AUTHOR POVS
KINABUKASAN
“Kamusta ka Nathan?”
Tanong ni Elizabeth pagdating sa kwarto ni Nathan.
Napangiti si Nathan pagkakita kay Elizabeth.
“Perfectly fine..”
Ngumiti si Elizabeth kay Nathan kahit alam nya na hindi talaga maganda ang pakiramdam nito.
“Gusto mo na ba kumain, hon?” Tanong ni Elizabeth at ipinakita kay Nathan ang dala nyang pagkain.
“Waah! Perfect timing ka, love! Ahahha! Gutom na ang dragon sa tyan ko ahah!”
Napatawa agad si Elizabeth. Tumabi sa kanya si Elizabeth at sabay sila kumain habang nanonood ng television.
“I heard about the painting you made?”
Napatingin sa kanya si Elizabeth ng magsalita ito ukol sa painting nya.
“Sino nagsabi sayo?” Aniya nya dahil hindi nya naman ito nababanggit sa kanya.
“Mom..” sagot nya na may ngiti sa labi.
“Ahahha! Kakalabas lang kahapon ang painting ahahha! Nagustuhan naman nila.” Kwento nito.
“Talagang magugustuhan nila yun.. ikaw gumawa ehh.”
Sa sinabi ni Nathan sa kanya hindi maipinta ang ganda ng ngiti ni Elizabeth.
Sa kabila ng pinagdadaanan nilang dalawa ngayon tumatawa pa rin silang dalawa kahit may kinakaharap na problema.
“Alam mo may napapansin ako kay Suzy ngayon.”
Sa sinabi sa kanya ni Elizabeth kumunot ang noo nya sa pagtataka.
“Ano naman napapansin mo?” taka nya tanong.
“Nito lang mga araw madalas syang may sinusulat.” May kunot noo pa si Elizabeth sa naaalala nya kay Suzy.
“Maaring may inuumpisahan na sya sinusulat ngayon.” Ang opinyon ni Nathan. Nagkibit balikat lamang sa kanya si Elizabeth.
“Maari.. nakakapagtaka lamang ay hindi nya sinabi sa akin ang sinusulat nya ahahhaha!” natatawa nalang si Elizabeth sa pagiging makuryosidad nya.
“Masyado ka nag-aalala sa kaibigan mo.” Sambit ni Nathan. Natawa na lamang ng malakas si Elizabeth sa sinabi nito.
“Madalas naman ako mag-alala sa kanya. Subalit ngayon nabawasan na dahil ang kaibigan mo ang lagi na nya kasama.” Sambit ni Elizabeth ay bumuntong hininga ng malalim.
“Magiging maayos ang relasyon nilang dalawa. Alam mo ang swerte natin sa kaibigan natin. Hindi nila tayo iniiwan.” Aniya ni Nathan.
“Kaya nagagalak ako makilala silang dalawa.” Sambit ni Elizabeth na may ngiti sa labi.
Sa kabilang banda inaasikaso ni Suzy ang kanyang sinusulat sa kwarto nya. Hindi na nya rin napapansin ang oras dahil sa pokus nito sa pagsusulat.
“Good day, Mr. And Mrs. Park! Nariyan po ba si Suzy?” tanong ng kasintahan ni Suzy.
“Narito sya at nasa kwarto nya. Ang kasintahan mo madalas na nakatutok ngayon sa pagsusulat nya kaya’t ilabas mo naman sya ngayon.” Saad ni Mrs. Park sa kanya.
“Ilalabas ko na po sya ngayon sa kulungan nya ahahha! Gayunpaman, may lakad po yata kayo?” Tanong nya ng mapansin ang mabihis nitong kasuotan at mga dalang prutas at pagkain.
“Ahhh pupunta kami ngayon sa ospital upang bisitahin si Nathan.” Sagot ni Mr. Park sa kanya.
“Ganoon po ba. Binabalak rin namin sya bisitahin bukas. Pakisabi na lamang po kay Nathan na makikigulo ako bukas sa kanya ahahha!” pagbibiro nito sa kanila kaya napahalakhak nya ito.
“Ikaw na bata ka talaga ahhaha! Talagang bagay kayo ni Suzy mapagbiro. Sha! Kailangan na namin umalis sapagkat naghihintay sa amin si Elizabeth. Sinabi namin kasi sa kanya bibisita kami ngayon.” Sambit ni Mrs. Park sa kanya.
Nagpaalam sa kanila si Jk subalit bago sila umalis may pahabol na sinabi si Mr. Park sa kanya.
“Ilabas mo si Suzy ngayon at sasabihin ko ang pangungumusta mo kay Nathan! Paalam, Ginoong Jk!” pagpapaalam nito gamit ang pagkaway ng sumbrero nya.
Pagka-alis ng magulang ni Elizabeth tumungo na si Jk sa kwarto ni Suzy. Naabutan nya may ginagawa ito.
“Bakit mo naisipan ako guluhin ngayon, Jk?” at hinarap sya ni Suzy na may masayang ngiti.
Nilapitan sya ni Jk at hinalikan agad sa labi.
“Paano mo naman naramdaman agad ang presensya ko? Ahahaa!” Natatawang aniya nito.
“Nang marinig ko ang boses mo nawala na agad ang pokus ko sa sinusulat ko. Ngayon.” She tilt her head and cross her arms.
