Angel's POV
Ang arte naman niya. Nakakairita! Feeler siya, feeling gwapo. Ano bang pakealam niya sa ginagawa ko sa buhay ko. Affected kasi masyado. tss
*knock knock*
"HOY ANO BA YAN!" sigaw ko sa kumakatok
"Papasukin mo ako maldita!" sigaw ng nasa labas. Kilalang kilala ko kung sino yun, at hindi ako magkakamali kung sino yun, at kahit nakapikit ako kilala ko siya. At kahit hindi siya magsalita parating pa lang siya, amoy ko na.
"Putang inaaaaaaaa abellllllllsssssssssss!" tumalon ako sa kama ko, at dali daling binuksan ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ko sa kanya na parang akala mo na sa kabilang ibayo.
"Kasi nga, nalaman kong andito ko sa bahay ni papa jake, owemdyiiiii, i'm so kinikilig ng bongga wushuuuuuuu" sigaw naman niya sakin.
"Grabe ka abells, kamusta naman sa Outside world? anyare kay hannah? kumakain pa ba? buhay pa ba? tao pa ba? o zombie na?" tuloy tuloy kong tanong sa kanya.
"Zombie na siya. ano ka ba naman Angelica, ang swerte mo, full house ang peg mo dito, mamaya malaman ko na lang nagpakasal ka na, alam mo ba ang bonggacious si Jake pa nagbukas sakin ng pintuan, o di ba ang taray, parang bumaliktad ata ah. Among amo ang peg mo dito, nakatago sa kwarto." andaldal naman nito.
"Una sa lahat, hindi ko na alam kung anong paguusapan natin. Andaldal mo e. Pero nakakairita yang si jake. ang sarap niyang ihagis. punyeta siya pakealamero siya, hayop siya. ampanget niya kaya ako nakakulong sa kwarto kasi ayaw kong lumabas dahil sa gnawa niya sakin kagabi" tuloy tuloy kong sabi na akala mo, mauubusan kami ng topic mamaya maya lang.
Napahawak siya sa bibig niya, lumaki ang mata "Owemdyiiiiiiiiiii anong nangyare? anong ginawa niya sayo, anong lasa?"
Binatukan ko nga ang gago. "Ano ba yan, kung ano ano pinagiisip mo, baka mamaya maihampas kita dyan palabas. Ito kasi yun, alam mo ba punyetang nakakairita, kasi kagabi lumabas kami ni Peter, not actually na lumabas, pero nagkita kasi kami sa mall, tapos nagkataon na inihatid niya ako, tapos hinalikan niya ako sa pisngi, itong gagong si jake, kung ano ano pinagiisip pinagalitan ako, ayaw daw niya ng PDA. E punyeta, ang oa niya kasi, hindi ba pwedeng friendly kiss muna yon. Ang arte niya walangya!" sigaw ko.
"Oh tapos ka na niyan?" tanong niya sakin.
"Oo."
"Pwede mo na akong pakainin, nagluluto kasi si jake kanina naabutan ko. Ang lupets mo talagang katulong." HAHAHAHAHAHAHAHA ang galing ko. Katulong ba ako dito o amo?
*tok tok tok*
"Boss, kain na po kayo."
sumilip sa pinto ang gwapong nilalang na naka apron pa at may dalang siyanse. Grabe ang ang init men!
"Hoy. Angelica kumain na kayo, ang galing ako nagluluto." sigaw niya sakin.
At tumalon nanaman ulit ako sa kama, at hinila pababa si abells.
Sa Kusina
"Ano to?" tanong ko kay Jake
"Chilled tofu. " sagot niya sakin.
Kumuwa ako ng tinidor at tinikman ang kung ano man ang nasa lamesa at isa lang ang masasabi ko ayaw ko ang lasa. Ang lamig pa. tsk CHILLED NGA DIBA? Ambobo pa ni abells, nagluluto daw e. ginagawa lang naman to.
"Shit pagkain ba to?" tanong ko sa kanya.
Tapos nagserve siya ng Kaldereta, tapos may pritong bangus pa. ano ba to.
"I made it for cristene hindi naman sayo tsk. syempre bisita kailangan masarap ang ihanda, oh ayan kaldereta para sayo, alam ko namang hindi ka kumakain ng mga weird na pagkain."
"Ang weird mo rin kasi." bulong niya.
"Ampanget mo kasi." sigaw ko
"PDA lang kayo ni peter." kumuwa na ako ng kanin, at kumuwa ng kaldereta masarap siya, masarap talaga.
"oh ano hindi nakasagot, PDA kasi kayo." tiningnan ko si cristene, kumain lang siya, tapos tiningnan ulit ako, ngumiti ng nakakaloko.
"Ang sarap ng chilled tofu." sabi ni cristene.
"PDA bakit di ka makasagot?" pambubuiset pa rin sakin ni Jake
"PDA OI!" nabuiset na ako
tumayo ako sa kinauupuan ko at sumigaw
"Putang ina jake ano bang problema mo? sabi na hindi kami PDA friendly kiss nga lang yun eh, ano bang trip mo, kung gusto mo bibigyan kita, hindi yung pumuputok butsi mo dyan at asar ka ng asar ng PDA nakakagago lang, puta!" pagktapos ng mahaba kong litanya
ngumiti lang siya ng nakakaloko. tapos nagsalita "PDA KA KASI"
Nabuiset na ako, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumapit ako sa kanya, nagsmirk muna ako, lumaki naman ang mata niya, si cristene. kinikilig, feeling niya nanunuod siya ng Live show, unti unti pa akong lumapit sa kanya "Ano PDA sino ngayong PDA. Ngayon parehas na tayong PDA dito sa harap ni cristene." sabay devil smile
"Oi, a-a-ano ba ya-a-an Angel" nauutal utal na sabi niya, nakakatawa siya ang gago niya kasi e.
"Andito na tayo tapusin na natin to." bulong ka. don't get me wrong ah, wala akong gagawin sa kanya, niloloko ko lang siya. Abnormal kasi siya e. Nautal utal tuloy siya. Tapos siya, parang mababaliw na, kawawa naman to, dapat kasi alam niya kung sinong kinakalaban niya, wag siyang tanga.
"Angel ano ba yan. h-hindi na-a pa-la i-i-kaw P-PDA" hahahahaha. ano daw hindi na pala ikaw PDA? BABY? hahahahahah xD kawawa tong batang to.
Jake's POV
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nitong si Angel at bigla na lang kung ano anong ginawa.
"Angel umayos ka nga nakakahiya kay cristene oh." bulong ko sa kanya.
"Okay lang yan, sanay naman siya manuod ng mga Love story." tiningnan niya lang ako, sabay ngiti nanaman, sa totoo lang natutunaw na ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Tiningnan niya ako, sa mata, sa ilong, sa labi pababa ng pababa at sabay ngumiti sakin ng nakakaloko, dinikit niya ang ilong niya sakin, at sa hindi malamang kadahilanan,
hinalikan ko siya. napalaki ang mata niya sa gulat, kahit ako nagulat din sa ginawa ko, halatang namula siya sa ginawa, at dali dali siyang pumunta sa kwarto niya paakyat. sinundan naman siya ni cristene na nag death glare pa sakin.
BINABASA MO ANG
My Ex is My Personal Maid
Teen Fiction"You have loved him for a thousand years, pero ano? He treated you like a poison in his mouth. Sinuka ka niya" -Omar