CHAPTER 10: OUR BEST MEMORIES

72 2 0
                                    

AUTHOR POVS
 
Nasa park sila Elizabeth at Nathan. Dyan una dinala ni Nathan ang date nila ni Elizabeth. Makikita mo sa ngiti ni Elizabeth kung gaano sya kasaya kasama si Nathan.
 
Nag picnic muna silang dalawa bago dinala ni Nathan si Elizabeth sa isang river malapit lamang sa park na pinuntahan nila.
 
“Ang ganda dito..” aniya ni Elizabeth habang pinagmamasdan ang paligid.
 
“Oo..”
 
Pareho nila nilibot ang mata nila sa paligid.
 
Then..
 
Napatingin si Nathan kay Elizabeth na nililibot pa rin ang mata sa magagandang tanawin sa river.
 
Napangiti nalang si Nathan habang tinitignan nyang masaya si Elizabeth.
 
“Napaka swerte ko sayo..”
 
Napatingin sa kanya si Elizabeth.
 
“Loving you and choosing you to be part of my life.. is the best decision I made.”
 
Napangiti naman si Elizabeth sa sinabi nito sa kanya.
 
“ So, stay with me..” aniya ni Nathan.
 
“I will..” Elizabeth said.
 
“ And.. I will stay with you.. until my last breath.”
 
And they both smile.
 
Matagal rin inabot nila sa river then inaya sya ni Nathan sa isang dagat. Nagmaneho si Nathan palayo sa lugar nila. Dinala nya si Elizabeth sa isang malawak na lugar. May dagat at may maliit na tulay. Hinalikan ni Elizabeth si Nathan sa pisngi bago lumapit sa dagat. Samantala naman si Nathan kumuha ng folding chair at umupo doon habang tinitignan nya si Elizabeth.
 
Kumuha sya ng papel at lapis upang iguhit si Elizabeth.
 
Nakatalikod sa kanya si Elizabeth at naka spread ang dalawa nyang braso na para ba’y yayakapin nya ang mundo.
 
Ginuhit lamang sya ni Nathan habang hindi alam ni Elizabeth.
 
Nakatayo lamang si Elizabeth habang tinignan ang dagat. Hanggang sa tinignan na nya si Nathan. Lumapit sya upang yayain ito samahan sa dagat.
 
“Ano ginagawa mo?” Taka nito ng maabutan may ginagawa sya.
 
“Wala..”
 
Sabay tago sa ginuguhit nya.
 
“Samahan mo ako lumapit sa dagat.”
 
Ngumiti si Nathan at tumango.
 
“Okay, hintay mo ako. Ilalagay ko lang sa bag ko ito.”
 
Tumango si Elizabeth at tumakbo na palayo.
 
Natawa nalang si Nathan sa inakto ni Elizabeth at saka tinapos ang ginuguhit nya sa pag sulat ng mensahe para kay Elizabeth.
 
-
 
Malakas na ang ulan subalit hindi pa nakakauwi si Nathan at Elizabeth sa mga bahay nila. Nagpalipas oras na lamang sila sa isang maliit na motel.
 
“Grabe naman.. inabutan tayo ng malakas na ulan.” Sambit ni Elizabeth.
 
“Oo nga eh.. mali na naman ang balita tungkol sa panahon ngayon.” Aniya ni Nathan sa kanya.
 
Natawa nalang si Elizabeth sa sinabi nito.
 
Dahil basa sila pareho kaya nagpalit sila ng robe at pinatuyo ang damit nilang dalawa.
 
Nanood sila muna ng t.v.
 
Habang nanonood hindi sila pareho mapakali.
 
“Alam mo.. kailangan na natin matulog.” Aya na ni Nathan sa kanya.
 
“ Ahh.. oo nga.. sige..”
 
Pinatay ni Elizabeth ang t.v at nauna na papunta sa bedroom.
 
Inayos ni Elizabeth ang kumot nilang dalawa subalit.. may yumakap ng mahigpit sa kanya. Hinalikan ang leeg nito, balikat at bumalik muli sa leeg.
 
Elizabeth hummed sa nararamdaman nyang nag iinit na katawan nya.
 
IN THE MORNING
 
Nakatingin lamang si Nathan sa kanyang maganda na kasintahan na mahimbing na natutulog pa rin.
 
“Paano ako mabubuhay na wala ka? I love you so much.. Elizabeth..”
 
At hinalikan nito ang noo ni Elizabeth.
 
Naalimpungatan si Elizabeth dahil sa tumama sa kanyang mukha ang liwanag ng araw.
 
Naabutan nyang nakatingin si Nathan sa kanya habang nakangiti.
 
“Good morning, love?” Bati sa kanya ni Nathan.
 
“Good morning..” bati sa kanya ni Elizabeth.
 
“Can I ask you something?” Nathan said.
 
Elizabeth hummed.
 
“What is it?” Tanong nito.
 
“Ano ang pangarap mo para sa ating dalawa?” He asked.

IF I STAY (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now