Angel's POV
Ano daw date? Nababaliw na ba to? O nababaliw ba ako? Nananaginip? Pwedeng Pakisampal ako, Please?
"Ewan ko sayo, jake tigilan mo nga ako! Gusto mong masapak?" deretsahang tanong ko sa kanya. date date, anebeh! Kinikilig ako. Chos! Nakakairita naman tong pusong to, kanina pa nag DUG-TUG-DUG-TUG. Abnormals!
"Oo nga, bakit ba ang kulit mo? Namiss ko lang kasi yung mga date natin dati." Ayan, deretsahan din kasi ako magtanong, naderetsa din tuloy ako ng sagot. Bobish Angel Bobish!
Umupo na kami sa dalawang seats, at nanghingi kami ng MENU sa waiter. Tiningnan ko naman ang MENU, at parang napalunok ako sa Presyo.
"Pst. Yung pinakamura na lang sakin." bulong ko kay Jake
"Tumingin ka lang ng gusto mo dyan, ako bahala" bahala siya sa buhay niya, masunurin naman ako e.
sinabi na niya ang order niya sa waiter at ako.
"Magellan's landing, tuna and crabmeat sisig,Oyster rockefeller chocolate roulade tapos yung drinks Mango shake na lang" Inulit ng waiter yung order namin, tumingin naman ako kay Jake at ang itsura niya
O.O -------- Siya
^.^ :P--------- Ako
HAHAHAHAHAHHAHA. SABI NIYA KASI KAHIT ANONG GUSTO KO E. GAGO BA SIYA! BAKA MAKOTONGAN KO SIYA. HAHAHAHHAHA XD ANG GWAPO NIYA. HE! TUMIGIL KA NGA ANGELICA BATUKAN MO ANG SARILI MO. MAGISING KA SA KATOTOHANAN.
Bigla ko na lang, sinampal yung sarili ko, para magising ako sa hallucination na pinaggagawa ko sa utak ko, ang gwapo niya bakit ganun? Puta, kokotongan ko na sarili ko.Ano ba yan tama na nga Angel
"Hoy! Bakit mo sinasampal sarili mo? Abnormal ka ba?" tanong sakin ni Jake
"ANG GWAPO NIYA KASI OMG" sagot ko naman sa kanya
"HA sino?"
"Si Jake"
Tapos bigla siyang tumawa, "Hoy bakit ka tumatawa? gago ka ba?"
"gwapo pala ako ha." sagot naman niya sakin.
"Ha?may sinasabi ba ako?" May sinabi ba ako? wala naman diba?
"meron kilig na kilig ka pa nga e,"
At doon lang nag sync in sakin ang sinabi ko. Ay ambobo ko talaga. nakakatanga ha. hala nakakahiya.
Napatakip na lang ako ng mukha, dahil alam kong namumula ako. Oy hindi naman kasi ako kinikilig. Ano ba naman yan. nakakainis, bakit ayaw niyong maniwala sakin?
"Oy angelica."
"Oy Jake."
"Paano kapag?"
"Ano?" tanong ko naman sa kanya pabalik
"Nevermind, ayan na pala ang orders natin." Pabitin din pag may time, kutusan ko tong si jake e.
Hindi ko alam, kung susubo ba muna ako. O titingin sa kanya, o susubo na lang ako, o wag na siyang pansinin. nakakahiya kasi e. Libre niya lahat to, at ang pinaka awkward pa, nakatingin siya sakin. Pag titingin ako sa kanya. Nakakainis, teka, nga bigla akong napaisip
"Oy diba may girlfriend ka?" tanong ko kay Jake.
"hmm. Oo bakit? si shar miss mo na?" tanong niya pabalik
"hindi baka kasi mamaya gyerahin ako, isipin niya inaagawan ko siya ng boyfriend." sagot ko kaagad sa kanya.
"Okay lang naman, magpapaagaw naman ako e." Buiset na sagot. Alam kong namula ako doon, hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, hindi ko siya gusto. PRAMIS.
"Oo nga pala, mageenroll na ako bukas. Naawa ako sayo, kaya sasabayan na lang kita sa 4th yr mo. trip ko ulit mag aral eh. walang magawa. HAHAHAHAHAHA" para siyang baliw. Nakakairita siya. Ang sarap niyang Ihagis, hanggang school ba naman. Kabuiset
"Saan ka mag eenroll?" tanong ko sa kanya
"Sa St. Anthony of Padua University, malapit lang sa subdivision. Atsaka mura lang naman." prenteng sagot niya habang kumakain ng inorder niya. Ang arte niya kumain. may poise talaga, samantalang ako. NAKAKAMAY.
"50,000 whole year na yon."
"Ano? 50,000 okay ka lang? Baka makotongan kita dyan. Wala akong pera, dyan na lang ako sa tabi tabi." sabi ko sa kanya, habang nagtatanggal ng tinik ng isda. HAHAHAHAHAHA
"AKO na magbabayad sayo."
"Aba! Ayos ka. Kutusan kita, magkakaroon pa ako ng utang na loob sayo" buiset na buiset kong sabi sa kanya.
"Basta. Wag kang makulit."
"Sige, bilang bayad, nood tayo ng sine bukas. maganda yung palabas bukas e sa sine, bukas ang premiere night. Kita tayo ng 6 pm dun ha." Makulit na sabi ko.
"Osige na. May shooting pa ako sa isang agency bukas, pero makakarating ako." sabi niya.
-------------------
Hindi nila alam, na habang nagkakaroon sila ng MINI DATE. E mayroon ng nakatingin sa kanilang dalawa, "Wow! Ano ba talaga jake? Ako pa rin ba o Napalitan na ulit niya ang puso mo?"
Hindi malaman kung pagdudusa ang gusto niyang iparating o pahirap sa dalawang sa tingin niya ay pinagtataksilan siya. Magulo ang utak niya, pero ang alam niya. NILOLOKO SIYA NG DALAWANG TAONG NASA HARAP NIYA NGAYON.
BINABASA MO ANG
My Ex is My Personal Maid
Novela Juvenil"You have loved him for a thousand years, pero ano? He treated you like a poison in his mouth. Sinuka ka niya" -Omar