“Bakit ka narito muli?” tanong nito. May pagpapanggap pa na nag-iisip ito at tapos ay tumingin kay Suzy na may kasamang nakakalokong ngiti.
“Narito ako para ilabas ka saglit.. alam ko na.. may pinagdadaanan tayo ngayon kaya.. kailangan mo ng sariwang hangin.” Sambit sa kanya ni Jk.
“Magandang ideya iyan, Ginoong Jk! Ahahaha!” pagbibiro sa kanya nito. Natawa sa kanya si Jk ng sambitin sa kanya ni Suzy iyon gamit ang panggagaya sa boses ng ama ni Elizabeth.
Inilahad ni Jk ang isang kamay nya para hawakan ang kamay ni Suzy. Iniabot ni Suzy ang kamay nya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jk.
“Saan ba tayo?” tanong sa kanya ni Suzy.
“Kung saan may malawak at makikita ang pagbaba ng araw.” Sagot nito sa kanya.
Inaya sya nito mag – bisekleta patungo sa kanilang pupuntahan. Dinala sila ng gulong na ito patungo sa malawak na lupain na puro damuhan at mga tahanan na nalalagpasan nila sa daan.
Huminto ang bisekleta ni Jk at inaya ang kasintahan na sundan sya.
“Saan mo ba ako dadalhin..” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Suzy ng makita nya ang maganda at malawak na lupain. Puro ito mga damo at may mga bulaklak rin. Hinatak ni Jk ang kamay ni Suzy at pinaupo sa isang tela na mahaba.
“Malawak at makikita ang pagbaba ng araw.” Sabi sa kanya ni Jk. Napangiti ang sagot ni Suzy sa kanya dahilan sa hindi nya maipaliwanag ang sobrang saya sa ginawa sa kanya ni Jk.
“Ano nga pala ang ginagawa mo kanina? Ano sinusulat mo?” aniya sa kanya ni Jk.
“Hm.. nagsusulat ako ng isang magandang istorya. Tungkol sa.. kung gaano kalakas o katapang ang isang taong nagmamahal.” Sambit sa kanya ni Suzy.
“Nararamdaman ko na maganda ang sinusulat mo na iyan.” Sagot sa kanya nito.
At sabay na sila napatingin sa pagbaba ng araw. Hinawakan ni Jk ang kamay ni Suzy at tinignan ang kasintahan kung gaano kamangha ang reaction nya sa araw.
“Ang ganda nya…” sabi ni Suzy habang nakatingin sa paglubog ng araw.
“Maganda nga..” pag sang-ayon sa kanya ni Jk subalit hindi sya nakatingin sa araw kundi sa mas maganda pa kesa sa paglubog ng araw.
“Ang ganda-“
Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng mapansin ang pagtingin ni Jk sa ibang direksyon. Napatawa bahagya si Suzy.
“Ginoong Jk ahahhaha!” natawa sa sariling biro si Suzy.
“Huwag mo nga ako tawagin nyan ahhaha!” natatawa nalang rin angal sa kanya ni Jk.
“Ahahaha! Oo na! Nga pala.. may ibig sabihin ba ang Jk mo? Talaga maigsi lang iyon?” taka bigla nya tanong.
“Ah hindi.. palayaw ang Jk sa akin. Si Nathan ang nagbigay nun. Ang buong pangalan ko talaga ay Juanito Krismo Barnabas.” At ngumiti ng malaki sa kanya si Jk. Samantala na tulala lamang si Suzy sa nadiskubre nya.
“Juanito.. magandang pangalan.” Napatango-tango si Suzy sa kanya.
“Jk nalang Suzy ang itawag mo huwag na Juanito.” Pag-aangal nito.
“Maganda nga ehh. Itatawag ko na mula ngayon sayo ay Juanito ahahhah!” may pang-aasar na tono ni Suzy sa kanya. Napailing na lamang si Jk sa kanya dahilan sa hindi makapaniwala na binibiro sya ni Suzy.
Sa kabilang banda ay araw- araw pumupunta si Elizabeth sa Hospital para bantayan si Nathan. Ang ginagawa nila ay nanonood ng television at nag uusap. Hanggang sa umabot sa problema muli ng sumumpong ang masakit na ulo ni Nathan.
“Magiging maayos na sya ngayon..”
Saad sa kanila ng Doctor. Tumango silang lahat at iniwan na sila ng mga Doctor.
Natutulog si Nathan ng iwan muna sya ng magulang nya at ang natira ay si Elizabeth sa kwarto nya.
“Kaya mo ito Nathan.. kilala kita.. malakas kang tao.. Please.. fight this..”
Tumulo ang luha ni Elizabeth habang pinagmamasdan ang natutulog na si Nathan.
“I love you..”
Hinalikan nya ang noo nito at sa mahabang gabi na iyon tanging maririnig mo lamang ang hagulgol ng iyak ni Elizabeth.
YOU ARE READING
IF I STAY (YOONMIN AU)
FanficWhere Nathan Clark (Min Yoongi) is a well known pianist meet the famous painter Elizabeth Park (Park Jimin). In 1960s, Nathan is living at the most beautiful town. Everyone in this town know who he is. While, Elizabeth and her family just new in thi...