ELIZABETH POVS
Nasa bahay ng magulang ko si Nathan. Wala ang magulang ko at si Suzy kaya kaming dalawa lang nandito.
Nagpa-piano sya sa piano ni Mom. Ginagamit nya yun habang ako naman nagpipinta.
Nasa harapan ako ni Nathan kaya kita ko ang expression ng mukha nya habang nagpa-piano.
Napangiti ako habang pinapanood sya.
Inumpisahan ko ulit sya ipinta.
Hindi alam ni Nathan na pinipinta ko sya habang nagpa-piano sya.
"Ano ginagawa mo, Elizabeth?"
Napahinto ako sa pagpinta at tinignan sya ng mga mata ko na ninenerbyos.
"Nagpipinta?" Nag aalinlangan ko pa sagot sa kanya.
"At sino naman pinipinta mo?" Sambit nito.
"Uhm.. bulaklak?" wala na ako maisip na idadahilan.
"Wala ka naman kinokopyahan? "
Aangal pa sana ako subalit tumayo sya at lumapit sa akin. Pinigilan ko sya pero makulit sya.
Nakipagharutan pa sa akin bago nya makita ang painting ko.
"Ang gandang lalaki ko dyan.."
May pahimas baba pa sya.
"Pero sana man lang sabihin mo sa akin na ipipinta mo ako para maganda ang pose ko ahhahah!"
And tinignan nya ako. Yung tingin na malalambot ka.
Lumapit ang mukha nya sa akin kaya kinabahan ako bigla.
"Sinusubukan mo ako ipinta patago?" Sambit nito at nginitian ako na may pang inis sa akin.
"Ah..."
'Bakit bigla nalang ako nahiya.. '
"Ang sweet nun.. love.."
Napatingin muli ako sa kanya. Napalunok nalang ako sa lapit ng mukha nya sa akin.
"Ano.. kasi.. kaya.. pinipinta kita.. dahil.. ikaw ang nagbuo at nagbigay kulay sa buhay ko."
Parang bang hindi maganda pakinggan para sa akin ang sinabi ko. Siguro dahil hindi ako sanay magsalita ng mga gantong bagay.
Gayunpaman, Ngumiti sya sa akin.
Ito na naman ang malakas na kabog ng puso ko.. subalit huwag ka papahalata Elizabeth!
"Ang sweet nun.."
And mas lalo pa lumapit ang mukha nya. Napapikit nalang ako. Next thing I know sumasabay na ako sa paghalik nya sa akin.
Tumigil sya at tinignan ako sa mga mata ko.
"May ipapakita ako sayo bukas." Sabi nito na pinagtaka ko.
"Ow.. okay.."
Nagulintang nalang ako sa mabilis nito pag aya.
KINABUKASAN
Nakapang alis na ako na damit. Pupuntahan ko na si Nathan sa bahay ng parents nya.
" Saan ka pupunta?" tanong ni Suzy ng mapansin ako nakaayos.
"Kay Nathan." Sagot ko naman.
"Ahh.. okay! Ingat ka ahh!" Sambit nito. Tumango naman ako sa kanya.
"Hindi mo ba pupuntahan si Jk?"
"Mamaya ko pa sya mapupuntahan." Sagot nya sa akin.
"Ganun ba.. Sige alis na ako!"
Nagpaalam sya muli sa akin bago ako tuluyan makaalis ng bahay.
Pagdating ko sa bahay ni Nathan.
"Suotin mo itong blindfold."
Nagtaka naman ako bigla.
"Why?" Tanong ko may blindfold pa ehh.
"Basta gawin mo nalang." Aniya nya.
Ginawa ko nalang ang gusto nya.
'Ano ba kasi ipapakita nya sa akin!?'
Inalalayan nya ako makasakay pa ata sa karwahe.
"Nathan, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko na naman sa kanya. Gusto ko kasi malaman na.
"Malalaman mo rin.. love.." yaan na ang sinagot nya sa akin.
'Medyo mahaba ang byahe ahh.. saan kaya ako dadalhin nito!?'
Huminto ang karwahe at inalalayan muli ako ni Nathan maglakad.
"Okay.. nandito na tayo."
May naririnig akong ingay na pumupokpok ehh.
Tinanggal nya ang blindfold ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang bahay.
Napaluha agad ako ng maalala ko na ito ang sinabi ko kay Nathan tungkol sa magiging bahay naming dalawa.
Pinagagawa na nya ang bahay namin..
Nakangiti si Nathan sa akin habang nakikita nyang napaluha na ako.
"Tinutupad ko na ang nakita mo para sa ating dalawa." Aniya nito.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Thank you.. Nathan." Saad ko sa kanya habang nakayakap pa rin ng mahigpit. Hindi ko inaasahan na gagawin nya ito. Hindi lang para sa akin para sa amin dalawa.
"For you.. Elizabeth."
Tumingin kami pareho sa future house namin ni Nathan. Pinagagawa nya pala ito kay Jk kaya pala minsan tinatanong ako ni Suzy kung bakit busy lagi si Jk.
KINABUKASAN
Nasa parke kami ni Nathan para mag picnic. Pinanood lamang namin ang mga batang naglalaro at ang langit na maganda pa ang hugis ng mga ulap.
"Maganda ang araw na ito.." sambit ni Nathan. Nakatingin sya sa mga ulap.
"Oo nga.. sana ay ganito lagi ang bawat araw natin." Ang sabi ko sa kanya.
"Ahahaha! Araw-araw kita pangigitiin, Elizabeth." Sabi nito at hinalikan ako muli sa noo.
YOU ARE READING
IF I STAY (YOONMIN AU)
FanfictionWhere Nathan Clark (Min Yoongi) is a well known pianist meet the famous painter Elizabeth Park (Park Jimin). In 1960s, Nathan is living at the most beautiful town. Everyone in this town know who he is. While, Elizabeth and her family just new in thi...