"Wait lang naman Angelica." habol sakin ni jake
"Putang ina jake, tigilan mo nga ako. makipagtext ka na lang sa mga babae mo." eto nanaman kami, gumagawa nanaman kami ng eksena dito sa gitna ng mall.
"Eh importang business nga e. Alangang di ko sagutin?" Pangdadahilan pa niya.
"Oh? My business ka pala? Amazingggg! Alam ko, model ka at HINDI businessman" dire-diretso lang ako pababa ng escalator, bahala siya sa buhay niya.
"Sorry na angelica."Pagpupumilit niya. Mukha kaming gago, pero bahala siya.
Pagbaba ng escalator dali dali akong lumabas at pumara ng taxi.
Hindi muna ako uuwi. Naiinis ako, nagtatampo ako sa kanya.
Jake's POV
Ang gulo talaga ni angel, Kahit kailan. Hindi mo maasahan sa mga ganyang bagay e.
Bahal siya, uuwi na ako. Akala ko nakikipaglaro lang sakin.
Pag uwi ko sa bahay, sarado pa lahat ng ilaw, nasan na yon? di pa umuuwi? nagalit ata talaga.Kinacall ko na number niya, una nagriring. Tapos nung pangatlo. Pinatay na cellphone.
Kung ayaw niya umuwi, bahala siya sa buhay niya. Matutulog na ako. Nagbihis na ako at humiga sa kama ko. Pero hindi talaga ako makatulog, paano kung napaano na yon? baka Na sundot gang na. Wag naman sana.
11 PM
Nasan na yon? ano ba yan, niloloko ba ako nun.
11:30 PM
Gabi na. Buiset ilang ulit ko na siya tinawagan. ang hirap niyang kausapin GRABE. ano bang nakakagalit sa may kausap sa cellphone.
12 AM
gabi na baka kung napaano na yon. dali dali kong inistart ang engine ko. Baka mamaya kapag napano yun, kargo ko pa.
Ano ba naman kasing trip niya at magpapagabi siya ng ganto. Sira na ba siya? Ewan ko sa kanya.
12:30 AM
Nang dahil sa paghahanap ko, maya maya lang parang may nakikita na akong babaeng ika ika lumakad. Agad agad naman akong bumaba, at tama nga ako ng hinala. Si Angelica yun. Tama ba namang maglasing.
"Angelica" sigaw ko.
"Oh, i-k-a-w paa-la shake" utal utal niyang sabi.
"Anong iniisip mo? baliw ka na ba?"
"Hay nako sha-ke, leshe talaga yang si shake! Punyemas sya, puta siya, magsama sila ng katext niya. Ako kasama niya tapos may kacheck siyang iba." utal utal pa rin niyang sabi, yun lang ba yon? kaya siya nagmamaktol ngayon, at nagpakalasing pa.
"What do you think are you doing?" sigaw ko sa kanya.
"Laughing HA-HA-HA-HA. Ang sakit grabe. Ang sakit." Ngayon naman naiiyak na siya.
"Umuwi na lang tayo." Hinila ko na siya sa kotse.
hanggang sa loob, nagsasalita siya, hanggang sa marinig ko ang matagal ko ng kinakatakutan na isusumbat niya sakin.
"ALAM MO. Hindi niya ako pinaglaban. Ang saklap ba?" nakapikit lang siya habang sinasabi niya, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Kasi kahit ako, naramdaman ko rin yan. Hindi ko siya napaglaban, masyado akong nagpatakot sa mga magulang ko. Masyado akong nasilaw ng pera, ng yaman.
"Ang sakit sakit, bakit ang unfair ng life? siya lang naman minahal ko, wala naman akong ginawang masama? Buong buhay ko nga e gumawa na ako ng mabuti nagbabakasakali na umayos pa tong buhay ko. Pero wala eh." Sorry, sorry kung hanggang ngayon nAraramdaman mo pa rin yon. sorry.
"Ilang taon ako bago nakamove on. Ilang taon akong umiiyak, minsan di kumakain, minsan nasa bahay ng kaibigan." Sige lang Angelica, ilabas mo lang yan. Pati tuloy ako naiiyak din e.
"Ilang taon akong nagmumukhang tanga. Ilang taon kong tinaboy mga manliligaw ko. HAHAHAHAHA. Pero ano? anong nangyari. yung ilang taon na pag momove on, nasayang. Kasi ano? I'm the Personal Maid of my ex. sabi nga ni Jhoanna LUPETSZXS With Jejemon type. HAHAHAHA si Jhoanna, tama si jhoanna na lang naging karamay ko sa lahat. Sa lahat ng problema., Kahit siraulo yon maasahan yon. Kaya pag nawala ako, tulungan mo yung abnormal na yun ha." Parang makapaghabilin naman ito, akala mo mawawala na.
Kahit saglit lang byahe, feeling ko ang haba haba. Nakatulog na rin si Angelica, kaya pala tahimik na. Pero ako, umiiyak pa rin. Sinayang ko e. Ngayon? ano ng mangyayari ngayong alam ko na? Iiwasan ko siya? Hindi magandang ideya, Panget. Iisipin niya na meron siyang mga nasabi ngayong gabi na to. magulo pa naman siya kapag namilit. E di ganun na lang sa Normal na samahan. Amo-katulong. Walang pansinan ayos lang yan.
Ngayon,Hindi ko maintindihan, magulo pa ang lahat. Binuhat ko na lang si angelica, inalis ko siya sa kotse ko. Pero bago yun, tinitigan ko muna siya. Hindi masyadong kagandahan, pero busilak ang puso. Sana manatili siyang ganun. Hinalikan ko siya sa labi atsaka pinagpatuloy ang pagbuhat sa kanya.
Angelica's POV
Bakit napunta ako dito sa kwarto ko? Unbelibabels! Kagabi naaalala ko nasa bar ako, paanong napunta ako dito? MAGIC? Ehmeged!
Nag-ayos na ako ng buhok, may nakita akong nakagalay sa side table ko mga papel. Nakalagay yung pangalan ng university at yung Araw ng pasukan. SA ISANG ARAW NA??????? DAFUQQ
"Ano ba yan ayaw ko pang pumasok!"
sigaw ko
Tumayo na ako at naghilamos, bumaba na ako. at nakita ko ang mahal na prinsipe, nakaupo sa sofa habang nanunuod ng balita
"Kamusta naman ang paglalasing kagabi? Ang galing galing mo talaga" sabi niya habang nakatingin pa rin sa tv. Hindi ako tinitingnan
Nahihiya ako sa ginawa ko, sa totoo lang. Ang babaw ko kasi magalit e. Parang baliw lang.
"Sorry" mahina kong sabi.
"Bukas bumili na tayo ng gamit natin sa school ha." Yun lang tapos tumayo na siya, at kinuwa ang jackt at tuloy tuloy umalis.
Ang arte niya, may nagawa ba akong masama at ganun ang trato niya sakin? tsk Moody
BINABASA MO ANG
My Ex is My Personal Maid
Teen Fiction"You have loved him for a thousand years, pero ano? He treated you like a poison in his mouth. Sinuka ka niya" -Omar