Chapter 10

168 2 0
                                    

Angel's POV

Hinalikan niya ako, grabe, hindi ko alam gagawin ko. Pagkatapos ng pangyayari, agad agad akong umakyat sa kwarto ko, at sinundan naman agad ako ni cristene. Paikot ikot ako sa kwarto ko, bubuksan tv, papatayin, bubuksan, papatayin

"Hoy punyeta angel, pwedeng pumirmi ka sa isang lugar? nakakahilo ka e."  sigaw sakin ni Cristene

"Hoy! abells wag ka ngang sumigaw dyan, mamaya isipin niya nababaliw ako dito sa loob ng kwarto ko, pagkatapos ng ginawa niya mamaya isipin niya kinikilig ako, gago ba siya!" pabulong kong sabi kay abells

"Bakit hindi ba?" tanong niya sakin ng nakangiti na parang akala mo batang nakapulot ng piso.

"Hindi asa ka namang kinikilig ako noh." sigaw ko sa kanya.

"Oh bat sumisigaw ka? wala na alam na niyang kinikilig ka na." sabay tawa abnormal talaga tong si abells.

"Ikaw naman kasi, ang galing ng trip mo e. May padikit dikit ka pa sa kanya ng bongga, ayan tuloy ikaw ang napagtripan." kaya nga e. anlakas kasi ng trip ko, ang sarap kong kotongan kaloka.

Nakalimutan kong maghugas ng plato, nagmamadali akong bumaba para maglinis ng kusina. Tama nga ako, magulo pa rin ang mga plato. Inayos ko ito, nagpunas ng lamesa.

At habang naghuhugas ako ng plato, biglang dumating si Jake, na naka tshirt lang at naka- Jacket na black naka  pants lang siya walang kyeme kyeme at . naka shades pa, artistang artista naman to. Hindi na ako magtataka kung bakit nainlove ako sa kanya dati, pero nagtataka pa rin ako, bakit nainlove siya sakin. Eh di hamak naman na ang gaganda ng mga naging gf niya noh. Oy ha! Wala akong gamit na

GAGAGAYUMA GAGAGAYUMA.

Uminom lang pala siya ng tubig, ang gwapo niya uminom grabe naman. Feeling ko namumula na ako dito, habang dinedescribe ko ang kagwapuhan ng nilalang na nasa harap ko. Hindi ko namalayan na na sa harap ko na pala siya

"Angel angel"

Napasigaw ako ng "Ay  gwapo!!"

Natawa sya dun, "sinong gwapo?" tanong niya "By the way, bago pa magkaroon ng round 2 yung kanina-" namula naman ako dun, nakakhiya

"Magpapaalam na ako sayo, at baka matemp pa ako at bigla kong pasukin ang kwarto mo, aalis muna ako may photo shoot ako e." paalam niya saki

"Mag ayos ka ng bahay ah." ganun lang suot niya sa photoshoot?

"oy yan lang suot mo sa photoshoot mo?" tanong ko sa kanya

"syempre hindi. bukas dadalhin kita makikita mo."

"sige sige." ang cute naman, walang awkward feeling.

Umalis na siya, at ako para akong tangang nakangiti, kinikilig ba ako? Hindi naman siguro noh? ewan ko ba sa sarili ko. Naiirita lang ako. Naiirita lang talaga ako sa buhay ko, ayaw ko na sa kanya.

Natapos ang pag-iisip ko, at natapos din ang pag-huhugas ko ng hindi ko na alam, Umakyat ako, nagbihis, hinila si abells, palabas ng bahay at pumunta sa mall. Kung saan saan kami nakarating at kung saan saan din kami kumain. Ayun lang pinupunta ko sa mall, ang kumain, magtingin ng magagandang damit na hanggang tingin na lang. Kumain ulit, umupo sa mga benches at nakakahiya man sabihin tinitingnan ko ang mga picture ni Jake.

Ang gwapo niya kasi talaga sobra. ayaw ko na. shit!

"Ang gwapo ni jake noh?" sabi ng malanding boses dito sa tabi ko.

"Oo nga grabe, alam mo ba ang ganda ganda nung gf niya. sobra, parang dyosa"

Ang sakit awts. pero hindi ko nga gusto si jake ang kulit naman talaga ng lahi ng utak ko oh.

My Ex is My Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon