CHAPTER 14: CANCER

66 3 0
                                    

ELIZABETH POVS
 
‘Bakit bigla ko nabitawan?’
 
“ Ayos ka lang ba, Ms. Elizabeth?” Yaan ang tanong sa akin ng owner ng gallery.
 
“Ah, Yes! Ayos lang ako.. salamat.”
 
Gusto ko pa sana tulungan ang naglilinis ng nabasag kong baso pero bigla may tumawag sa akin.
 
“Yes, dad?” Masaya kong sagot sa kanya.
 
Napatahimik ako bigla ng may sabihin sa akin si dad.
 
“Bakit nasa ospital pa rin si Nathan?” nagtataka ko tanong. Dapat nga nakauwi na sila kaya bakit nandun pa rin sila?
 
“Uhm.. sasabihin ko na lamang sayo pagpunta mo dito.” Aniya nya.
 
Bigla ako napahawak sa dibdib ko sa lakas ng kaba ko.
 
“Eliza, kailangan mo na dalian pumunta dito sa Hospital.”
 
Binaba ko ang tawag at hawak ko pa rin ang puso ko. Kinakabahan ako..
 
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at sumakay sa isang kotse ng kaibigan ko.
 
Pagpunta ko sa hospital nasa bench silang lahat at si Tita naabutan ko umiiyak.
 
“Ano po nangyari?” tanong ko agad.
 
Nilapitan ako ni Mom at niyakap.
 
Nakakapagtaka kung ano nangyayari..
 
Pero ramdam ko sa sarili ko gusto ko umiyak.
 
“Elizabeth.. si Nathan..” sabi ni Tito sa akin.
 
Lalo lumakas ang kaba ko. Sa tono ni Tito para ba’y hindi ko gusto marinig.
 
“A-ano p-po si Nathan?”
 
Bigla dumating ang doctor at sinabi nasa kwarto na si Nathan.
 
Hinarap ako ng doctor ng magpakilala ako sa kanya. Tinanong ko kung ano nangyari kay Nathan.
 
“Ms.. Park.. about Mr. Clark condition.. uhm..” napatingin sya sa mga kasama ko. Then tumutok na sya ng tingin sa akin.
 
“Ano, Doc?” Gusto ko na malaman sa sobrang alala ko.
 
“May cancer si Nathan..”
 
Napatahimik ako bigla..
 
Hindi ko alam ang sasabihin ko para bang bigla ako nablangko.
 
Tumulo nalang ang luha ko habang wala ako masabi.
 
Napabuntong hininga ako upang Ikalma ang sarili ko
 
“What do you mean cancer?” I asked again.
 
“May brain tumor/cancer si Nathan.”
 
Nang marinig ko iyon napaluha na lamang ako sa kondisyon ni Nathan.
 
Napatakip na lamang ako ng mukha sa sobrang iyak ko.
 
Hindi maari ito..
 
 
Hindi ito totoo..
 
 
Walang sakit si Nathan…
 
 
Hindi..
 
Iniwan kami ng doctor at ngayon kausap ko si Tita.
 
“Ang sabi ni doc magagamot naman sa treatment pero.. hindi pa sigurado sa paggaling ni Nathan dahil nasa malala na stage na sya.” Pagpapaliwanag sa akin ni Tita.
 
Pinipigilan ko maluha.. hindi ko na gusto pa marinig pa ang sasabihin ni Tita.
 
“P-pwede po ba sya makita?” Pagtanong ko.
 
“Oo..” she answered while nodding.
 
Napangiti ako saglit at iniwan sila.
 
Pumasok ako sa kwarto ni Nathan. Pinigilan ko umiyak makita sya nakahiga habang natutulog.
 
Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.
 
Nakatingin lamang ako sa kanya.. habang hinihimas ang kamay nya.
 
Biglang..
 
Gumalaw ang kamay nya at hinawakan ang kamay ko.
 
“Hey…” malumanay na bati ko lamang sa kanya.
 
“Hey..”
 
Napangiti ako sa sagot nya kahit bagong gising lang ang boses nya.
 
“How are you feeling?” I asked. Nginitian ko sya upang malaman nya na ayos lamang ako.
 
“Hm..”
 
Ngumiti sya..
 
“Perfectly fine..”
 
I laugh a little..
 
“That’s.. good.. hehe..” sagot ko sa kanya. I want him to know na ayos lang ako dahil hindi ko gusto mag aalala sya sa akin.
 
Basta wag kang iiyak Elizabeth..
 
Napatahimik sya habang nakatingin sa akin..
 
Then tumingin sya sa itaas.
 
“Alam ko ang tungkol sa kondisyon ko..” sabi nya sa akin habang hindi nakatingin sa akin. Tuluyan na nga ako napaiyak sa sinabi nya.
 
“At ayoko makita ka umiiyak dahil doon..” aniya nya sa akin at ngayon nakatingin na sya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.
 
Pinunasan nya ang luha ko.
 
“Don’t give up.. okay?” I said.
 
He smile..
 
“I won’t give up..” malumanay nyang sagot sa akin.

IF I STAY (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now