung lumingon at nakita si mama Bet na Naka pameywang.
"Mag ayos ka nga Sharisol! Mamaya maghila ka nalang nang kawali d'yan sa labas! Nababaliw Kana ba?!" Pinagalitan ako ni mama at hindi iyon nakakatuwa.
May dinagdag si mama sa hugasan, kaya lalo akong nairita.
"Bakit kaya hindi natin palayasin itong mga plato ma?!" Napabalik si mama ng lakad saakin at hinampas ulit ako sa braso.
Wow harmless.
"Ikaw nalang kaya palayasin ko, Sharisol?! Jusko ka talagang bata ka, Oo. Ikaw lang siraulo na inaaway ang plato." Umalis na ng tuluyan si mama at ako naman ay naghugas nalang ng plato.
Habang naglilinis ako ng isda, dahil isda ang recipe ni mama today ay bigla itong nalaglag sa sahig.
"Oh si gaga buhay pa! Ma buhay pa yung isa!!" Sigaw ko na agad naman ang pagdating ni mama.
"Ako talagang bata ka!" Mabilis na nakatakbo ako sa sala at binuksan ang pinto palabas, hinabol kasi ako ni mama ng walis.
Nagsasabi lang naman eh.
Akala ko ay ligtas na ako kay mama. Akala ko lang pala.
"Sharisol! Lumapit ka dito at talagang masasaktan ka!" Sigaw ni mama na nag pagulo sa isipan ko.
Kung lalapit ako,masasaktan ako.
Kung hindi ako lalapit, masasaktan din ako.
Ano pipiliin ko?
"Aba't! Tara dito! Mas masakit pag pinaghabol mo pa ako Sharisol! Sinasabi ko sayo!" Mabilis na nakarating si mama sa harapan ko at pinagpapalo ako nang walis Tambo.
"Aray ma! Ouch! Hala ma! Aray! Uy aray ma masakit uy!" Mabilis akong tumakbo pauwi ng bahay at pumasok sa kwarto.
Pinuntahan din ako ni mama sa loob at hinarabas ng palo.
Palo dito, palo duon.
Natapos si mama sa pagiging barakuda nya at umalis na sa harapan ko.
Kumuha muna ako nang tubig sa Ref at nagpahid ng tubig sa mata.
Pumunta ako kay mama at pinakita na kunyari ay naluluha ako, bigla pa ako nitong niyakap at sinabing...
"Alam mo naman na binibiro kalang ni mama diba?" Tumango ako at umalis na duon.
Ang sakit naman ng biro ni mama. Pero buhay pa nga kasi ang isda.
Dahan-dahan akong bumalik sa kusina at kinuha ang kanina dapat ay mamamatay na tilapia.
Naalala ko na May puti along timba sa kwarto, kaya pinuno ko ito ng tubig at nilagay ang tilapia.
Pero hindi ito gumagalaw at lumulubog kusa.
Pumunta ako kay mama at sinabi ang hinaing ko. Dali-dali naman si mama na pumunta sa kwarto at kinuha ang isda.
"Nako Nak, baka nalunod mo yung tilapia?!" Taranta na sigaw ni mama.
"Hala si ma'am, pano yan malulunod?" Nakita ko bigla ang pagbabago ng ekspresyon ni mama at humarap saakin.
"Sharisol! Bakit nandito ang tilapia sa kwarto mo?! Ulam natin to mamaya, kaya pala kulang ng isa!!" At ayun nga, naghabulan nanaman kami ni mama sa loob ng bahay.
Kaya energetic at di na ako nag e-excercise sa umaga eh, habulan pa lang namin ni mama okay na.
Tuwing umaga, nagigising ako sa sigaw ni mama. Tulad nito.
"SHARISOL!!!! YUNG RIDER NG SHOPEE NASA LABAS!" Mabilis akong tumakbo pababa sa sala at binuksan ang pinto.
"Ah ma'am, shopee po! Kay Ma'am betina." Tignan mo itong is mama, sakanya pala yung order maka sigaw.
Binayaran ko ang parcel at binigay kay mama.
"Oh, sa'yong order." Pagka abot ko ay agad na hinila ni mama ang braso ko at pinaupo.
"Tara dito Sharisol. Suotin mo ito." Nagulat ako sa inilagay ni mama sa ulo ko. Scrunchie na umiilaw na parang christmas tree.
Tuwang-tuwa si mama na halos pumalakpak pa.
"Ang ganda Nak! Yieeeee!!!" Saad ni mama at sinabunutan pa ako. Grabe gigil na gigil talaga sya sa parcel at nagawa pa akong sabunutan.
Penge po ng Harmless na magulang. ASAP!

BINABASA MO ANG
RUTHLESS SEDUCTION
RomanceCompleted "You can't take care to others, if you can't take care yourself." This [Was] Sha Castañares Motto before the tragedy happened. Kaya mo bang gawin ang bagay na hindi mo nakasanayan, para sa magulang na ikaw na lamang ang kinakapitan? Kaya m...